GBH18
I almost jump when I received a message from someone. Nakaupo ako sa sofa habang nanunuod sa palipat lipat na channel. Walang maganda kaya di ako mapakali kung saang channel ko ba itatambay para makanuod na ng maayos.
Kakatapos ko lang maligo, nagpapalipas na lang ako ng oras para mamayang 10am magreready na 'ko para pumasok.
I opened my phone to see it.
I arched my brow. It's from Aidan.
Sinave ko sya as Aidan, dahil yun ang reply nya sakin. Nagtataka nga ako kung bakit Creed ang tawag nila sakanya kung sa Aidan naman pala sya sanay, nakiki Creed tuloy ako. Well, it's not my business anymore.
Aidan:
Nakauwi ka na?I still hesitate to reply to his text because I'm not used to being like this to each other. But I think, I don't have a choice. It's just a text.
Me:
Yes.It's an end text, kaya binaba ko na yung phone sa gilid ko. Hindi naman na siguro sya magrereply dahil wala namang kasagot sagot sa text ko.
Mag iisang minuto na rin, pero yung leeg ko mismo ang may diperensya dahil pababalik balik na nililingon ko ang phone sa gilid ko para tignan kung may nagtext ba. Pero hindi naman yun umiilaw, kaya sa tingin ko wala na syang balak pang replyan ako.
Binitawan ko sa mesa ang hawak kong sliced apples na nasa platito.
I took my phone.
Nag iisip ako kung may sasabihin ba kong importante.
Ikaw? Nakauwi kana din ba?
No. Not that, parang gaya gaya ako.
Are you home?
Maybe it took 5seconds, before I delete it again. Napansin ko inenglish ko lang, tsk!
Hmm.
Nakailang try akong type sa cellphone ko bago ko nafinalize kung ano ang isusunod ko sa text ko sakanya kanina.
One try lang. Baka gumana.
Me:
Ikaw?Biglang hinagis ko kagaad sa harap kong lamesita ang cellphone ko pagkapindot ko sa send button.
After that, I got up and went straight to the kitchen to get some cool orange juice. Gusto kong panlamigan, it looks like I'm missing out just to realize that I made a way to make the conversation longer. Seriously? Is that really me?
Pagkalagok ko nang tuloy tuloy sa inumin, bigla kong napahawak sa ulo ko. Literal na nanakit yung ulo ko sa sobrang lamig nung ininom ko.
Ohgosh! It's so fucking hurts.
Bago ko pa maihagis ang hawak na baso, umalis na ko sa kusina para bumalik na sa sala nang marinig kong nagriring ang phone ko.
Patakbo ko yung kinuha. I was blinded by what I saw. Ohshit. It's Aidan Creed. Putangina.
Ba't ako kinakabahan? May ginawa ba kong mali?
After 5rings, I decided to answer his call. Why not?
Buong tapang akong sumagot.
"Hello?"
Talaga ba? Shit. I cleared my throat.
"Hi."
Nanghihina akong napaupo sa sofa na kaninang kinauupuan ko pagkatapos kong marinig ang boses nya.
Ang deep.
Hindi naman n'ya yata intensyon pero ang lakas ng dating. Mas may iga-gwapo pa pala yung boses nya kapag kausap sya sa phone.
Parang gusto ko 'to ipagmayabang kay Shaine.
"Ano... ba't ka napatawag?"
Pinupukpok ko ang sariling ulo nang hindi ko napigilan ang pagkakautal para pagtawanan nya ko ngayon. Tangina.
This is so embarassing.
Inayos nya muna ang boses nya bago nya sinagot ang tanong ko. "Yes. I'm already home."
Parang may biglang humarang sa paningin ko ng isang malaking question mark dun sa sinabi nya.
"Ha?"
"You asked me earlier, if I'm already home."
"Ah... oo nga pala."
Parang may dumaang anghel nang wala ng nagsasalita saming dalawa. Gusto ko ng ibaba sana yung tawag dahil masyado nang awkward nung magsalita sya sa kabilang linya.
"Papasok ka?" di ko talaga maiwasang 'wag mamangha, his voice is natural deep and low that's really shivery. Lalo na pag Tagalog.
How could that be?
"Oo. May major kame ngayon eh."
Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kabahayan, dahil sobrang ikinakahiya ko ang sarili ko kung may makakakita sakin ngayon dito.
Hindi ko akalain na sa loob loob ko, may ganitong side ako. Itinatago ko pa.
Nararamdaman kong umaakyat ang dugo ko sa mukha, kaya gusto ko na lang ipakain ang buo kong sarili sa lupa kung sakali mang may taong lumitaw bigla sa harap ko.
"Are you still there?" si Aidan.
"Ah. Oo, oo." Nauutal ko sagot.
I heard his low chuckle. Ipinagpapasalamat ko na hindi ko sya kaharap kaya hindi n'ya nakikita ang pamumula ng mukha ko.
"Anyway, can we change books? You know, it's about in the past."
Parang nawala ako sa mood nang narinig ko ang sinabi nya. Oo nga't ngayon ko na lang ulit naalala ang tungkol sa librong nagkapalitan kami kahit ilang beses na kaming nagkita, hindi ko lang maiwasang isipin na kaya siguro sya napatawag ay dahil sa libro na nasa kanya.
Gusto kong kurutin ang sarili nang matauhan.
"Okay." Inayos ko ang sariling boses. "Saan ba kita pwedeng i-meet? Sa library?"
It took a minute before he answer. "You... okay?
Parang ayaw pang bitawan ng dila nya ang tanong nya sakin kaya nag alinlangan pa sya kung magtatanong ba sya o hindi.
I nodded as if he could see me. "Ofcourse."
I bit my lower lip to stop the sigh. Siguro nahalata nya yung pagbabago sa boses ko.
"So, see you later?"
He didn't answer, kaya nagsalita ulit ako.
"I'll text you, when I'm there."
1
2
3
4
"Okay."
Tumango ako sa hangin pagkasabi n'ya no'n. Parang nawala na din sya sa mood kase parang nag iba din yung tono nung boses nya, tas ang tagal pa sumagot. Tsh! Ang tipid pero mahahalata mong parang pagalit.
Dapat ako ang magtampo, kase yun pala ang dahilan ng pagtawag nya tapos ang ending sya din parang galit.
Walang paalamanan, bigla ko nalang binaba ang tawag. Pakialam ko sayo!
Wala pang 8:30 gumayak na ko para sa pagpasok. Okay lang 'yan, mag iisang oras ang byahe papuntang Clemson. Mas maganda nang mas maaga, kesa malate.
BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...