Kabanata 12

434 14 0
                                    

Nagsimula akong basahin ang liham ni Diego. Tapos may bulaklak na tuyo na nakalagay dito sa loob siguro'y natuyo na iyon dahil ilang oras rin bago makarating sa akin ang sulat na nagmula pa sa San Agustin.

~Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo

~Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang 
Kahit na langit ka at lupa ako

~Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
Nagniningning

Mahal kong Rosalinda,

Mon Amour, kumusta ka na? Wag kang mag-alala di naman ako galit. Pinaliwanag na sa akin ni Marieta lahat. Nga pala ayos ka lang ba dyan? Nakakakain ka ba ng maayos? Sana hindi mawala sa mga labi mo ang mga ngiti na kung saan ako nahumaling. Masakit na malaman na itinuloy mo ang pagpapakasal niyo ni Jose. Hindi mo naman kailangang gawin yun, wala akong pakialam kung buhay ang kapalit ng tapat na pag-ibig ko sayo basta di ka lang mawala sa aking piling. Nais ko sanang makita ka sa araw ng pagbabalik mo ngunit nalaman ko na maghahanda ng salu-salo ang pamilya mo at kasama si Jose, alam kong ayaw mo ng kaguluhan kung kaya't pumunta ka na lamang sa Promesa Árbol. Sinabi ko na rin ang ating plano si iyong Kuya Carlos siya na ang bahala dun para makatakas ka kay Jose. Tapos may mahalaga akong sasabihin sayo na gagawin natin sa araw ng kasal ninyo na araw rin ng paglusob ng aming himagsikan. Sa ngayo'y naghahanda na kami dun upang may panahon pa ni mailigtas ang kaibigan ng aming Supremo na si Rizal.

Hanggang dito na lamang Mon Amour ko. Nanabik na ako na makita ka. Mag-ingat ka diyan at wag kang magpapakagutom.

Ito ang lagi mong tandaan mahal na mahal kita at wag mong kalilimutan yan. Kahit wala ako ngayon sa tabi mo sana'y maramdaman mo pa rin ang wagas kong pagmamahal sayo.

Lubos na nagmamahal,
Diego

Salamat Diego at natandaan mo ang aking desisyon para sa kaligtasan mo. At ipinapangako ko na ikaw lang rin ang aking iniibig hanggang sa huli nang aking buhay.

~Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan

~Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka...

Ngunit ano ang sinasabi niyang plano? Kinakabahan ako pero magtitiwala na lamang ako sakanya at sana maging mabuti ang kinalabasan nito.

"Awww nilalanggam ako dahil sa tamis ng pag-ibig na ibinibigay sayo ng iniirog mo." sabi ni Lourdes.

Oo nga pala andito siya. Hindi ko namalayan akala ko ay tulog na siya.

"Uhmmm L-Lourdes sana sa lahat ng narinig mo atin-atin na lang iyon." sabi ko.

Alam ko namang mapapagkatiwalaan si Lourdes.

"Alin yung lulusob ang~" hindi na natapos ni Lourdes ang sasabihin niya kasi tinakpan ko kaagad ang bibig niya.

"L-Lourdes?!" sabi ko.

"Ay patawad Rosalinda hehe." pabebe niyang sagot.

"Alam mo masaya ako na may mga tao na gustong makamit ang kapayapaan ng ating bayan. Sa bawat pag-aasam natin ng kapayapaan, maraming nagsisilbing daan upang ganap na magkaroon ito ng katotohanan." sabi ko.

Nakita ko namang napatulala sa akin si Lourdes at nakanganga pa.

"Hays matulog na nga tayo!" sabi ko. Kasi namalayan ko na tulog na ang lahat at tanging ang gasera na lang sa may gilid ko ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Hindi naman nagrereklamo ang mga tao dito kaya hindi ko namalayan na kami na lang pala ang gising ni Lourdes.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon