GBH20
Hawak ang diploma, sabay sabay naming inihagis ang suot naming toga sa ere.
Our circle of friends and my fellow students shouted as we scream our never ending happiness after we had achieved our success and today is the day of our graduation as a senior high.
Parang nung nakaraang buwan lang, pinapatay pa kami ng mga teachers sa research paper namin, halos tulog na lang ang pahinga namin, kahit weekend hindi na namin napalampas dahil walang oras para magrelax.
"Wooooohhh! I couldn't believe I'm holding it now!" si Mark na inangat pa sa ere ang hawak na diploma.
Sabay sabay naming iniangat din sa ere ang amin. Halata sa mukha namin ang saya at di mapangalanang nararamdaman. Gusto kong sumabog sa tuwa.
Pinagitnaan ni Gelo at Baste si Mark para akbyan habang kaming mga babae ay nasa harapan nila.
"Kaya nga. Kahit ako na hindi gaanong nagseseryoso, tignan mo naman pre. Hawak ko na din ang akin." si Gelo.
"Kaya magpasalamat kayo dito kay Isha at Inna." si Shaine. "Dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi kayo ngayon makakagraduate dahil may mga records kayo ng mga complains dahil d'yan sa pambababae niyo." panenermon niya pero may bahid ng biro dahil walang paglagyan ang kahit na anong lungkot para sa amin.
Nakita kong nagsipagngiwian ang dalawang loko, habang nagkakamot ng likod ng ulo.
"Oo nga. Buti nalang may mga savior pa rin kayo." dagdag pang aalaska ni Baste.
"Aysows. Akala mo kung sinong santo santohan." pasiring ni Isha na sinulyapan pa 'ko. "Kung hindi ka lang takot dito kay Gabriella, pusta ko. Kasali ka sa dalawang 'yan."
Nagtawanan ang iba kong kaibigan. Lalo na si Shaine at Gelo.
"Tch! Ba't ako nasali? Wala naman akong paki, kahit mambabae 'yan si baste." tinuro ko ang gawi nya gamit ang nguso ko. "Basta wag akong guguluhin kung lokohin sila ni baste." sabi ko ng buong puso.
"Aba! Aba! May approval ni mareng Gabriella." balak akong sundutin ni Mark sa tagiliran nang makaiwas ako.
"Aba, hoy! Hindi ako si Tulfo no, para sumbungan ng mga naaapi." dagdag ko, kaya nagtawanan sila bigla sa sinabi ko.
"Ouch naman." Kumapit naman bigla si Baste sa kaliwang dibdib n'ya na parang nasasaktan sa sinabi ko.
"Hindi mo ba 'ko love?" nagpuppy eyes sya.
Tss. Baduy!
I pout my lips as I nodded. "Love."
Naghiyawan sila lahat. Kinantiyawan nila si Baste habang pinugpog ng pabirong suntok ng dalawang lalaki. Nangunguna si Mark. "Ayun naman pala, pre. May pag-asa pa."
Malaki ang pagkakangiti ni Baste habang nakikipag high five sa kanya si Mark at Gelo.
"Naks naman." si Inna. "Mukhang mas tumitibay na loob nitong lover boy natin ah." nakita kong namula ng husto ang mukha ni Baste sa way nang pang aasar nila.
Napatawa ako sa nakita. Parang baby!
Bigla akong nagsalita ng makita ko si mommy na ngiting ngiti na pinagmamasdan kami. Nasa tabi n'ya si daddy, kaya sobrang nakadagdag sa kasiyahan ko ang pagdalo nilang parehas sa mahalagang araw ko.
This is the greatest gift they've given to me.
"Mommy picture'an mo nga kami nitong love ko." tumango sya ng paulit ulit nang may ngiti sa labi. Binitiwan naman agad sya ni daddy mula sa pagkakayakap.
Napaisip ako. Hindi kaya nagseselos yung isang babae ni daddy?
Napatawa ako sa sariling naisip.
BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...