GBH8
HININTAY kong maglaho ang ingay na pumapalibot sa loob ng cafeteria bago ko napagpasyahang lingunin ang mga kasama. Sa sobrang ingay, ang sarap lagyan ng dinamita sa gitna para magkaro'n ng totoong dahilan para magkagulo. Tsk!
Naaalibadbaran kong inalis ang paningin kay Shaine na hindi magkandaugaga kung paanong uupo ng maayos makapostura lang na makakapagpakuntento sa'kanya sa magandang anggulo. Ang galing magpacute, akala mo hindi ako pinutakte kanina para lang makachismis. Tss!
Samantalang si Mark at Sebastian ay kalmante lang na nakatingin sa dalawang lalaki na papalapit habang si Isha at Inna naman ay nagkukwentuhan sa tabi na hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan. Ngayon ko lang napansin na, ngayong araw ay masyado akong ilap sa kanilang lahat.
Anong magagawa ko? Eh, inatake na naman ako ng sakit ko na pabago bago depende sa paligid ko.
"Oh, ba't ang tahimik nyo?" Sabi samin ni Gelo ng makalapit sila sa mesang kinauupuan namin. Habang tatawa tawang nakikipag apir kay Mark at Baste.
Mabilis kong ibinaba ang tingin ko sa pagkaing nasa harapan ko. Now that's a better and edible view. Kiming kakagat na'ko sa sandwich nang makita kong nakatingin ng nakakaloko sa'kin si Gelo habang tinataas taas ang dalawang kilay nya na parang nagpapacute.
Hinantay ko s'yang magsalita habang nakatitig pa din sakanya habang kumakagat ako sa tinapay ko. "Hi Gab. Okay na ba yung balakang mo? Hindi na ba masyadong masakit?"
Di makapaniwalang napahinto ako sa pag-nguya ng de-oras sa narinig. Mas lumawak ang pagkakangiti n'ya sakin, walangya ka Gelo!
Pagbaling ko sa lalaking katabi nya. Nakatitig din sya sakin na parang minumukhaan nya pa ko kung saan nya ba 'ko nakita.
Huh! You have the guts to forget me after what you've done?
Oo nga naman. Sino nga naman ba agad ang makakakilala kapag yung binangga mo, segundo molang nakita dahil bastos mong tinalikuran?
Wow, an ungentleman creature!
Nakipagtitigan ako sa'kanya hanggang sya na mismo ang sumuko nung tawagin ni Baste ang atensyon nya.
"Pre." tinapik pa sya nito sa likod pagkatapos makipagbatian tsaka ito tumango.
Hindi makapaniwalang napairap ako sa ere ng mapagtantong totoo nga ang sabi nilang kilala nila ito.
So, ano? Taga san ba 'ko at hindi ko kilala 'yang lalaki na 'yan?
"Napadayo ka?" Dinig kong sabi ni Mark na pusta ko sa lalaki na 'yon ang buong atensyon nila. Ako lang ata ang nakatingin sa harap at hindi maibaling sakanya ang tingin.
Well, hindi ko din alam kung bakit.
Siguro, hindi ko lang gusto yung pagkakalagay ng mata nya. Ang pangit tumingin, parang tanga!
Oo, yun nga.
"No. I was actually looking for Mrs.Henarez-"
Hindi pa nya natatapos yung sinasabi nya, nang di ako makapaniwalang napatingin kay shaine ng sumingit ito. "Eh ba't nandito ka? Nandito ka ba para sumabay samin kumain?" Kumukurap kurap pa yung mata nya na mas kinabigla ko.
What the...
"Shaine, seryoso? Nakakahiya ka." Sinusubakan ni Isha na hilahin yung kanang sleeve ng uniform nya para mabalik sa tamang ulirat ang nawawalang dignidad nang kaibigan namin.
"Eh bakit ba? Nagtatanong lang naman ako e. Right, Creed?" Balik tangin nya sa lalaki.
Bago ko lubos na maiiwas ang tingin ko sa nakakahiyang ginagawa ni Shaine, dumaan muna ang mga mata ko sa kinakatayuan nila Gelo, kaya nagulat ako ng makitang nagsalubong bigla ang tingin namin ni Creed nung tangka ko sana itong lalampasan ng tingin
Shit.
Patay malisya kong bumaling ulit sa pagkain kong di maubos ubos. Pucha, ngayon kolang napagtanto na nakikisama yung pagkain ko sa nakakailang na nangyayare.
O, ako lang yung naiilang? Hanep! Ba't kase di pa umalis.
Lintik kase tong babae na'to. Ngayon ko lang sinusumpa ang kaharutan nya!
![](https://img.wattpad.com/cover/125174380-288-k977256.jpg)
BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...