Chapter 3

39 4 0
                                    

GBH3

"Si mommy, nang?"

"Oh, andyan kana pala. Andun sa garden, dinidiligan yung nga halaman sa likod. Puntahan mona lang."

Saktong nasalubong ko si manang sa sala pagkauwi ko, kaya hinanap ko agad si mommy sakanya.

Tumango nalang ako at dire-diretsong naglakad papunta sa kusina kung saan ang bukod tanging daan na malapit papunta sa likod ng bahay.

"Mmy, andito na po ako." Agaw pansin ko sakanya habang busy sya sa pagsasaboy ng tubig sa mga mahal nyang halaman.

Based on mommy's story, when she was young she loved taking care of any different plants, actually most of her plants were pure flowers. Kaya nga hindi na nakakapagtaka kung yung garden sa likod ng bahay namin ay punong puno na dahil sa mga tanim nya. Sariling Idea at sariling sikap nya ang ipinuhunan nya d'yan. She loves it anyway.

'Yan lang din kase ang hinahayaan kong nakakapagpatanggal ng stress sakanya, maliban sa'kin. Sabi nya kase, maganda daw ito sa mata at nakakarefresh ng utak, yung tipong sakanila nalang babaling yung atensyon mo dahil nakakaagaw pansin ang humahalimuyak nilang bango. So when I see her busy in her favorite place. It means she's in her deeper thoughts.

Hawak ang isang baso ng tubig habang isinandal ko ang kaliwang balikat ko sa gilid ng pinto nang kusina.

I took a deep breath before I spoke. "You okay?"

Dahan dahan nyang inikot-ikot ang hose mula sa pagkakaayos nito bago nya ko nilingon sa gawi ko.

"Ofcourse, I'm okay." Tipid nya kong nginitian. "Nagmiryenda kana?"

Tumango ako bago ko sya ginantihan din ng alanganing ngiti. "Yes po."

She smiled.... A weak one.

Parang may kumirot sa dibdib ko ng makita kong hindi man lang umaabot sa mga mata nya ang mga ngiting ibinibigay nya sa akin. Napayuko ako.

Mula sa nagkakapaang ngitian, iniangat ko ang ulo ko para makita sya at ako na ang nagtangkang magtapos sa usapan. "Akyat na po muna ko."

"Gabriella." Tatalikod na sana ko bago pa ko tapunan ng tingin ni mommy nung tawagin nya ko sa buo kong pangalan. Third time.

Sa isang araw, ngayon kolang nabilang sa isip ko kung pang ilang beses n'ya na kong tinawag sa unang buo kong pangalan, wow! Napangisi ako sa naisip.

"Tumawag ang daddy mo, hindi daw sya makakauwi." Wala nalang sana sakin yun dahil sanay na'ko kay daddy, kaso hindi ko napigilang wag masaktan para sa kanya.

Patay malisya kong nagkibit balikat at tumuloy sa planong pag alis matapos ang ilang segundong pananahimik. Ano pa nga ba ang aasahan? Sanay na ako, pero bakit si mommy hindi masanay sanay?

Pabagsak kong inilapag ang kalahati ng katawan ko sa kama. At pikit matang itinakip ko ang isang braso ko mula sa malalim na pag-iisip. Hindi mawala ang bigat sa puso ko, nilalamon ako ng lungkot. Unti unti kong narerealize na hindi pa pala namin buong pusong matanggap.

Ako ang nasasaktan para kay mommy sa t'wing ganyan sya. Nasasaktan din naman ako lalo na at daddy's girl ako habang lumalaki. Pero nagbago na ang lahat mula ng marinig ko silang nagtatalo tungkol sa ibang babae ni daddy. Hindi ako makapaniwala dahil alam ko kami lang ang mahal nya, kami lang ni mommy ang inuuwian nya. Kaso mismong kay daddy ko yun narinig, hindi ako nabingi nung mga oras na yun. Malinaw na malinaw sa pandinig ko, pero dahil kailangan ako ni mommy, ako ang nagsilbing lakas nya para hindi nya maramdamang nag-iisa sya.

Bata palang ako. Ako na mismo ang nagsariling sikap upang imulat ang sarili sa realidad ng buhay, hindi dapat puro lang saya. Kami lang ni mommy ang magtutulungan para sa sarili, yun ang itinanim ko sa aking isip.

Hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan din ako lalo pa at ganyan ang lagay ni mommy sa tuwing si daddy ang pinag-uusapan.

Hindi ba pwedeng hayaan na lang? Kase kung gusto magstay ni daddy sa tabi namin, magi-stay sya. Kung mahal nya kami, hindi nya sana kami iniiwan ngayon.

Ano yun? Babalik sya kapag feel nya lang? Pupunta sya kapag inutos lang ni mommy?

Pinahid ko ang butil nang luha na kumawala sa aking mata, pagod na kong imukmok ang sarili ko.

Desisyon nila yon, taga-tanggap lang ako.

At some point, time will pass and people come and go. You just have to realize that some people can stay in your heart but not in your life.

And sometimes people come in to your life just to teach you how to let go.

It Was Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon