GBH7
WALANG-IMIK akong nakaupo habang hinihintay mai-serve ang pagkain na inoorder nila. Gusto kong makipag-usap o kaya naman ay lingunin ang mga matang nakatingin sa'kin matapos kong hindi sabihin sakanila ang nangyari sa'kin kaninang umaga.
"Ehem! Baka naman gusto ng magkwento nung isa d'yan? Medyo nakakabwisit na din kase na nagmumukha akong uhaw sa kawento kahit hindi naman masyado." Pasiring ni Shaine sa'kin na sinabayan pa ng paghampas sa mesa para makuha ang atensyon naming lahat.
"Diba Sha? Baka lang naman. O kung ayaw nya naman, pwede ng makaalis dito sa mesa." Kiming dagdag pa n'ya ng hindi pa din ako kumikibo habang nakaangkla ang mga braso kay Isha.
Tatayo na sana ko sa kinauupuan ko nang bigla akong pigilan sa kanang braso ko para lang singhalan ni Shaine. "At san ka pupunta, aber?"
Huminga ko ng malalim bago ko sya walang ganang sinagot. "Aalis na."
Pinanlakihan nya ko ng mga mata at dali dali s'yang tumayo sa kinauupuan. "At talagang hindi ka magkukwento, ano? Umupo ka d'yan, baka dagdagan ko yang sakit sa katawan mo bago ka pa makahakbang."
"Sabi mo makakaalis na ko. Edi aalis!"
"Pwede mo naman kasing piliin na magkwento nalang, kesa umalis diba? Nasa choices naman 'yon." Pairap n'yang sabi sakin.
Tinignan ko sila isa-isa, tsaka padabog akong umupo sa kaninang kinauupuan ko.
Bumuntong hininga muna ko bago magsalita. "Wala nga. Puyat lang ako tas may nakabangga lang ako d'yan sa may parking lot."
"ANO?" Eksaherada n'yang turan sakin.
Sabi ko na e. Kaya ayokong ikwento sakanila dahil alam kong ganyan ka OA si Shaine hindi pa man din tapos ang kwento. Nasa unang bahagi palang ako ng kinukwento ko, may patayo tayo na agad s'yang nalalaman. Samantalang ang iba naming kaibigan ay kalma lang na nakikinig habang inaantay pa ang susunod kong sasabihin.
Sinamaan ko s'ya ng tingin ng hindi ko nagustuhan ang walang kaabog abog nyang reaksyon.
"Shaneng, huwag kang OA. Umupo kana." Hinila s'ya ni Inna papaupo ulit tsaka muling binaling sakin ang atensyon.
Sakto namang dumating na sina Mark at Baste, dala dala ang pagkain na para saming lahat. Si Baste ang nakatoka palagi sa pagkain ko dahil s'ya lang ang tanging nakakahuli sa panlasa ko depende sa mood ko araw-araw.
Simple akong kumurot sa Chicken sandwich na inilapag ni Baste sa harapan ko kasama ang apple juice bago ko sinagot ang nakabitin na tanong sakin ni Inna.
"Hindi ko alam. Tinalikuran nya lang ako kanina matapos nya kong mabangga."
"O tapos?" Pagsisingit ulit ni Shaine.
Kunot noo akong tumingin sa direksyon nya sa iritasyon. "Anong O tapos?"
"Tapos anong nangyari? Wag kang pabitin, Gabriella. Spill it."
"Wala na. Yun lang!" Pagtatapos ko sa usapan.
"Ano? Anak ng tokwa. Wala ka namang kwenta magkwento. O tapos ang nangyari, nabangga nya ko tas nung natumba ako tinalikuran nya ko. Sabay nganga na. Ganon?"dirediretso nyang litanya.
"Ewan ko sayo." Walang gana kong sagot.
"What the hell. Seriously?! What's so wrong with you today woman?"
"Hindi ko nga alam. Hindi ko yon kilala, kaya hindi ko alam." Nawawalan kong pasensyang sabi sakanila.
"Alam mo, gab. Kung badtrip yung umaga. Isarili mo nalang 'yan. Huwag mo kami idamay d'yan. Come'on, lighten up!" Tatawa tawang turan ni Mark sakin ng irapan ko si Shaine, pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Okay okay. Tama na yan guys. Yung nakabangga sa'yo kanina, si Creed yon. Sa kabilang department sya, kaya siguro hindi mo kilala." Pag aagaw pansin samin ni Baste para sakanya mapunta lahat ng tingin namin.
Napatuwid ako sa kinauupuan ko at tinitignan ko sya ng hindi makapaniwala. What the... All this time kilala nya kung sino 'yon?
"Ohmygosh!!!! Si Creed? You mean, Si Aidan Creed na Eengineering student na favorite ni Sir Talucob na super duper terror? Oh my goshhhh!!! Yun yung nakabangga sayo kanina?"
Paghihisterikal ni Shaine habang pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawa nyang kamay.
Sa sobrang pagkakataranta nya sa nalaman hindi nya alam kung kanino sya babaling saming dalawa ni Baste. Inaalog alog nya ko sa balikat ko ng makalapit sya sa pwesto ko ngunit binalewala ko yun dahil hanggang ngayon kay Baste pa rin nakatuon ang buo kong atensyon.
"Wait. So, ibig sabihin kilala mo yon?"
Inangat nya yung dalawang kilay nya tsaka walang kaabog abog na tumango. "Uhuh."
"And you didn't even tell me?"
"Yes."
"What the hell." Di makapaniwalang tingin ko sakanya.
"Bat di mo sinabi sakin?" Tinignan ko sya ng diretso sa mata.
"Pa'no ko naman kase sasabihin sa'yong kilala ko yung tao kung kulang na lang bugahan mo na 'ko ng apoy kanina."
"Yun lang?" Tinaasan ko sya ng kilay.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko na parang pinapakalma ang sarili. It took me a minute to open them. In that time, I was given a priveledge to study what's happening in the corner to the other side of cafeteria.
Unti unting nagsalubong ang kilay ko ng maaninag ko nang ayos ang dahilan ng ingay kung bakit naagaw no'n ang atensyon naming lahat. Napaayos ako ng upo. That was the man who crashed into me earlier!
"That's Creed, right?" Pagbabalik ng tingin nila saking lahat matapos bitawan ni Isha ang mga katagang yon.
Tulad kanina, hindi ko makita ng mabuti ang mukha nya dahil napapalibutan sya ng iba't-ibang klase ng babae.
"Wala ng iba." Kiming kibot ni Mark sa tabi.
"Teka. Si Gelo ba yung kasama nya?"
Kanya kanya kaming balik ulit ng tingin sa mga nagkakagulo dahil sa tanong ni Inna. "Anong ginagawa nya d'yan? Ba't sila magkasama?"
Bago pa kami magkapaan kung paanong sasagot sa tanong ni Inna, nakita naming kumaway sa gawi namin si Gelo. At mukhang inaaya nya sa pwesto namin ang kasama nya.
"Ohmygosh! Ohmygosh!!!" Pigil tili ni Shaine ng makitang papalapit na yung dalawa habang iniipit sa gilid ng tenga ang mga nakakawalang buhok na nakakalat sa kanyang mukha.
Napairap ako sa ere.
Hindi magkamayaw ang mga babae kung paanong mag aayos ng kani-kanilang sarili para magpa-impress sa lalaking napapadaan sa gawi nila. Di ko akalaing may mga ganyang babae, na matataranta kada makakakita ng may isinisigaw na ganda ng hubog nang appearance.
Maaaring si Shaine sanay ako. Pero sa dami nila, naninibago ako. Parang mga bulate na nalagyan ng asin sa katawan.
Is that even normal?

BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...