Kabanata 34

277 10 0
                                    

Daniel's POV

Tinawagan ko yung kaibigan ko na therapist ng Past Life Regression. Yah pumayag na si Rose na magpa-ganun kami para malaman namin kung bakit nagkahiwalay si Rosalinda at Diego noon.

Nagbe-breakfast kami ngayon at hinihintay ko na sagutin nung kaibigan kong therapist yung tawag ko. Buti naman nasagot na niya kanina ko pa pinapa-ring phone niya eh.

"Hello Grace?"

[Bakit ka napatawag, Daniel?]

"Magpapa-appointment sana ako para sa procedure ng Past Life Regression, kung available ka."

[Ahh okay. Why? Bakit ka magpapaganun? Weird.]

"Basta i-explain ko na lang sayo pagdating ko diyan. Teka, andito ka pa rin ba sa San Agustin?"

[Ha? Andito ka pa rin ba? So meaning andito ka rin sa San Agustin ngayon? Yes dito pa rin ako naka-destino.]

"Okay pupunta kami dyan. Saan ba banda yung inyo?"

[Sa bayan lang naman yung amin sabihin niyo sa Escolta St. and kilala family ko dun so hindi ka maliligaw.]

"Ahh sige thank you Grace. Kita na lang tayo mamaya"

[Sige Bye.]

Binaling ko ang tingin ko kay Rose na busy kumain ng pancake niya.

"Rose!" nagulat naman siya kaya muntikan na mag-slide yung pancake sa plato niya haha

"Bakit ka ba nangugulat hays muntikan tuloy lumipad yung pancake ko." napatawa ako sabay peace.

"Kasi nga na-contact ko na yung makakatulong sa atin." kitang-kita sa mukha niya na determinado talaga siya alamin ang nangyari sa past life namin.

"So ano? Tara na!" dali-dali kaming lumabas ng hotel. Almost 10:30 na ngayon, yes late kami nag-breakfast kasi yung kasama ko is Not A Morning Person.

Pumara na ako ng tricycle.

"Manong sa Escolta St. po"

"Saan po dun banda ser?" tanong ni Manong.

"Dun sa mga Velasquez po" buti kilala ang pamilya nina Grace dito sa lugar na ito kasi kamag-anak nila yung Mayor dito.

...

"Salamat po." pagkaalis nang tricycle nakita na namin ng kabuuan ang malaking bahay nina Grace. Paano ko nakilala si Grace? Kababata ko rin siya kasi kaibigan ng Mommy niya, Mommy ko kaya magkakilala na kami.

Hinawakan ko ang kamay ni Rose na halatang kinakabahan ngayon na may halong saya. Ito na, itong araw na ito na namin malalaman kung ano ang nangyari kay na Rosalinda at Diego.

"Oh Daniel!" bungad ni Grace at nag-beso kami. Agad naman siya tumingin kay Rose at nag-smile.

"Hmmm who's this lucky girl, Daniel?" tanong niya. Hinawakan ko sa likod si Rose, nahiya kasi siya bigla sa tinanong ni Grace.

"Grace, she's Rose." sabi ko. Tapos lumapit si Grace kay Rose at nag-beso rin sila.

Pumasok na kami sa loob at pinaupo niya kami sa salas.

"Where's Tita and Tito?" tanong ko. Mukha kasing sobrang tahimik ng bahay nila.

"Out of town." mabilis niyang sagot. Napatango na lang ako.

"So bakit gusto niyo mag-past life regression?" tanong niya.

"Wait. Bago namin yan sagutin. What's past life regression? Actually, ngayon ko lang siya narinig dahil kay Daniel." sabi ni Rose. Actually, kay Grace ko lang nalaman ito. Nung bata kami kinu-kwento na niya sa amin ang mga nalalaman niyang mga hiwaga katulad na lang nito. Mahilig kasi siyang magbasa since then.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon