GBH10
"You see that, huh Baste?" Nanggagalaiti kong turo sa hangin kung saan dumaan papalayo sa'min si Creed. "How dare he turn his back on me? Ang kapal lang ng mukha."
Padabog kong dinampot ang bag ko sa ibabaw ng mesa at nagmartsa papaalis. Wala kong balak mag aksaya pa ng ilang oras ulit, para sa walang saysay na nangyari.
Tinatawag ako ni Baste pero hindi ko nililingon dahil galit ako. Walang paglagyan. Gusto kong bugahan sya ng apoy para lumiyab na sya.
Naabot nya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Pumunta sya sa harapan ko. "Gabby, hindi ko naman alam na hindi nya ibibigay sayo e."
I look at his eyes. He sound so sincere, he even called me Gabby this time, my heart softened."Tsaka ikaw kase e, dapat hiningi mo ng ayos. Baka sakaling sinoli nya pa yun sayo."
Aba't... biglang naging galit ang expression ko sa idinugtong nya. Akala ko okay na, naniwala pa naman akong sincere sya at tinatanggap nya na sya ang mali.
"At talagang sinisisi mo ko?"
"Hindi naman sa ganon. Ang akin lang, dapat hiningi natin ng ayos para nakuha din natin agad. Madali naman kausap yun e, baka tinopak lang sayo kase ano...."
Nabitin sa ere yung sinasabi nya kaya napaangat ang isang kilay ko.
"Kase ano? Ituloy mo, tangina." Galit kong kinuha ang braso ko sa pagkakahawak nya bago ko sya tignan ng masama. "Ang dami mo pa kaseng paligoy ligoy kanina. Alam mo naman kung ano ipinunta ko sakanya diba? Kailangan ko yung libro ko. Hindi yung pangalan at kung gaano sya kagaling na estudyante."
"At dahil hindi nya ibinalik, ikaw lang ang sisisihin ko kung bakit." Walang gatol kong sabi sakanya. "Kaya ikaw kumuha mag-isa non." Tinignan nya ko na parang nag mamaka-awa, kaya bago pa magbago ang isip ko nagpaalam na ko. "Alis na'ko."
--
Pagkarating ko sa bahay. Si Gina ang unang nakita ko sa labas ng bahay habang nagwawalis ng paligid. Ang isa sa mga maids ni mommy. Binati nya ko ng 'Magandang Hapon' ngunit hindi ko hilig magbalik ng salita kaya isang tango lang ang isinagot ko."Nasan si manang?"
"Nasa kusina po ma'am, hinahanda po ang mga lulutin para sa hapunan. May kailangan po ba kayo?" Umiling ako.
"Si mommy, wala pa ba?"
Umiling sya bago nya ko sinagot. "Wala pa din po." Lalakad na sana ko paalis ng maalala ko ang ibibilin. Kaya nilingon ko sya ulit.
"Nga pala. Pakisabi sa lahat, huwag akong iistorbohin sa kwarto." Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at dali daling pumasok na ng bahay.
When I entered to my room, I threw my bag on the floor not minding what was inside in it. I just took my towel hanging behind my door to freshen up.
Pagkapasok ko sa sariling banyo, inisa-isa kong hinubad ang mga suot ko and I didn't bother myself to pick them up for it to put them in a proper bin.
After I opened the shower I letting myself be free to feel the cold water throughout my body. I just want to feel good for what happened earlier.
Biruin mo, dalawang beses na n'ya kong tinatalikuran. Yun ba yung sinasabi nilang mabuting estudyante? Parang gusto ko ng mapaisip ng sobra kung tamang interpretasyon pa ba ang tinititulo nila dun sa tao, kase parang maling mali naman.
Losing my irritation for that man, I took a deep breath. Maybe it makes me feel better this way.
NGAYON ang iniisip ko nalang, paano ko magkakaron ng libro na yun para kay Sir. Velazco? Hindi naman pwedeng palagi ko na lang i-eexcuse na hindi ko nadadala ang libro ko baka sabihin pa nu'n na nagsisinungaling ako.
Napapikit ako sa frustration na nararamdaman ko.
Kung hindi lang siguro ako inatake ng pagkakainip kanina, nakuha ko siguro ng ayos yung libro ko sa Creed na yun. Hiningi ko na lang sana ng ayos. Nagtimpi na lang dapat ako.
Pero naisip isip ko, mukhang naiinip na din naman sya kanina kaya dapat pabor lang sakanya na minamadali ko ang pagpalitan namin ng libro. Pintang pinta sa pagmumukha nya na parehas lang kami ng gusto.
Pero ba't ganun? Ba't umabot sa puntong ganito?
Nalaman ko pa kay Baste na ang librong nasa'kin ay dapat na isosoli ni Creed kay Mrs. Henarez na Librarian. He asked Mrs. Henarez permission to borrow a book, and he had given him 2 days for it. So the day we bumped to each other, it was also the day he needed to returned the book that was in me.
Ah, kaya siguro sya napadpad sa building namin nung mga oras na kasama nya si Gelo sa cafeteria. Nabanggit pa nya nun, na hinahanap nya si Mrs. Henarez when Shaine cut him off from talking.
Pinanlakihan ako ng mata sa narealize. Ahh!! Takte! Hindi ko yun napansin.
Dapat masoli nya 'to kase bawal mapatagal sa bawat estudyante ang libro na dapat ay nasa library lang. Ohmygod!
Nagtataka kong sinampal sampal ang sarili sa pisngi. Kaya naparay ako ng napalakas. "Aww."
I should care for myself, not others. Narealize ko na wag nalang. Eh kasi nga diba, ayaw nya ibalik ang akin. Kaya di ko nalang din ibabalik yung libro na hiniram nya. Manigas sya!
BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...