Kabanata 40

306 9 0
                                    

Daniel's POV

"Goodmorning Mom and Dad!" bati ko sakanila pagkababa ko.

"Goodmorning son!" sabay nilang sagot. Napaunat ako saka umupo sa table. Magbe-breakfast ulit kami ng sabay-sabay so I don't want to miss this chance.

Tinext ko muna si Rose, gawain ko na yun tuwing umaga na batiin siya kasi gusto ko kapag kagising niya ako agad ang papasok sa isip niya at mapapa-smile ko kaagad siya.

Me: Goodmorning My Love! Punta diyan ako sayo later.

Nilagyan ako ng bacon ni Mommy sa plato at napangiti ako. Na-miss ko ito. Well, I'm proud na Mama's Boy talaga ako di ko yun tinatanggi.

Susubo na sana ako ng kakainin ko kasi biglang tumunog phone ko.

Rose: Naku, wag na Daniel.

Ha? Bakit? Galit ba siya sakin or what?

Me: Why? I miss you Rose and gusto kitang makita ngayon. Please?

Agad rin na man siya nag-reply.

Rose: Ano kasi may gala kami ni Lorna magba-bonding kami. Sorry talaga.

May problema ba siya? Ramdam ko na may problema siya.

Me: Then, mamaya. Pupuntahan kita siguro naman hindi kayo aabot hanggang hapon diba?

Rose: Please, wag muna.

Bakit ganun ang pakikitungo niya sakin? Ayaw niya akong makita. Ayaw niya akong makausap. May ginawa ba akong mali na ikinagalit niya. Kailangan ko siyang makausap.

Tinawagan ko siya pero di niya sinasagot.

"May problema ba anak? Bakit kanina pa magkasalubong yang kilay mo?" malambing na tanong Mommy.

"Si Rose po kasi parang galit sakin. Di ko po alam kung anong ginawa ko." paliwanag ko.

"Anak, ganyan talaga ang mga babae laging may mood swings ang kailangan mo lang ay intindihin sila. Suyuin mo lang anak." payo ni Daddy. Napatango naman ako at hindi ko muna siya tinawagan siguro nga kailangan lang niya muna ng space para makapag-isip saka ko na lang aalamin kung ano ang problema namin.

"Sige na anak kain ka na. Papasok ka ba sa work?" tanong ni Mommy. Napatango naman ako at sinimulan kumain.

"Yes po bibisitahin ko ngayon yung office." sabi ko.

"Sasama ako I miss that company." sabi ni Daddy. Napangiti na lang ako. Di ako makakain ng maayos iniisip ko pa rin si Rose ano kayang nagawa ko?

Pagkatapos ko mag-almusal naligo na ako at nag-ayos.

"Master hinihintay na po kayo sa sasakyan ni Master Danilo." sabi nung maid namin. Napatango naman ako at nilagyan ng FIX yung buhok ko para tumaas. I miss this look haha highschool days tho.

Dali-dali akong bumaba at nakita ko si Mommy sa kitchen as usual she's baking. Ganun lang siya palagi kapag walang magawa yun lang ang kinaaabalahan niya. Kapag wala kami sa mga maid niya pinapatikim ang binake niya.

"Mommy I'll go ahead." paalam ko sabay kiss sakanya.

"Ayaw mo ba magbaon nito anak, mga 5 mins. na lang tapos na ito." sabi ni Mommy, umiling ako saka ngumiti.

"Di na po naghihintay na po kasi si Dad sa labas mukhang excited na mabisita ang company natin. Pagtirhan niyo na lang po ako at pakidagdagan Mom kasi bibigyan ko rin si Rose." sabi ko.

"Sige anak. Siguradong magugustuhan ito ni Rose." sabi ni Mommy. Ngumiti ako, sana nga. Ayaw kong nagagalit siya sakin, naiinis ako sa sarili ko tuwing kinakagalitan niya ako, kasalanan ko man o hindi. Ganun ko siya kamahal.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon