Chapter 13

15 5 0
                                        

GBH13

ALAS otso na nang gabi namin namalayan ang oras kaya naisipan na naming magpaalam na sa isa't-isa.

Isha and Inna was the first one who bids a goodbye to us. Nagpresinta naman si Mark na ihatid ang dalawa dahil sya rin pala ang kasamang pumunta dito sa D'CUPS.

Kaya pala sila ang una naming nabungaran dito nung dumating kami ni Baste.

Si Shaine naman, nagsarili na dahil may ibang lakad pa daw sya. Kasama naman nya ang driver nya kaya hinayaan na namin.

"Oh, pa'no ba 'yan pre. Una na kami nito ni Creed." Sabi ni Gelo. "Ikaw ba maghahatid dito kay Gab?" Turo pa nya sakin gamit ang bibig nya.

"Oo, sinundo ko na kase 'to kanina." Humawak sya sa braso ko, para ilapit nya ko sa katawan nya.

I really don't mind if I was this close to Sebastian. Sanay na sanay na 'ko. Sya ang kasama kong lumaki mula pagkabata kaya lahat ng ginagawa nya sakin, hindi ko binibigyan ng ibang kahulugan.

Masama 'yon.

I look at them especially to Creed as I noticed him looking intently at Sebastian's arm who almost embraced my body.

Binaba ko ang paningin ko sa tinitignan nya para malaman kung gaano kainteresante ang binibigyan nya ng atensyon para makita ang madilim n'yang awra.

Nagdalawang isip pa ko kung iisipin ko bang sa brasong nakayakap sakin ni Baste sya nakatingin.

May panaksak bang hawak si Baste sa tagiliran ko na hindi ko nakikita kaya ganon nalang kasama ang tingin nya.

Binalikan ko ulit ng tingin. Humawak pa ko sa kamay ni baste para siguraduhin kung anong meron sa kamay nya, nang mapagtantong wala naman. Iniangat ko ulit ang tingin ko sa direksyon nya.

He's jaw was already clenching. Inangat nya ang paningin sa'kin para lang makita ko kung paano syang parang nag ngingitngit na sa galit.

Nagtataka kong tinignan ang mga kasama na parang walang alam sa nakikita ko kay Creed. Binalik ko ang tingin ko sakanya ngunit mabilis nyang naiiwas ang ulo nya papalingon sa gawi ni Gelo.

Ako ba ang dahilan non? Iniisip ko kung ano ang maaaring dahilan kung bakit parang ang laki ng nagawa kong mali sakanya para iiwas nya sakin ang paningin nya.

"Osige na pre, mauna na kami. Ingat kayo" Tinapik ni Gelo si Baste. "Gab." Tsaka nya ko tinanguan.

"Sige. Kayo din, Ingat." Kiming ngiti ko kay Gelo nang hindi na ko muling tinapunan pa ni Creed ng tingin samantalang tinanguan nya si Baste para magpaalam.

I arched my brow in disbelief.

"Let's go?" Pag aagaw pansin sakin ni Baste.

Nilingon ko naman agad sya ng maramdaman kong iginiya nya ko para gumalaw, nang maalalang may pupuntahan pa ako.

"Hindi na, mauna kana. May dadaanan pa kase ako e."

Nagsalubong ang dalawa n'yang kilay. "Saan?"

"Kay Daddy. Tinext ko na sya na pupunta ko sa condo na tinitirhan nya ngayon. Malapit lang kase, kaya naisipan kong dumaan muna." Mahabang aniya ko sakanya.

Bumalik ang ngiti nya. "Okay. Tara, hatid na kita."

"Hindi na, baste. Out of the way na kase kung ihahatid mo pa ko." Hawak nya ang braso ko at uni unti ko yun kinalas para paunahin na sya. Tingnan nya ang kamay kong kumalas sakanya. "Magtetake nalang ako ng cab. Safe 'yon, wag ka mag alala."

Nawala ang ngiti nya. "Mas safe sakin. Kaya tara na." Pangungulit nya.

Umiling ako. "Hindi na nga. Okay lang ako, kaya ko yun. Ano kaba!" Nginitian ko sya ng sobrang laki. "Sige na, mauna kana." Pagtutulak ko sakanya.

It Was Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon