GBH31
KINABUKASAN naabutan ko si mommy'ng nag-aagahan sa kitchen. Napangiti siya ng makita niya akong papalapit sa gawi niya.
"Goodmorning, anak." lumapit ako sakaniya, para halikan siya sa pisngi.
"Mmm... Morning, mom!" lumakad ako sa kabilang side ng lamesa kaharap ng upuan niya. "Wala kang pasok?"
Umiling lang siya, at pinaghahain niya ako ng agahan ko.
"Wala, nagpa-rest day ako." duda ko siyang tinignan.
Napatawa siya sa klase ng tingin ko, pero hindi ko nilihis 'yon. "Bakit? Anong meron?"
"Bawal ba? Syempre gusto ng mommy ang magpahinga, 'no!" pinagkunotan ko siya ng noo. Halata sa itsura niya ang hindi magandang awra kahit pa gaano kalaki ang tawang ibigay niya sa harap ko. I know her.
"Is there a problem?" agad siyang umiling at umiwas ng tingin pagkatapos niyang ilapag sa harap ko ang pinggan na pinaglagyan niya ng pagkain ko.
Tinulak niya 'yon, papalapit sa harap ko. "Kain kana, baka malate ka sa klase mo." tipid niya kong nginitian, tsaka siya nagpatuloy sa pagkain niya. Ang galing mag-iba ng usapan, tsk!
Sumilip ako sa relos ko, bago ko nagsalita. "I still have an hour before my class starts."
Pinagtaasan niya ko ng kilay ng may ngiti. "Babyahe ka pa."
"Sabay kami ni Aidan."
Pinanlakihan niya ko ng mata, ang OA. "Oh wow, really? Where is he?"
Tinapos ko muna ang pag-nguya ko, bago ako sumagot hindi siya tinitignan. "He's on the way."
"I miss him. Ngayon mo na lang ulit siya pinapunta dito." may himig na tampong sabi niya, inangat ko ang tingin ko sakaniya.
"Mom, we're busy."
"Ay, oo nga pala." umiinom na siya ng tubig, senyales na tapos na siyang kumain. But she's still in her seat.
"Eh, si daddy kailan mo po ulit papapuntahin dito? I miss him too, like you missed Aidan, mom."
Nakita ko ang paglihis ng tingin niya sakin at ibinaling niya yon banda sa sink, napapalunok pa siya at wari'y hindi alam ang sasabihin kaya tipid lang akong nginitian nang hindi pa rin tumitingin. Ang lungkot ng ngiti na 'yon. Halata ang pagkabalisa niya at hindi ko yon magawang balewalain dahil lang nag-aalinlangan siya.
"May problema po ba mommy?" umaasang masasagot ang tanong ko lingid man sa nagbabarang lalamunan ko gawa ng kabang lumalamon sa dibdib ko.
Biglang angat ng tingin niya at malawak na ngiti ang ginawad niya sakin, kasabay no'n ang pag-iling niya ng ilang beses. Ngunit, kahit ano pang klase ng ngiti ang ipakita niya, hindi matatakpan no'n ang pilit niyang tinatagong lungkot.
Si daddy ang pinag-uusapan natin. Bakit wala ang kislap sa mga mata mo, mommy?
"W-Wala ah, magkikita nga kami ngayon eh. Kaya nagpaday-off ako."
Wala na kong gana, pero kailangan kong ubusin ang lahat ng ito dahil kung sakali mang may problema si mommy, ayoko ng makadagdag at hindi kakayanin ng puso ko na makitang isa ako sa dahilan ng mga iniisip niya. I can be independent.
Walang nagawang tumango na lang ako, at yumuko para ituloy ang naudlot na kain. Ayokong isipin na may problema sila ni daddy, at hindi nila magawang sabihin sakin. Malaki na ako, at hinahayaan ko lang sila sa gusto nila pero dapat kung may kinakaharap silang problema, handa naman akong makisama kase pamilya kami. Ang tagal na nung huli kong makita ang daddy dahil ang sabi niya, sobrang busy sa kumpanya at naiintindihan ko naman 'yon. Pero mula noon, yun na din ang huli naming pagkikita at hindi na nasundan pa yon. Busy din naman sila ni mommy sa parehas na dahilan, pero ngayon ko lang naisip na, He can't make time for us, huh? Or for me?
BINABASA MO ANG
It Was Always You
RomanceGabriella didn't expect her to recognize the man who could soften her heart. Sa hindi inaasahang pagkakataon, Aidan Creed Cadman was the only one on her list who could help her in times of disaster. However, she did not think that the person...