Chapter 21

9 4 0
                                    


GBH21

NAGPAALAM ako kay mommy tungkol sa pag-alis namin, pinayagan nya ko agad tutal kaming pito naman ang magkakasama. Nahihiya pa ko kung paano ko bubwelo para magpaalam dahil sayang naman ang pinagpaguran nilang lahat tas aalisan lang namin.

Kung hindi ako nakukulitan kay shaine, hindi sana ko papayag sa gusto nilang mangyari. Sayang naman yung effort nila tapos kami sa iba pa magcecelebrare. But like what mommy said, it's natural to be someone you're not used to it.

I agreed as I nodded. She smiled at me to assured me that it was fine.

Around 6pm, we decided to celebrate without our parents. Meaning, sa labas.

See? Hindi ko alam kung ano yung totoong celebrate sa mga boys at naimpluwensyahan pa si shaine kaya nakadagdag sa pangungulit 'tong isa.

"Oh, dito nalang tayo oh." sabi ni shaine habang nagsesearch online kung saan magandang recommend.

"Patingin."

Nakisilip ang apat sa phone n'ya habang si Gelo nanahimik sa driver seat na nag  aantay lang sa suggestion nila. Maya't maya kaming nililingon sa likod. He has his own driver's liscence, kanina lang niregalo sakanya nila tito 'tong black Bugatti nya. Sa sobrang tuwa nya sa nalaman, pinabinyagan nya na agad 'to samin kaya eto, gamit na namin ngayon.

Tahimik naman akong nakikinig lang sakanila.

May narinig akong ingay sa pinapanuod nila, I think?

Umayos ng upo si baste sa tabi ko, kaya inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Ayos kalang?" naramdaman ko ang mainit na hininga nya sa ibabaw ng ulo ko nang magsalita s'ya. Tumango ako.

Nilagay nya ang kanang braso nya sa likuran ko, para iayos ang pagkakahiga ng ulo ko sa balikat nya. Napangiti ako.

"Thanks." he kissed the top of my head, kaya kinurot ko sya ng pino sa hita nya.

Nilingon ko s'ya. "Ang landi mo."

Humagalpak sya ng tawa. "What?"

"Tss."

Hindi ko na ulit ibinalik ang dating pwesto nang irapan ko si baste para tawanan lang ulit ako. Baliw.

Muli kong ibinalik ang atensyon para pakinggan ang mga kasama namin.

"H'wag nga d'yan, parang masyadong magulo kase."

Nilingon ko si Inna. 'Yung kanina ba yung tinutukoy n'ya? Kase kung yung kanina 'yon, based on what I heard parang sasang ayunan ko si Inna ngayon. Well, parang palagi pala.

Napangiwi ako.

Isa-isa silang nagsipagkalasan.

"Why not? Mas masaya kapag ganito 'no!" maarte n'yang lingon kay Inna, tas saming lahat pwera kay Gelo na busy'ng nagdadrive sa hindi malaman na daan.

Nilingon ko si Isha nung tawagin sya ni Mark. "Ikaw sha, what do you think?"

"Ewan, bahala kayo."

Tumingin sakin si shaine. Walang pagtataka, tinaasan ko sya ng kilay sa pakay n'ya. "Ikaw Gab?"

Nagkunot noo ako. "Bakit ako?"

"Try mo magsuggest. Duhh!" eksaherada nyang irap pa sakin.

Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong lalaki. "Seryoso?" tas sa tatlong babae na nag aantay talaga ng isasagot ko. Mga tanga. "Sakin pa talaga kayo nagtatanong ah." di makapaniwalang tinawanan ko sila. "Baka gusto n'yong ipaalala ko na dapat hindi tayo matutuloy ngayon dahil hindi ako mahilig sa ganito. Upakan ko kayo ngayon." dagdag ko. Natawa si baste sa tabi ko.

It Was Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon