Chapter 14

13 5 0
                                    

GBH14

TAHIMIK akong nakaupo sa bus station habang nag aantay kung sino ang susundo sakin. Gusto ko ng makauwi. Alas diyes na nang gabi, kaya nagtext na ko kay mommy na may dinaanan lang ako para di na sya mag-alala. Alam kong nag aalala na 'yon, kaya inunahan ko na.

Magbu-bus na lang sana ko pero wala akong pera ni singko para ipambayad. Natangay lahat ng gamit ko, buti nalang yung cellphone ko hawak hawak ko kanina bago hablutin sakin ang bag ko.

Nilibot ko ang paningin sa paligid, ganito na ba kalalim ang gabi kaya wala ng katao-tao? Kung alam ko lang, hindi ko na sana piniling mag lakad sa kahabaan ng dilim para sumuong sa ganitong sitwasyon.

Nanlulumo akong napayuko. Unti unti akong nilalamon ng kawalan ng pag-asa. Baka busy silang lahat kaya hanggang ngayon wala pa. Mag iisang oras na kong nag aantay hanggang sa may nakita akong dalawang pares ng sapatos na nakatayo sa harapan ko.

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para makita ang mukha nang kung sino.

Nang makita ko ang mukha nya, hindi ko alam kung bakit may namumuong luha muli sa mga mata ko, unti unting nanlalabo. Kaya bago pa tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, tumayo ako at patakbo kong pinuntahan sya sa kinatatayuan nya. Mahigpit akong yumakap.

"Bakit ang tagal mo?" Ang kanina pang pinipigilan kong pag-iyak, bigla kong hinagulgol ng sobrang lakas habang sinasabi ang mga katagang yon.

Nanghihina kong ibinagsak ang natitirang lakas sa katawan ko. Naramdaman kong gumanti sya ng yakap sakin at hinihimas nya pababa pataas ang kamay nya sa likod ko.

Mas diniin ko ang mukha ko sa dibdib nya. "Ang tagal tagal mo. Takot na takot ako, Creed." Hindi ko halos maintindihan ang sariling sinasabi dahil sa lakas ng hikbi ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko kanina."

"Sshh. It's okay. You're okay now, baby. Stop crying." Umiiling kong iniling ang ulo ko sa mga sinasabi nya.

"No. I'm not okay, Creed. I was scared." Paulit ulit kong sabi sakanya.

Hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak kaya hanggang ngayon nakatayo pa din kaming magkayakap.

Humigpit ang pagkakayakap nya sakin kaya medyo napainda ako sa sakit nang maramdaman kong nabangga ng katawan nya ang braso kong may sugat.

Kumalas sya sakin.

Tinignan nya ko sa mga mata. Mas naramdaman ko ang comfort sakanya kaya naiiyak na naman akong napayuko. Ngayon ko lang natamdaman 'to. Hindi ko gusto ang biglaang pagwawala ng kaba sa dibdib ko. Hinawakan nya ang baba ko paangat muli sakanya, nakita ko ang kakaibang galit na pumapaloob sa mga mata nya. Nawala lang ang nga 'yon ng unti unting bumababa ang paningin nya sa ilong ko, sa pisngi ko hanggang sa labi.

Ang mga parteng iyon ay may bakas ng sugat mula sa pagkakaladkad. Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mata, nawala din ang pagtatagis ng kanyang panga na sadyang humulma ng maganda na mas bumagay sa kanya.

Hinawakan nya ko sa pisngi. Hinimas nya yon ng sobrang sarap sa pakiramdam ko. Mahinahon. Malabot.

His expression softened. "Is it still painful?" Magkatitigan kami habang sinasabi nya ang mga yon nang may pag aalala.

Yumuko ako tsaka umiling bago sumagot. "H-hindi na." Napalunok ako ng mautal sa sinabi.

"And this?" Pag angat nya sa braso ko. Tangka ko sanang aagawin ngunit hindi nya ko hinayaan.

Umiling ako.

Kahit sobrang sakit pa, lalo na sa may tuhod ko. Iniangat ko ang ulo ko para makita sya. I bit my lower lip, this is so awkward.

It Was Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon