Kabanata 41

416 8 0
                                    

~Not sure if you know this, but when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment I found the one and my life has found its missing piece

~So as long as I lived I love you will have and hold you, you look so beautiful in white
And for now till my very last breathe this day I'll cherish
You look so beautiful in white, tonight.

Simula palang nung una ko siyang nakita, sabi ko siya na talaga. Siya na ang nakalaan para sa akin. Hindi lang unang beses ko siya nakita kundi pati nung past life ko, sa katauhan nina Rosalinda at Diego. Di ko akalain na ipapagpatuloy namin ang naudlot na pagmamahalan nila.

Habang naglalakad ako kasama si Mommy at Daddy papunta sakanya di ko mapigilan na umiyak dahil sa wakas ikakasal na ako sa taong mahal ko.

Lahat ng nagmamahal kay Rose andito, mga kaibigan niya at pamilya lahat sila nakasuot ng puti. Andito rin ang pamilya ko.

Nung natanaw ko na si Rose di ko mapigilang maiyak sana masaya siya ngayon.

Nasa unahan na ako ngayon, andito na rin ang pari.

"Ngayon ay nagtipon-tipon tayo upang saksihan ang wagas na pagmamahalan nina Rose Garcia at ni Daniel Andrada." sabi nung pari.

Habang pinagpapatuloy ng pari ang pag-misa, tahimik ang buong paligid pero may maririnig ka na mga humihikbi.

Hanggang sa dumating na sa wedding vow.

"Rose, ikaw lang ang babaeng nakaparamdam sa akin ng ganito. Ikaw lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ikaw lang at wala ng iba. Masaya ako kasi sa wakas kasal na tayo. Madami tayong pinagdaanan, alam mo yan. Madami tayong pagsubok na hinarap pero masaya ako kasi nalagpasan natin yun at sa huli tayo pa rin. Salamat sa lahat, sa pagpapasaya sa akin, sa pag-aalaga at sa pagmamahal. Hindi kita kailanman malilimutan kasi nakatatak ka na sa puso't isipan ko. Rose, sabi mo walang iwanan. Sabi mo magkakasama pa tayo habangbuhay. Diba sabi mo gusto mo kasama mo ako hanggang sa pagtanda natin. Daya mo naman eh di mo tinutupad yung promise mo sa akin. I miss you na. Miss ko na yung tawa mo at mga ngiti mo. Miss ko na yung itsura mo kapag naiinis sa akin. Miss ko yung asarin ka. Miss ko na yung paglalaro natin kasama si cheesecake. Miss ko na yung pagpunta natin sa EK. Miss ko na ang lahat sayo. Love, please balik ka na. Hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko. Pero alam ko hirap na hirap ka na, kaya ni-let go na kita. Sana masaya ka na diyan, lagi mo akong subaybayan ah. I love you Mon Amour. I love you sobra." sabi ko habang kinakausap si Rose sa kabaong niya. Masakit isipin na wala na siya. Pero tutuparin ko pa rin ang gusto niya.

"Rose please, wag mo akong iwanan. Rose please. Rose!" sabi ko habang sinu-survive ng mga doctor si Rose. Di ako umalis sa tabi niya. Ayoko, hindi, hindi siya mawawala.

Lord please wag niyo namang hayaan na mawala si Rose.

"Time of death 9:31, sorry Mr. Andrada. She's gone."  tumigil ang buong paligid sa nalaman ko. Ano? Napahagulgol ako at sinuntok-suntok ang pader.

"Rose please, this is a very bad joke. Wag ka naman magbiro ng ganyan. Rose gumising ka na, gumising ka please. Madami pa tayong pangarap diba? Rose please wag mo naman akong iwan. Hindi ko kaya. Rose."

"Doc! Please save my fiancé!!" bulyaw ko sa Doctor na nakayuko.

"Sorry Mr. Andrada she's gone." bakit ka bumitaw Rose. Diba lumalaban ka naman, nakikita ko yun. Bakit Rose sabi mo di mo ako iiwan.

Andito ako sa labas kasama sina Tita iyak ng iyak sila kung masakit para sakin mas masakit sakanila ang pagkawala ni Rose.

"Alam mo Daniel may sinabi sakin si Rose." sabi ni Tita.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon