Chapter 23

10 3 0
                                    

GBH23

I'm here to celebrate, but I didn't expect it to be this way. I'm on my way home, kay baste ako nagtext para magpaalam na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya naisipan kong mauna nang umuwi.

He just asked me if I could be alone, and I replied him with a yes. Who wouldn't be able to do it if someone insisting on taking you home.

I'm in his car right now, and I was silent for hour as I did not even know how to deal with him after he begged for me. Really? As far as I know, I chose to walk away because I might not be able to stop it when it got deeper what I was feel for him. Kung tutuusin, I want to congratulate myself for being the good pretender, the good evader, kung may gano'ng term ba. I don't know for what he was begging for but that's what I had in my mind to avoid him for my own good.

He was silent too, the whole ride. Parang konti nalang mabibingi na ko sa sobrang katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan niya. I looked at the music player in front of me, I want to touch it so that somehow we could hear the sound even though it was a song but I didn't have the courage. I was ashamed to take action that would have caught his attention.

Pinili ko na lang manahimik at patay malisyang tinatanaw ang daan pauwi.

Haggang sa maihatid niya ko sa labas ng bahay, he didn't ask about my home address so I don't know how he found the right way home. Pinagsawalang bahala ko na lang.

Pinagmamasdan ko ang nakakunot niyang noo habang naglalakad papunta sa gilid ng sasakyan niya para pagbuksan ako ng pinto. Napanguso ako.

Ang sungit.

Tahamik akong bumaba nang hindi siya tinitignan. Narinig ko na lang ang padabog na pagsara ng pinto ng kotse niya kaya kunot noo ko siyang tinitigan. Payt me, aidan!

"Galit ka ata. Sana di mo na lang ako pinagbuksan kung masama pala loob mo." tinalikuran ko sya para muling buksan ang pinto ng ferrari niya. "Tara, ulitin natin ulit. Ako na magbubukas para sa sarili ko."

Tinignan ko na siya nang ilang segundo na ang nabilang ko hindi pa din siya kumikilos.

"Creed." pagalit kong tawag sakaniya. Tinitigan niya ko.

"It's Aidan."

Magkasalubong pa rin ang kilay niya, kaya ginaya ko ang hulma ng itsura niya.

Ayoko! Creed ang gusto kong itawag sakanya, tutal yun naman ang tawag sakaniya ng mga kaibigan ko. Tapos sakin hindi pwede? Mas pipiliin ko ng kaibigan ko ang kapareho ko, kesa ang ibang tao. Tss, aidan your ass!

"No. It's Creed."

Kumamot sya sa isa niyang kilay na parang hindi nagugustuhan ang pinipilit ko sakaniya.

"I want you to call me Aidan, and nothing else." mukhang may pasensya pa siya, mahinahon pa e.

"No. I want Creed, and nothing else." panggagaya ko. Gusto ko ng tumawa nung makita kong napipikon na siya.

"Your Aidan Creed. Meaning, Creed is still your name, and that's what I chose to call you."

"Gabriella!"

"What?" singhal ko. "You call me by the name I don't want, so I'll call you by the name you don't want me to call you. We're quits." may pinaglalaban talaga ko dito.

Di pa din nawawala ang pagkakakunot ng noo niya. Gustong gusto ko ng tanggalin yung noo niya para diko na nakikitang kumukunot 'yon. Parang tanga!

Inirapan ko siya.

"Ano? Tara na. Ulitin natin 'yon para ako na magbubukas para sa sarili ko." binalik ko ang pinag uusapan.

"No, stop it." tinulak niya pabalik ang pagkakasara ng pinto kay pinalo ko yung kamay niya.

"Ano ba!"

"Tigas ng ulo." nilingon ko siya para samaan ng tingin.

"What did you say?"nakipaglabanan siya ng tingin.

Di niya siguro kinaya, kaya umiwas siya sakin ng tingin makaraan ang ilang segundo. Umatras ako ng konti papalayo sakaniya. Masyadong malapit, baka may marinig siyang tibok. Maghanapan pa kami kung kanino yon, hindi akin 'yon.

Magsasalita na sana ulit ako para magpaalam nang may biglang tumunog na phone na nanggagaling sa bulsa ng pantalon nya, he excused and answered it while still standing in front of me.

Nakatingin lang ako sakaniya habang kunot noo niyang kinakausap ang nasa kabilang linya.

Who could that be?

"Sam... can't you just go home alone? I'm busy."

Okay, none other than that. It's his blockmate.

Tahimik akong nakikinig sa usapan nila kahit na hindi ko naririnig ang sinasabi ng kausap niya. Pwede paki loudspeaker, kyah? I can't hear her. Tch!

"You have your own car, samantha!"

Napangisi ako sa pinupuntahan ng usapan nila. Alam ko na 'yan, sus. Ganyan yung mga taktika ng may mga binabalak. Tumagilid ako para sumandal sa pintuan ng kotse niya.

"Is it my fault that you got drunk?" iritang tanong niya sa babae. "Alright, just stay inside the car. I'll be there in a minute. Okay... bye!"

Hinintay ko lang na matapos ang usapan nila para ituloy na ang kanina pang binabalak. Lumapit siya sakin, kaya agad akong umiwas papaatras. Nakita ko ang bumalatay na sakit sa mga mata niya.

"Gab."

"It's okay. Can I go inside now?" mahina kong paalam, napayuko siya sa way ng pagkakasabi ko pero hindi ko yun pinagsisisihan para bawiin pa. Wala na ko sa mood.

"Okay. Just give me your number first." inere niya ang cellphone niya sa harapan ko, walang reaksyon ko yung tinitigan tsaka ko dahan dahang umiling.

"We have nothing to talk about." nag isip ako ng malalim. "May utang ba ko sayo?"

Nawawalang pasensya niyang pinagsalubong ang dalawa niyang kilay pero mas ramdam ko yung inis ko sakaniya kaya binalewala ko yon.

"Yes."

Nagtataka ko siyang pinagtuunan ng pansin, nang magsalita siya ulit.

"Oras mo. Lahat ng tungkol sayo, utang mo sakin." huminahon ang boses niya at mas lumambot ang expresion ng mukha niya kaya pinanghinaan ako.

"Stop doing this to me, hindi ka ba napapagod? I can't take it anymore. Hinayaan na kita ng limang buwan, pwede bang tama na 'yon?" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko kasabay no'n ang pagsikip ng dibdib ko. Para kong tinatapakan.

"You are my choice. I only want you." my cheeks heated up as my nape shaddered down my spine. Mabagal ang pagkakabigkas niya sa mga sinasabi niya kaya bumabaon ng husto sa pagkatao ko. "Sa limang buwan na iniwasan mo ko, kahit ang kapalit no'n ay ang hindi ka makita at makausap, hinayaan kita, gab!"

Iniyuko ko ang ulo ko para makita kung paanong parang ayaw niyang mawala ako sa mga kamay niya, napakasarap sa pakiramdam.

"Kaya kahit eto lang, hayaan mo ako sa gusto ko." lumapit sya sa tabi ko para maingat akong yakapin. "Please?" huling sabi niya na lubos na nakapagpahina sa nanginginig kong tuhod. Tumango ako.

It Was Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon