Chapter 29

10 3 0
                                    

GBH29

Kinagabihan, nakatanggap ako kay Mark ng text na magkita kita raw kaming magkakaibigan sa High Point, bandang ortigas. Hindi na ko tumanggi dahil ngayon na lang ulit kami magkikita kita, wala kong kaide-idea kung anong meron pero dahil namimiss ko na silang kasama parang sumaktong yun ang gusto kong mangyari ngayong gabi matapos ng pag-uusap namin ni Aidan. Nakakatuyot ng utak at gusto kong maibaling sa iba ang atensyon ko dahil pagkatapos ng pag-uusap namin siya lang ang bukod tanging nagpapaulit ulit sa isip ko.

Nasa parking lot na ako nang itext ko si Mark na nasa ibaba na ako. Inabot ako ng isang oras sa byahe dahil hindi ko alam ang pasikot sikot dito sa mandaluyong. Nag iinit ang kamay kong ibinaba ang hawak na cellphone at lumabas na ng kotse para makalanghap ng hangin.

Hindi na 'ko nag abala pang magsabi kay Aidan dahil hindi ko alam kung para saan pa. Baka hindi siya interesado, at ayoko gumawa ng ganung pag-uugali dahil hindi naman yun ang nakasanayan ko. Nagsabi lang siya saking aalis siya kasama ng mga kaibigan niya, hindi ko na inalam pa kahit na mamatay matay ako kaiisip kung saan ang punta nila. Hindi na lang ako nagreply, at hinayaan siya, may sarili naman akong lakad.

Nakita ko agad si Baste at nagtataka ko siyang tinitignan mula sa malayo, ba't hindi si Mark ang sumundo sa'kin samantalang siya ang tinext ko. Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya at simangot na naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ko siyang tinitignan habang naglalakad siya na wari'y sa buwan siya naglalakad. Slow-mo!

"Hindi ba't si Mark ang tinext ko? Nawrong send ba 'ko?" kunot noo ko siyang tinanong nang makalapit siya.

"Hindi. Nakisuyo lang siya na ako na ang magsundo sayo dito dahil nasaktuhang siya ang kumukuha ng order natin ng itext mo siya."

Tumango ako tsaka niya ko inakbayan para igiya na sa paglalakad. Para akong nangangapa sa ikikilos ko dahil sa huling alala ko, hindi niya ko kinakausap dahil galit siya sakin. Anong nangyari bigla?

"Namimiss kana namin, balita namin si Creed na ang lagi mong kasama." napahinto ako sa lakad ko kaya napahinto din siya, pinagkunotan ko siya muli ng noo.

"Hindi ba't siya naman talaga ang lagi kong kasama? Bangag ka ba?"

"Oo nga, pero hanggang school ba naman?"

Kataka takang hindi niya yun alam samantalang siya ang dahilan kung bakit palaging si Aidan na ang kasama ko. Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sakin, bagay na nakasanayan ko. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit mabagal. Pinanuod ko ang likod niyang unti unti ng lumalayo saakin, nang matauhan inihakbang ko ng malalaki ang mga paa ko ng ilang beses nang magpantay ulit kami.

Nilingon niya ko sa gilid niya.

"Diba't nagalit ka sakin, kaya palaging siya na ang kasa-kasama ko?"

"May dahilan naman ako kung ba't ako nagalit."

"Sapat bang dahilan yun para iwasan mo ko?" hinawakan ko ang braso niya nang hindi niya naituloy ang tangkang pag akyat sa hagdan papasok ng High Point.

He bowed his head and he looked at me in the eye after a few seconds. Tingin na sobrang lungkot. "Natural lang naman ang ginawa ko, matapos mo kong palitan sa buhay mo."

Napaatras ako ng isang hakbang sa tinuran niya, napabitaw ako sa hawak ko sakaniya nang panghinaan ang sistema ko. Yun ba ang tingin niyang ginawa ko? Buong akala kong iminamaktol niya, iniiwasan niya ko dahil si Aidan lagi ang kasama ko hindi ko naisip na iisipin niyang pinalitan ko siya sa huhay ko. Ano ba siya sa buhay ko? Hindi naman ako nagkulang na ipaalam kung ano siya sakin, diba?

"Sebastian... w-what are you saying?"

Lagpas sa daliri ang bilang bago uli siya nagsalita. "Yeah right. I'm just you're bestfriend."  nag aalab ang tinging ibinigay niya sakin at parang napapasong napaiwas ako ng tingin, ganiyan ba siya kagalit? Tipong tinatakot niya ko sa paraan ng mga titig niya. "No actually... you're old fucking bestfriend."

It Was Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon