Chapter 6

31 5 0
                                        

GBH6

"Gab, please? Let me help you. Wag ng matigaas ang ulo. Hahawak kalang naman sa braso ko para sakin ka kumuha ng bwelo para makalakad ka ng ayos." Pangungulit ni Baste habang umaakayat kami ng hagdan from groundfloor to 3rdfloor.

One more floor to go, tsaka lang namin mararating yung Assignated room para sa mga senior. Kundi ba naman ngayon ko lang narealize na bakit hindi pa inimbento ang Elevator para dito sa University, ang sakit na ng mga binti ko, pucha!

"Okay nga lang, diba? Hindi mo ba nakikita kaya ko? Isa pang ungot mo, sasapakin kona mukha mo!"

Masama ang tingin na ipinukol ko sakanya ng makita kong kakamot kamot sya sa kilay nya na parang iritang irita sa twing tatanggihan ko yung alok ng pagtulong nya.

Lumambot naman agad yung expression nya nung makita nyang seryoso lang akong nakatingin sakanya.

"Okay. Just give me your books. And i'll be okay."

Iika ika akong pumasok sa klase habang dala dala naman ni baste ang libro na ibinigay ko sakanya matapos nya kong kulitin para tulungan. Sa sobrang kulit nya, na hindi ko na kinakaya. Hinayaan ko na lang sya at padabog na inabot sakanya yung libro na hawak hawak ko, para matapos na.

"Oh, napano yan?" Dinig kong sabi ni Shaine matapos kong dumaan sa gilid nya, dahil nasa bandang likuran ako ng upuan nya. Nakapamewang nya kaming hinarap habang nakataas ang kilay.

Busy silang nagkukwentuhan nung dumating kami ni Baste, kaya sabay sabay lang nila kami nilingon nung naagaw ko ang atensyon ni shaine.

"Akin na 'yan." Inabot naman agad sakin ni Baste yung mga libro ko at padabog akong umupo sa pwesto ko dahil di ko na kinakaya yung mga tinginan nila.

"Sabi ko napa'no ka? Ba't di ka sumasagot?" Pangungulit ni shaine sakin.

"Ah. Ako ba tinatanong mo? Kala ko si Baste?"

"Anak ng tokwa." Napatapik sya sa noo nya, habang ang iba naman ay iiling iling na natatawa na hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ofcourse, gab. Mygoodnes! I'm not asking you, but you're the reason why I'm asking. So, care to explain what happen to you?" Eksaherada nyang turan sakin.

"Wala." Walang gana kong sagot dahil wala din akong gana makipag usap ngayon.

Sabi ko nga e, diba? Wala pa yung pake.

Dumagdag lang yung insidente kanina, kaya mas lumala lang yung topak ko.

"Ewan ko sayo. Napa'no ba yan Baste? Ba't di makausap ng matino, tapos iika-ika pa?"

Tumitig muna sakin si Baste bago nagkibit balikat na sumagot kay Shaine. "Wala daw e."

Hinintay kong makaupo muna s'ya sa tabing upuan ko bago ko ipikit ang nga mata ko. Hinayaan ko silang nakatitig lang samin habang prenteng nakaupo ako at dahan dahan kong sinandal ang ulo ko sa headrest ng silya na kinauupuan ko tsaka muling nanumbalik sa'kin ang eksenang nakadagdag sa bigat ng umaga ko.

Sa lakas ng pagkakabagsak ko kanina, imposibleng hindi sya nakaramdam man lang kahit konting konsensya. Wala ba sya'ng ganon sa katawan? Kahit konti?

Nasa tamang daanan ako, kaya imposibleng ako ang may kasalanan. Maaaring mali ako dahil hindi ako nagfofocus sa paligid ko, pero alam ko namang sya ang mali sa parteng 'yon. Kaya bakit hindi sya marunong humingi ng paumanhin sa nagawa?

I can't believe he just walked out like that, napakawalang puso. Hindi ko akalain na may natitira pa palang ganung pag uugali sa mundong 'to.

Dahil sa ginawa nyang pagtalikod sa'kin kanina matapos ko syang tanungin, pakiramdam ko napagod ako sa isang kumusyon na wala naman akong kalaban kundi ang sarili ko.

"Pucha na'yan!"

Huling dinig ko kay shaine ng walang nakuhang matinong sagot saming dalawa.

Dumating naman agad yung Homeroom teacher namin at umayos na kami ng pwesto para sa unang klase.

It Was Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon