GBH15
PAGKAPASOK namin sa loob halos wala ng katao tao sa loob, yung nga nurses lang na kanya kanyang naglalakad tsaka yung dalawang matanda na nakaupo lang sa waiting area.
Hinarap ako ni Creed para kausapin habang hawak pa din ang braso ko.
"Can you wait for me here? I just want to ask some questions to the registar." Tinuro nya pa yung way na pupuntahan nya.
"Saan? Dito? Tatayo lang ako?" Seryosong tanong ko.
Nakita kong umangat ang labi nya, na parang pinipigilan nya ang tumawa.
"Is there something funny?" Kunot noo kong tanong.
Inipit nya ang sariling labi nya papasok sa kanyang bibig para lang wag lumabas ang tinatagong tawa, kumamot sya sa batok nya tsaka nya iniiling ang kanyang ulo.
Lumapit sya sa tabi ko para alalayan ulit ako papalapit sa waiting area kung saan pwede mag antay ang mga bisita ng pasyente.
Tinulungan nya akong makaupo. "Wait for me here." Tumango ako tsaka n'ya ko tinalikuran.
"Anyway, do you have any documents for registration?" Tanong nya nung bumalik ulit sya sa pwesto ko.
Alinlangan akong umiling. "All my cards are in the bag and it was robbed." Walang preno kong sabi.
Umayos sya sa pagkakatayo para mas humarap ang katawan nya sa harapan ko.
"You what?" Pasinghal nyang tanong sakin.
Kinakabahang nanlaki ang mata ko sa narealize. What the hell.
Parang gusto kong magpalamon sa sahig nang makitang hindi maganda ang resulta sa kanya matapos nang nadinig.
Di mapakaling napalibot ang mata ko sa paligid, hindi ako makatingin ng diretso sakanya pakiramdam ko tutunawin ako ng mga galit n'yang mata.
Para saan 'yun? Ako naman ang nanakawan ba't parang mas galit pa sya?
Kasalanan ko bang manakawan? Duh!! Ano yun, ginusto ko tas nireto ko sa mga magnanakaw yung bag ko para hayaan akong makaladkad? No way!
Nagawan ko na ng paraan kase kanina para hindi nya malaman ang tungkol do'n, kaya hindi ko tuloy maiwasan sabihan nang tanga ang sarili sa lubos na walang kaprenuhan na bibig.
Ang tanga tanga mo, gab!
"You were robbed, Gabby?" Umupo sya sa harapan ko para magpantay ang mga mukha namin.
Lumambot ang ekspresyon nya nang sinalubong nya ang tingin ko. Hinawakan nya ulit ang pisngi ko para idampi ng dahan dahan ang hinlalaki nya sa haplos nyang nakakahilo. Sa dating ng tingin nya sakin, nakakahawa ang pagiging malambing no'n.
Parang sinusubukan akong paamuhin para magsumbong. Napayuko ako.
"I'm okay, Creed." Pilit kong pinasigla ang boses. "Please? Make this fast, para makauwi na tayo. I'm already tired." Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay na nanginginig sa kaba na baka iba pa ang maging interpretasyon ko sa galit na pinapakita nya sa nalaman.
He bowed his head after he closed his eyes tightly. "Okay, wait for me here. I'll just figure it out something." Tumango ako.
TRENTA minutos na ang lumipas bago nakabalik si Creed nang may dala dala na wheelchair. Nanlaki ang mata ko sa nakita.
What's that?
Hinantay ko syang makalapit bago ko sya tiningala para matapang na tignan. "Is that for me?"
"Yes?"
"Why? I can manage. I still can walk." Sinubukan kong lumakad ng maayos matapos tumayo para lang ipakitang kaya ko ang sarili ko. "Look at me!" Pagmamalaki ko nang makahakbang ako ng maayos ngunit may konting kirot akong nararamdaman sa tuhod ko. Hindi ko pinahalata, but I still can.
BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomansaGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...