GBH12
NAKAAKBAY sa balikat ko si Baste nang makalapit kami sa pwesto nila, bumitaw lang sya sa pagkakakuyabit sakin para ipaghila ako ng mauupuan ko. Tinignan ko sila isa-isa sa mga kinauupuan nila. Napansin kong wala pa si Gelo.
Naisip ko magtanong, pero nakakatamad magsalita kaya wag na lang.
"Hi." Nakangiting bati sakin ni shaine.
Nginitian lang ako ni Inna at Isha bago sila nakipagbeso sakin.
"Oh, asan si Gelo?" Di na ko nagulat ng marinig kong tinanong sila ni baste. Oh, diba? Someone ask it for me. Napangisi ako.
Bumaling nang tingin si Mark sa tabi ko. Kibit balikat syang sumagot. "May dinaanan pa daw."
Katabi ko sa kaliwang side ko si Baste, sa kanan ko si Isha, sa tabi nya si Inna, tas si Shaine tsaka si Mark.
"Bakit nga pala tayo nandito?" Napatingin ako kay Isha nung magsalita sya.
"Present yung isa d'yan ah. Himala!" Singit ni Shaine para sakanya naman mabaling ang tingin ko. Tinawanan lang ako ng bruha.
Napapoker face ako. "Should I go home, then?"
Inirapan nya ko. "Ang pikon. Kainis!"
Nagtawanan sila sa mesa, kaya mas lalo kong napasimangot.
"Hoy Shaine. Wag mo na inaasar yang bestfriend ko, kakabati lang namin n'yan kanina baka sakin pa ibuntong yung dapat na sayo lang." Nagtawanan sila sa sinabi ni Baste.
"Bakit? Magkagalit kayo?" Kunot noo'ng tanong ni Inna.
Umalis sya sa pagkakasandal sa upuan nya para tignan ako. I stare back.
Ilang segundo pa ang lumipas bago ko ibinaling kay Baste ang masamang tingin. Napakadaldal kase, napairap ako.
"Oh, ayan na pala si Gelo e." Nagtinginan sila sa bandang likuran ko nung biglang magsalita si Mark kaya nawala ang atensyon nilang lahat sakin.
Buti naman. Wala din kase akong balak magkwento.
"Ohmygoddd!!!" Nagulat ako sa biglang pagtili ni Shaine. "Ohmygoddd! He's here. Oh my G! Oh my G!!!!" Paghihisterikal nya.
Kaya dali dali akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Gelo papalapit samin.
"Sorry, I'm late. Sinundo ko pa kase si Creed, sabi nya sasabay na lang daw sya sakin, eh papunta na din naman ako. Kaya sinabay ko na." Nakangiti nyang paliwanag samin.
"Kanina pa kayo?" Tanong nya ulit habang papaupo sa tabi ni Mark.
Di makapaniwalang napakamot ako sa noo ko. Hanggang dito ba naman Gelo? Seryoso?
"Hindi naman, sakto lang." Sagot ni Baste. "Pre." Bati nya sa katabi ni Gelo.
Tinanguan lang sya ni Creed, tsaka nito binaling kay Mark ang tingin para batiin din ang isa.
"Hi Creed." Sabi ni Shaine habang halatang natutuwa sa nakikita.
Napaimpit sya bigla ng tili nang ginantihan sya ng ngiti nang isa, tsaka bumaling sa dalawa pa.
Ang harot talaga, grabe.
Tumahimik nang mga limang segundo sa lamesa nang makita kong isa isa nila kong pinagtitinginan pwera kay Baste.
Biglang nagsalita si Gelo. "Hindi ka ba magha-Hi, Gab?" Halakhak pa nya.
Nakipagtitigan ako.
Kitang kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin din sa'kin si Creed. Hindi ako nakikipagtitigan sakanya pero pakiramdam ko, nawawala ang walang reaksyon kong poise dahil sa ibinibigay nyang tensyon sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...