Kabanata 33

315 13 0
                                    

"Rose, isa lang ang ibig sabihin nito. Baka tayo sina Rosalinda at Diego."

Nagulat ako sa sinabi niya. Oo, sumagi sa isip ko yan pero napaka-imposible! Napaka-IMPOSIBLE

"Daniel, alam mo nagkataon lang siguro yun." sabi ko.

"Nagkataon? Nagkataon na pinagtagpo tayo? Nagkataon na parehas ang nangyayari sa atin na nakasaad sa Diary? Nagkataon na parehas tayong napapanaginipan? Nagkataon na parehas natin kilala si Rosalinda at Diego. Nagkataon ba talaga? Rose, di mo ba naiisip. Paano mo yun maiipaliwanag lahat?" bigla akong naguilty, ewan ko pero naguguluhan ako.

"Di ko alam, Daniel. Di ko alam. Naguguluhan na ako." sabi ko. Lumapit siya sakin.

"Sige hindi ko na dadagdagan pa yung iniisip mo. Matulog ka na muna. Bukas nga pala natin imi-meet yung client so ayun gigising tayo ng maaga bukas." sabi niya.

"Thank You, Daniel." sabi ko sabay higa sa kama. Sa kama ako matutulog at sa sofa naman matutulog si Daniel. Di ko alam kung sanay siya matulog dun alam ko masakit yun sa leeg pero di naman kami pwedeng magtabi ano, masyadong awkward at may boyfriend ako.

Oo nga pala, bakit walang paramdam yung lalaking iyon.

Tinext ko siya.

<To:John>

Hi My prince, how are you? Bakit di ka nagpaparamdam. Look, alam kong galit ka sa akin ngayon kasi nga sinuway ko yung gusto mong mangyari sa akin na wag ako sumama kay Daniel. Sorry na! Sorry na My Prince! I love you.

...

"Rose gising na." sabi ni Daniel habang tinatapik ako. Kinusot-kusot ko ang mata ko at nakita ko si Daniel na bihis na bihis na, nakaligo na siya at ready to go pero ako? Hindi pa. Tumingon ako sa wallclock at nagulat ako 9:30 na? Hala, dali-dali akong kumuha ng isusuot ko at pumasok sa CR para maligo. Nag-wisik wisik na lang ako dahil sa pagmamadali.

"Sorry I'm not a morning person." sabi ko sakanya na nakaupo sa sofa habang nakatitig sa akin ng seryoso. Naka-pants lang ako basta simple lang.

"Sa tingin ko nga." sabi niya sabay ngisi. Pumunta ako sa may pintuan at binuksan yun tapos sumunod na siya kaagad. Sa baba lang naman yung meeting sa may lounge pero kailangan rin namang maayos kami kasi client yun at bigatin pa.

Pagkababa namin nakita na namin sila. Napa-tsk tsk si Daniel. Gosh, galit ba siya sakin kasi late kami dahil SA AKIN?

"S-Sorry." sabi niya.

"Hindi okay lang." cold niyang sagot. Sabi ko nga galit siya. Kasi naman bakit di pa niya ako ginising ng mas maaga sa 9:30? Psh.

Agad napatayo yung dalawang lalaki na ka-meeting namin nang makita nila si Daniel.

"Goodmorning Mr. Stevenson and Mr. Bracken." bati ni Daniel. Tapos nagkamayan sila. Inilabas na ni Daniel ang business proposal niya at kinakabahan ako sa magiging sagot nung dalawa na chill na chill na nagkakape habang pinapakinggan ang sinasabi ni Daniel.

"What do you think? Mr. Stevenson and Mr. Bracken?" paga-alalang tanong ni Daniel. Tumingin siya sakin at nag-thumbs up naman ako halatang kinakabahan siya pero ang galing naman ng explanation niya as in nagawa niya ng maayos.

"Uhmmm YES! We are glad to have a partnership between your company and our company." napayapos sa akin bigla si Daniel at nagulat ako sa ginawa niya pero niyapos ko na rin siya. I'm so proud kasi nagawa niya.

"Thank You Sir for trusting us! Thank You. Thank You." sabi niya tapos kinamayan ulit niya yung dalawa.

"Anytime. So we can go now? Thank You Mr. Andrada." pagpapaalam nila. 

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon