GBH1
"Hello Gab? Nasaan kana? Andito na kami nila Isha sa school. Papasok ka ba?" Sabi ni Shaine sa kabilang linya, kaya napairap na lang ako sa kawalan ng marinig ko na naman yung paulit ulit nyang tanong t'wing mahuhuli ako sa kanila.
As usual, late na naman ako sa aming apat kaya tinatawagan na naman ako nitong mga 'to.
"Oo, eto na. Matatapos-" Diko na natapos yung sasabihin ko nung nagsalita agad s'ya sa kabilang linya. Tung babaeng 'to talaga!
"Osige na, aantayin ka na lang namin dito. Bilisan mo ah? Ang init init dito e." Arte nya pang sabi sakin, siguro kung nakikita ko lang 'tong babae na 'to. Tumitirik na naman mata neto sa hangin e.
Wala pang 30minutes natapos na ko sa routine ko ka'da papasok. Ni hindi ko na yata kayang kumain pa, dahil dagdag oras na naman. Babawi nalang siguro ako sa lunchbreak mamaya sa school, buti na lang hindi pa'ko gutom.
I was half-running while holding some papers na ilalagay ko sana sa bag ko for personal matters ng biglang sumabog sa sahig pagkatapak na pagkatapak ko sa huling palapag ng hagdan.
Napapadyak ako sa inis. "Anak ng!"
"Gabriella, ang bibig mo!" Nanggalaiting sabi sakin ni Mommy.
"Sorry mom." Walang akong nagawa kundi lumuhod nalang para pulutin isa-isa ang mga nagkalat na papel. Kung kailan namang nagmamadali ka, kainis!
"Mmy, alis na po ako." Dumaan muna ko sa kitchen bago umalis dahil alam kong nasa kusina lang si mommy pagkatapos nya kong pagalitan kanina.
"Ikaw, yang bibig mo ah? Hindi ka ba muna kakain?" Napakamot ako sa ulo ko at alanganing ngumiti sakanya. Tinignan nya ko na parang alam nya na kung ano ang isasagot ko sa tanong nya. "Oo na, sige na. Hindi ko alam sayo kung bakit kailangan pang magpaliban sa kain samantalang yan dapat ang uunahin bago ang iba. Ano na lang ang papasok sa kukote mo nyan Gabriella?" Sermon ni mommy sakin pagkatapos nyang punasan ang lamesa.
Medyo napangiwi ako nung marinig ko nang tawagin ako ni mommy sa buo kong pangalan. Seriously? Pangalawa nya na 'yan. Okay na sana kahit Gabby na lang.
"Sorry mmy, promise. Babawi po ako bukas, nalate lang talaga ko ng gising ngayon kaya kailangan kopo magmadali. Tsaka hinihintay din po kase ako nila Inna sa school kaya kailangan ko na po umalis." pasweet kong paliwanag sakanya dahil alam kong hahaba pa ang diskusyon kapag inapilahan kopa yun ng walang lambing. Knowing mothers, alam nating walang magpapatalo sa ganitong issue.
"Oo na oona, sige na. Umalis kana, mag iingat ka." Kukurutin pa sana nya ko sa tenga kung hindi lang ako umilag sa ambang pagkurot nya.
"Yes mmy, Iloveyou. Bye." humalik nalang ulit ako sa pisngi nya at hindi na inantay pa yung sagot nya.
Dali dali akong lumabas ng bahay. Nang makita ako ni manong, hindi na nya inantay pang makalapit muna ko bago nya buksan ang pinto ng sasakyan, kaya dali dali kong hinagis yung bag pagkapasok ko.
Muntik pa kong matalisod nung hindi ko ulit mapansin yung nakaharang na gatter dun sa labas ng gate. Palagi nalang ako natitisod don, at palagi ko ring nalilimutan na nagpalagay si daddy ng ganun don, ni hindi ko nga alam kung para sa'n eh.
Pagkahatid sakin ni manong, hindi na ko nahirapan hanapin sila Shaine dahil automatic sa coffee shop tapat ng school lang sila mag-stay dahil yun lang yung malapit na pwedeng tambayan.
Hindi ko na sila pinuntahan don, kase tinatamad na ko maglakad sa sobrang init ng panahon. Nag antay ako sa waiting area ng school tsaka ko tinext si Shaine na nasa school na ko at hinahantay kona lang sila, sinabi ko din kung saan nila ko pupuntahan.
For sure, walang duda late na naman kaming apat nito sa first subject. At wala ng bago don!

BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...