GBH2
Saming magkakaibigan sanay na kaming pinag uusapan at pinagtitinginan tuwing aangkinin namin ang hallway kada dadaan kami. Actually hindi naman namin inaangkin eh. Sila lang talaga yung nagbibigay motibo para isipin naming amin ang daan. Hindi kona nga mabilang kung ilang estudyante na ba ang halos bigyan kami ng sarili naming daanan makaalis lang sila sa daraanan namin.
They never treated us like them. Oo nga't nasa university kami pare parehas pero hindi ko alam kung bakit nakakatanggap kami ng special treatment galing sakanila.
"Hello too." Napatingin ako sa side ni Shaine nung narinig ko s'yang nag hello dun sa lalaking bumati sakanya. Napangisi nalang ako nung sinundan pa nya ito ng flying kiss nung hindi sya nito tinantanan ng tingin. Kekembot kembot nya itong tinalikuran matapos kindatan ng may magandang ngiti sa labi.
Well Shaine as usual, she has everything. Name and popularity. Brain and beauty. That's why anybody likes everything about her. Yun nga lang minsan, maharot. Yung tipong ikakahiya mo yung pagiging ganon nya. Pero kahit ganyan 'yan, hindi kumpleto ang barkada kapag walang kikay na kasama. Hindi na ko magtataka kung bakit halos lahat ng lalaki sa school namin, gustong gustong makipagkilala sakanya. She's friendly afterall.
"Wait girls... bakit tayo lang? Nasa'n yung iba?" Napahinto ako sa tangkang paghakbang nang pigilan kami ni ni Isha, bago pa kami makapasok sa room namin. Siguro napansin nya na wala pa sa klase yung mga boys kaya natanong nya.
Patay malisya naman akong tumingin sa gilid namin matapos kong tapunan ng tingin ang loob ng class.
"Baka late din." Pahabol na sagot ni Inna. Kibit balikat naman akong sumunod sakanila ni shaine para sa next subject namin.
Matapos kaming tapunan ng tingin ng mga kaklase namin, or sabihin na nating mas tutok yung mga mata ng mga babae sa mga lalaking kasama namin kaya sila nakatingin. Hindi na namin sila binigyan ng pansin at dirediretso na kaming umupo sa assign seats namin.
Well, Isha "The Great Good Samaritan" already talk to them about having a fling in our class na kung pwede lang iwas-iwasan nila dito dahil ayaw nya makarinig ng complaints tungkol sa mga ginagawang katarantaduhan nila. Madalas kase kung hindi si Isha, si Inna ang humaharap sa mga babaeng nagrereklamo na iniwan at pinagpalit sila sa ibang babae ng mga kaibigan namin para mag-sorry in behalf of them. Yan ang naging papel nila Inna sakanila, ang tagatakip sa mga kasalanang nagagawa nila. Sobrang maloko! Lalo na si Gelo at Mark.
Ewan ko nalang, outside the class.
Minsan pang may isang babaeng humarang sa dadaanan ko papuntang parking lot papauwi na at nagmamakaawa na kausapin ko daw si Gelo na kung pupwede 'wag syang iwan dahil ikamamatay nya daw, hindi nya kakayanin. Literal na nanakit ang ulo ko don sa babaeng yun.
Being "The Girl Who doesn't Mind" walang pag aalinlangan ko syang tinalikuran kahit pa paulit ulit nyang tawagin ang pangalan ko.
Gabriella? Really? Are we even close ate?
Baka nga kahit pa mamatay sya don kakaantay kay Gelo, hindi na sya babalikan non.
Cheater is always a cheater. And bear with it.
Kaya naman ngayon, todo behave na 'tong mga 'to tungkol don. Kase kung hindi pa nakiusap si Isha, siguro maloko pa din tong mga 'to. Tsaka graduating sila, yun ang inaalala naming mga babae.
About Baste naman, pinagpapasalamat ko na kaya nyang i-handle yung mga babaeng nagkakandarapa sakanya. Hindi ako nakakarinig ng reklamo. Alam nya kaseng sya ang puputaktihin ko tungkol don, kaya sya na din gumawa ng paraan para masolusyunan agad.
Pagkatapos ng klase nung tumunog na ang bell. Sign na breaktime na, didiretso kaming cafeteria nung tinext ako ni Gelo na dun nalang namin sila kitain.

BINABASA MO ANG
It Was Always You
Roman d'amourGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...