Kabanata 1

2.7K 36 1
                                    

Taong 1896-Spanish Era

"Binibining Rosalinda, gumising na po kayo!" sabi ni Marieta.

"Binibining Rosalindaaaaa!" paulit-ulit na sabi ni Marieta.

Ngunit nais ko pang matulog -,-

"Hinihintay ka na po ni Don Antonio!" sabi ni Marieta.

Bigla naman ako napatayo kasi syempre baka magbago ang isip ni ama. At unang beses akong niyaya ni ama dahil abala siya sa pagiging Teniente del Barrio (head of the barrio).

"Ano daw ang gagawin namin?" tanong ko kay Marieta.

"Binibini pupunta daw kayo sa palayan niyo dahil kakausapin niya ang mga trabahador at ipapakita daw niya sayo ang mga maipagmamalaki mo sa lahat!" tugon ni Marieta.

"Sige pakisabi susunod na ako, ako'y maghahanda lamang!" utos ko kay Marieta.

Si Marieta Panganiban ay ang aking tagapagsilbi at siya'y labing walong taong gulang na rin tulad ko kaya kami'y nagkakasundo sa lahat dahil magkasing-edad kami at simula nung bata ako siya lang ang kausap ko at kalaro ko dahil ayaw ng aking ama na makipaglaro ako sa ibang bata. Hindi naman ako nakikipaglaro sa aking nakakatandang kapatid na si Carlos dahil puro panlalaki ang mga laro niya tapos lagi siyang isinasama ni ama kaya kami lang dito naiiwan ni ina sa bahay (nanahi at nagluluto lang)

Bumaba na ako at dumiretso sa labas kung saan naghihintay ang isang kalesa at nakasakay na doon si ama.

Bago ako lumabas ng bahay nagpaalam muna ako kay ina at tumungo na ako sa kalesa.

"Magandang umaga ama!" sabi ko.

"Magandang umaga din anak! Sumakay ka na at baka tayo'y mahuli sa dadaluhan nating pagsasalo!" sabi ni ama.

Sumakay na ako at habang nasa kalesa iniisip 

ko kung ano yung tinutukoy ni ama na pagsasalo. Sabi kasi ni Marieta ipapakita lang sa akin ni ama ang palayan ngunit bakit may pagsasalo.

"Andito na tayo, anak!" sabi ni ama.

Di ko namalayan andito na pala kami.

Andito kami sa 'Palayan ala Rivera'  isa sa mga naipundar ng aking ama.

Madaming sumalubong sa amin na mga magsasaka kinamayan naman ni ama ang lahat.

"Magandang umaga Don Antonio at Binibining Rosalinda. Buti naman ay naibigan niyong dumalaw sa inyong palayan!" sabi nung isang magsasaka na may katandaan na.

"Isinama ko talaga siya para makita niya ang yaman na mapapasakanya rin!" sabi ni ama.

Napangiti na lang ako.

Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Salamat at nakalanghap na rin ako ng sariwang hangin dahil lagi na lang akong nasa bahay :'(

"Don Antonio at Binibining Rosalinda! Tara na po sa maliit na salu-salo na inihanda namin para sa tagumpay nating pag-angkat ng mga bigas! At madaming tumatangkilik sa Maynila ng mga bigas mula sa atin!" masayang tugon nung isang babaeng magsasaka. Ang ganda niya, matangos ang ilong at tamang-tama lang ang kanyang katawan di masyadong mataba di rin naman payat.

"Maraming salamat, Amanda!" tugon ni ama.

At pumunta na kami sa isang dako ng palayan kung saan may mahabang lamesa at nakalatag dito ang mga dahon ng saging.

Nasa gitna naman pumwesto si ama at katabi niya ako. Tapos lahat ng magsasaka ng aming palayan ay andun at tuwang-tuwa sila dahil pinaunlakan ni ama ang kanilang imbitasyon.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon