Kabanata 16

508 16 0
                                    

Taong 2017

"Rosalinda mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Diego."



"Ate Rose, gising na." sabi ni Mikael.

"Hays lumayo ka na muna, kita mong natutulog pa ako dito ei." sagot ko.

"Ate naman masyado kang pabebe! Graduation mo mandin ngayon." sabi nung kapatid ko.


Napabuhat ako bigla mula sa kama.

"Omggg Oo nga pala. Nakalimutan ko na." sabi ko.

Napa-tsk tsk naman si Mikael sakin. Lumabas na siya ng pinto.


Napanaginipan ko na naman siya I mean sila, sino kaya yung lalaki sa panaginip ko. Nag-exist kaya siya? Well, ang gwapo niya infairness, pero may iba na siyang iniibig si Rosalinda pero ang ipinagtataka ko, kamukha ko yung babae. Simula bata ako, napapanaginipan ko na silang dalawa. Sino ba talaga sila hays.


Kailangan ko na nga pala maligo tapos magmamake-up pa ako ng very very light lang naman kasi syempre para magmukhang tao naman ako sa graduation.


Napaka-simple lang ng make-up na ginawa ko and liptint lang ayos na. Then sinuot ko na yung pang-graduation ko na may uniform sa loob.


Bumaba na ako at nakita ko si Nanay na naka-bistida at si Tatay naman at si Mikael ay naka-polo. Wow talaga pinaghandaan nila.

"O, andyan na pala ang ating cum laude." sabi ni Tatay sabay ngiti. Napatingin rin naman si Nanay at si Mikael.

"Salamat sa Diyos at may isang anak na tayo na makakapagtapos. Ngayong araw balewala ang lahat ng pagod mo sa pamamasada." sabi ni Ina habang yapos-yapos si Ama.

"Oo nga, Nancy sana naman makahanap na kaagad ng trabaho ang anak mo para hindi na ako mamasada ng jeep." sabi ni Tatay Julio.

Nagpaparinig ba si Tatay? Balak ko sana i-enjoy ang 1 month break bago ako maghanap ng trabaho.

"Opo naman Tay." sabi ko.



Pumunta na kami sa labas at di muna namasada ngayon si Tatay dahil syempre palalagpasin pa ba niya ang graduation ng maganda niyang anak.


Andito na kami sa La Concordia College ang aking school, mami-miss ko talaga itong school na ito kahit pinarusahan ako nito sa tambak na mga test, assignments at thesis.

"Beshiee!" sigaw ni Lorna na paspasang tumakbo papalapit sa akin. Nakakatawa ang mukha niya di ko mawari kung excited o ano.

Siya si Lorna Gonzales ang aking bestfriend since elementary. Lagi ko siyang nagiging kaklase hanggang High School dahil sa sobrang close namin ayaw niya akong mapalayo sa kanya (parang mag-jowa lang hays) kaya hanggang college magkaklase pa rin kami, parehas kami nang kinuha na course.

"Ang ganda mo beshie hehe, paano ba yan ga-graduate na tayo." dagdag niya.

Ang ganda mo beshie? Sarcasm ba yun? 

"Well, natapos na rin ang kalbaryo natin sa pagiging College." sabi ko.

"True, By the way, Congrats sa bestfriend kong Cum Laude. Napaka-petmalu mo talaga!" puri ni Lorna.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon