GBH5
Kinabukasan, inagahan ko ang pag aasikaso para sa pagpasok. Inalarm ko ng sobrang advance yung alarm clock sa bedside table ko. Ayoko nang malate, baka malintikan na naman ako sa kaibigan kong daig pa ang teacher na nakaligtaan ko ang klase kung makapagreklamo.
Matapos ng pagkikita namin kagabi ni Baste, hinayaan nya kong umuwi ng mag isa dahil ayokong magkaron pa sya ng way para maimbitahan kopa sya sa loob ng bahay. It's a big no no. After the so called 'kadramahan' with my mom. I know it would be awkward, so it's better that way.
Tsaka wala syang choice, parehas kaming may dalang kotse. Ayoko rin basta basta iwan dun ang kotse ko dahil ito lang yung kaya kong pagkaingat ingatan na huling bigay ng daddy. So might as well, give him a good reason.
When I turned sixteen, Daddy gave me that white BMW for my birthday. He knows, how much I love white kaya siguro yun yung kulay na pinili nya. And then Mommy is also in charge of my student license so I could use it for myself.
At that time, I thought it was probably the last day that I would get a daddy's gift, at hindi nga ako nagmali because when my seventeenth year came. I have never seen his presence yet. I do not ask for anything, what matters to me on my special day of my life is to be with them. Kaso hindi sya nagpakita, he just gave me a text saying sorry if he did not show up because he was busy.
Busy saan? Sa isang pamilya n'ya?
Habang lumilipas ang mga araw, unti unting nagsi-sink in sa isip ko na bakit kailangan kong ipagdamot si daddy. Kung napili nyang magmahal muli ng bagong tao sa buhay nya, siguro kaya ko ring tanggapin na hindi lang samin iikot yung mundo nya.
Somehow, i just realize that it isn't bad to be happy for the happiness of your loved ones.
Pikit mata kong sinalubong ang hangin na nanggagaling sa labas ng sasakyan ko habang binabaybay ang daan papuntang eskwelahan na pinapasukan ko.
Isang linggo ko na ding kasama si Mang Jaime para ipagmaneho ako kahit na sariling sasakyan ko 'to. Yung sariling kotse kase ni mommy na ginagamit nya isang linggo na ring nasa talyer at tumirik daw yun bigla sa kasagsagan ng pagmamaneho ni Manong nung pauwi na sila galing sa kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Mommy.
Kaya pagkahatid sakin ni Manong, uuwi din sya agad para ipagmaneho naman si mommy papasok ng trabaho. At susunduin nalang ako pag uwian na.
Kita mo'to.
Kakakita lang namin kagabi, sya na naman nabungaran ko pagkatapak ko ng campus.
Nakita ko si Baste, nakasandal sa pinto ng kotse nya na tila ba enjoy na enjoy n'ya na pinagkakaguluhan sya ng mga babaeng nagkakandarapa sakanya. Nawala lang ang atensyon nya sa mga babae nya nang mapadako ang mapanuri nyang tingin sa sasakyan na binababaan ko.
Pagkalabas ko ng kotse, hindi na ko nagpaalam pa kay manong dahil inaatake na naman ako ng mood ko na sinasabing 'wala kong pake'.
Masama ang gising ko, dahil sa puyat na ko kagabi dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Mommy dagdag pa na nag adjust ako ng oras para lang mapaaga yung gising ko.
Tuloy tuloy akong naglalakad habang akap akap ang dalawang libro na kakailanganin namin mamaya sa dalawang major subject. Na dapat hindi ko dadalhin dahil ubod ng bigat, pero dahil ayoko ng nakikishare. I have no choice but to take it.
"Shit."
Napangiwi ako sa sakit ng pagkakabagsak ko sa sahig na naging sanhi para di ako makakilos agad, dahil may sadyang diko alam kung bulag ba o tatanga tanga para hindi ako makita. Samantalang nasa tamang daanan naman ako.
Nilingon ko naman agad yung pinanggalingan ng boses na nagmura pagkatapos akong banggain. I saw him standing next to me, as if he did not bother me with his stupidity.
Magsasalita na sana ko pero agad kong naramdaman ang paghawak ng isang tao sa kanang braso ko para tuluyan akong tumayo mula sa pagkakabagsak.
Hindi ko maiwasang mapapikit sa sakit ng maramdaman kong may parang piniga sa bandang balakang ko. Hayup, ang sakit.
"Are you okay, Gab?" Hindi ko pinansin ang boses na nag aalala ni Baste at agad na binalingan ko ng pansin ang lalaki na sinalo lahat ng kaswertehan nang umulan ng kagwapuhan.
Ngunit binalewala ko yun, hindi ito ang tamang timing para pumuri. Hindi ko ininda ang lalim ng pagkakatitig nya sakin, kahit na nakakailang.
I swallowed up my throat before talking. "Hindi ka ba magsosorry?" Patay malisya kong tanong, matapos kong makarecover sa mga tingin nya na para ba kong nilulunod.
Inisa isa nya'ng pinulot yung mga gamit na nasa sahig, na buong akala kong ibibigay nya sakin yun matapos nyang pulutin. Ngunit, nabigla ako nung makita kong may dalawang libro na naiwan sa lapag at walang pag aalinlangan nya kong tinalikuran matapos makuha ang bagay na pag mamay-ari nya.
Aba't bastos to ah!
"Hoy!"

BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...