GBH9
SERYOSO akong nakatingin sa harapan ng klase habang nakikinig kay Mr. Velazco na ipinapalabas ang libro para sa topic for today.
Kanya-kanyang nagsikilos ang mga kaklase ko, samantalang bigla akong napadiretso ng upo nang makita kong ibang libro ang nasa ibabaw ng armchair ko.
Hindi makapaniwalang napanganga ko ng di-oras.
What the... Ano 'to?
Naramdaman kong nilingon ako ni Baste kaya sinalubong ko ang nagtataka nyang itsura. "Baste, ano to? Kaninong libro to, hindi akin 'to." Gigil kong pabulong sakanya habang tinuturo ko yung librong tinutukoy ko.
Sa katunayan dalawang libro ang nasa ibabaw ng armchair ko, nagkataon na nasa ilalim yung librong hindi akin. At yun ang nakakainis, ba't hindi pa yung hindi akin ang nasa ibabaw para nalaman ko kaagad, para nagawan sana ng paraan.
"Okay class. Open your books and turn it into page 32." Sabi ni Sir habang binubuklat nya ng sarili ang kanyang libro.
Binalik ko ang tingin ko kay Baste ng magsalita sya.
"Bakit ako? Malay ko." Maang maangan nyang sabi sakin.
"Anong malay mo? Diba, ikaw may dala nito kanina?" Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Oo. Pero hindi ko naman alam na hindi pala sa'yo yan. Dinampot ko lang." What?
"Eh anong gagawin ko dito?" Nawawalang pasensya kong sabi.
Napakamot ako sa noo ko nang mapagtanto na sa hinaba-haba ng oras ko kanina para i-check ang librong nakuha ko, ngayon pa talaga kung kailang oras na ng isang major namin. Di ko naman kase akalain, punyeta!
Nag ngingit-ngit ako sa inis na unti unting dumadaloy sa katawan ko. Sa lahat lahat pa ng pagkakataon, talagang... napapadyak ako sa inis.
"Anong gagamitin ko ngayon? Bawal makishare ng book pagdating dyan sa kalbo na 'yan." Pabulong kong tanong sakanya. Nakita ko namang parang nagsisisi sya sa nangyare, kaya nakokonsenya kong isenenyas ang kamay ko na pinapahiwatig na hayaan nalang.
"Yes Ms. Hanson and Mr. Dela Fuente? What's wrong? Ba't kayo nagbubulungan?" Walang ganang sumandal ako sa kinauupuan ko ng marinig kong tinawag ni sir ang apelyido namin. Damn!
Lahat ng kaklase namin napalingon sa direksyon namin kaya pinili ko nalang na tingnan sila Shaine sa harapan ko para lang makitang tinaasan nya kami ng kilay.
I raised my right arm. "Sir, I don't have my book." Alanganin kong sabi nung muli kong ibaling kay sir ang tingin.
Mas nakuha ko ang atensyon nya. "Why not? It had to be bought even before the school year started."
"No sir." Napakagat ako sa labi ko bago ipagpatuloy ang sasabihin. "I mean, I didn't say I still don't have a book. What I was saying is I didn't bring my book."
Siniko ako ng palihim ni Baste, nang marinig kong nagbungisngisan ang mga kaklase ko sa sinabi ko. Pero hindi ko sya pinansin. Hinayaan kong makipagmatigasan ng titigan kay sir hanggang sa ako na mismo ang sumuko sa kahihiyan ng marealize ang nasabi.
He cleared his throat before he talk. "Okay for now, you can share books with your seatmate."
His voice blurred.
Unti unting nanunumbalik sa isipan ko ang nangyari kaninang umaga kung pano nyang pinulot isa-isa ang mga nalaglag na gamit namin sa sahig.
Sa madaling salita, isa sa mga napulot nya ay ang libro ko. Na hindi ko man lang namalayan na hindi pala akin ang nakuha ko dahil si Baste na ang nagpulot nun.

BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...