Nagising na lang ako bigla nang makita ko si cheesecake na nasa ibabaw ko ngayon at dinidilaaan ang mukha ko.
"Cheesecake! Bakit baby? Bakit mo ginawang lollipop ang mukha ko." natawa na lang ako sa ginawa ni Cheesecake.
"Goodmorning Nanay, Tatay at Mikael!" bati ko sakanila na kumakain ngayon ng almusal nila.
"G-Goodmorning anak, ang ganda yata ng gising mo ah!" sabi ni Tatay.
Pumunta muna ako sa lababo para maghilamos. Ang lagkit ng mukha ko dahil sa laway ni Cheesecake.
Pagkatapos nun lumabas muna ako.
"Goodmorning WORLD!" sigaw ko sabay unat.
"Goodmorning My Princess!" nagulat ako nang makita ko si John na nasa gate. Ang aga niya yata.
"Ang aga mo ata." sabi ko napangisi naman siya. Tapos pinapasok ko na siya.
"Oh hijo, kumain ka na ba?" tanong ni Tatay.
"Ahh hindi pa po." sabi niya. Parehas pala kami.
All of a sudden biglang tumahol ng malakas si cheesecake. At galit na galit kay John.
"Bad Cheesecake!" sabi ko. Buti naman tumigil siya. Alam ko naman ang daddy niya ay si Daniel at ayaw niya kay John pero kailangan niyang tanggapin na wala na kami ng Daddy niya (echosera haha)
"Kain na kayo dito." sabi ni Nanay. Kaya umupo na kami ni John. Ewan ko kung kumakain siya ng tinapa at sinangag, ganun kasi almusal namin ngayon.
"Oh hijo bakit di ka pa kumakain?" tanong ni Nanay. Sabi na nga ba di siya kumakain ng tinapa at sinangag. Aish wala pa namang hotdog sa ref, nakakahiya tuloy.
"Ahh hindi po okay lang po, medyo busog pa naman po ako. Hihintayin ko na lang po si Rose." sabi ni John. Biglang natahimik kami at nakita ko si Mikael na nakangisi pa. Anong problema ng batang yun?
Pagkatapos ko kumain dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili ko at nagpaalam na kami ni John kay Nanay at Tatay. Habang palabas kami hinawakan ni John ang kamay ko at inalalayan niya ako sumakay sa kotse.
"Ahh Rose, do you want to have a dinner later?" tanong ni John.
"Sige!" excited kong tugon. Well, ito yung first formal date namin.
"Susunduin kita mamaya sa office ni Daniel ah." sabi niya.
"Di na ako sa loob ng office ni Daniel este ni Sir Daniel nag-stay nasa labas na ako, nagpalagay ako ng table dun." sabi ko. Napa-smile naman si John sa sinabi ko. Hindi naman sa umiiwas ako pero parang ganun na nga, kasi naman ang awkward kaya.
...
"I will see you later!" sabi ni John tapos hinalikan niya ako sa cheeks at nagulat kami nang dumaan si Daniel este Sir Daniel.
"Mang Tonyo! Yung mga gamit ko! Pakibilisan!" bulyaw niya kay Mang Tonyo walang nagawa si Mang Tonyo kundi tumango. Anong problema ng lalaking iyon? Bakit ganun yun?
Umupo na ako sa table na nakalagay sa tabi ng pintuan ni Sir Daniel dito na ang gusto ko, comfortable rin naman ako. Tapos biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Mang Tonyo na napakamot na lang sa ulo.
"Goodmorning Mang Tonyo!" bati ko. Tapos lumapit siya sakin at umupo sa may table ko.
"Hi Ma'am Rose!" sabi niya.
"Napagalitan ka na naman ni Sir Daniel?" tanong ko.
"Ahh opo eh simula po kasi nung nawala ka sa buhay niya. Ayun bumalik siya sa dati." tugon niya.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...