GBH26PAGPASOK namin ng university ineexpect ko na ganito ang eksenang madadatnan ko. Kung dati sanay ako sa atensyon nila nung mga kaibigan ko pa ang kasama ko, ngayon hindi na. Talagang hindi na. Paanong masasanay kung pinagbubulungan kami at nadidinig ko pa ang mga sinasabi nila. Hanep!
Naku cris. Sila na yata talaga. Huhuhu!
Totoo nga yung kumakalat na balita na palagi na daw silang magkasama.
Pa'no na 'yan? Wala na talaga tayong pag-asa. May girlfriend na pala si Creed.
Ramdam ng mukha ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mga naririnig sakanila. Gusto ko silang bulyawan para iparating na mali ang nasagap nilang balita at hindi na kumalat pa, pero parang wala ng pag-asa pa. Dahil karamihan sa mga tao na nasa hallway na dinadaanan namin literal na saamin nakatingin at hindi man lang yun pinapansin ni Aidan. Is he deaf? We're on the fake news.
Tinignan ko siya sa kabilang side ko, at lintik sa laki ng ngiti ang nakita ko sa mukha niya habang hawak ang mga gamit ko. Kalmang kalma si g*go. How dare he put a smile on his face while me wants to erase everything they think about us.
Gusto kong magpalamon sa sahig sa mga nadidinig ko sa kanila kung hindi lang nangingibabaw ang inis sa akin. May tenga din ako, hindi ko alam kung paanong nakakaya nilang pag usapan ang bubay ng ibang tao kaysa pagkaabalahan ang kanilang mga sarili.
"Tigilan mo nga 'yang kakangiti mo. Mukha kang tanga."
Sakaniya ko binaling ang inis. Nilingon ko siya dahil huminto siya saglit sa paglalakad, nawala yung nakakabwisit niyang ngiti.
"Tch! Maganda yung minsan nakakarinig din tayo ng magagandang salita."
"Anong maganda diyan sa bibig ng mga 'yan?" tinuro ko isa isa yung mga natitirang tao sa paligid namin na pinag uusapan kami. Yung iba, niyuko nila ang kanilang ulo, may iba pang kunyari may pinag uusapan na kala mo totoong hindi kami ang usapan nila kanina.
Di niya pinansin 'yon, prenteng nakatutok lang ang tingin niya sakin. Naconcious ako bigla, umiwas ako ng tingin. Ibinalik sa dati.
"Tss. Ang kj mo!"
Lumapit siya sa tabi ko at kinuha ang bag sa balikat ko. May impit na tili akong narinig sa bandang harapan ko at binalingan ko ng masamang tingin 'yon. Tas kay Aidan ulit.
"Let's go."
He wrinkled his nose when I didn't move where I was standing. Lumapit siya sa tabi ko para igiya ako sa paglalakad.
"Sorry about that. It will never happened again." biglang nakonsensya ako sa way ng pagkakasabi niya. He's saying sorry again with something that's not his fault.
Cinover ng braso niya ang katawan ko para magpatuloy sa paglalakad. I bowed my head while walking not minding what around us. I hate them... really.
"I'll see you after my class."
Malambing ang pagkakasabi niya no'n pero parang may kirot na dumaloy bigla sa dibdib ko. Is it my fault? I just didn't like it. Is it a crime?
Nasa tapat na kami ng class ko kaya binigay na niya sakin ang gamit ko na dala niya kanina pa. Bawat galaw ng katawan niya, sinusuri ko. Gusto ko lang isipin na hindi niya kasalanan na pinag uusapan kami ng mga tao kaya bakit sa kaniya ako nagagalit? Eto na naman ba 'ko?
I stared into his eyes. My forehead twitched at the thought suddenly. "Parehas ba tayo ng vacant?"
"I'm not sure, but I'll try to make time for you."
Parang biglang nag-init ang mukha ko sa seryosong pagkakasabi niya no'n kaya napalingon ako sa likod ko para silipin ang loob ng klase. Bigla namang muntik akong mawalan ng hininga ng may lalaking bigla nalang sumulpot sa paningin ko, masamang tinignan ko siya. Napaayos ako ng tayo ng makita ko ang kabuuan niya. Shit... uso ba magagandang lahi noon kaya sabay sabay ko silang nasasaksihan ngayon? Napaatras ako mg isang hakbang sa hindi ko malamang dahilan. Fuck!

BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...