Rose's POV
Ugh ang sakit ng ulo ko. Teka, asan ako. Pagtaas ko ng kamay ko may dextrose na nakalagay sa akin. What the?! Bakit ako napunta dito? Bakit ako nasa hospital?
"Oh anak, gising ka na pala. Kumusta ka na?" tanong ni Nanay. Si Tatay nakita ko sa may pintuan kinakausap yung Doctor, si Mikael andito rin naglalaro sa cellphone niya.
"Ahh okay lang po. Bakit po ako andito Nay?" tanong ko. Umupo na si Nanay sa tabi ko.
"Inatake ka na naman sa puso. Sabi ng doctor pwede ka muna dito for 3 days para naman daw makapagpahinga ka at lumakas." sabi ni Nanay. No ayoko. I hate hospitals. Ayokong pumupunta ako sa hospital, ayoko talaga. Di ko alam kung bakit.
"Nay pwede na po ba umuwi bukas? Ayoko po ditong manatili for 3 days. At saka kaya ko na po." sabi ni Nanay.
"Sige na nga pero sa bahay ka lang muna! Wag kang lalabas at wag kang gagawa ng kahit anong bagay na dahilan ng pagkapagod mo." utos ni Nanay. Napatango naman ako.
"Nay sino nagdala sakin dito sa hospital at saka sino nagsabi sainyo na andito ako?" tanong ko.
"Si Daniel nagdala sayo dito tapos inutusan niya si Lorna na sumama samin dito, umalis na si Lorna may kailangan pa daw siyang tapusin sa office niyo eh pero si Daniel babalik daw siya mamaya, bibili lang daw siya ng pagkain." sabi ni Nanay. Niligtas na naman ako ni Daniel. Andami ko nang utang na loob sakanya. All this time, siya pala yung nasa tabi ko palagi. Agad ako nagpadala dati at di ko pinakinggang explanation niya.
"Oh anak, andyan na pala si Daniel." sabi ni Nanay. Nakita ko si Daniel na abot langit ang ngiti sa akin. Napangiti rin naman ako sakanya.
"Rose, gising ka na!" sabi niya. Napa-thumbs up naman ako sakanya.
"Siguro kailangan muna namin kayong iwanan para makapag-usap." sabi ni Nanay. Tapos hinila niya palabas si Tatay at Mikael na nakabusangot pa ang mukha. Iba rin talaga naman ang trip ni Nanay HAHAHA
Napaupo sa tabi ko si Daniel.
"Daniel thank youuuuu" sabi ko. Natawa naman siya sa ginawa ko.
"Welcomeeeee HAHA oh eto mga mangga!" sabi niya sabay lagay ng isang basket ng mangga sa may malapit sa kama ko.
"Salamat. Salamat sa lahat at sorry rin sa pag-aabala." tugon ko. Biglang sumeryoso naman ang mukha niya.
"Binibini, ito ang lagi mong tandaan. Kailanman hindi ka naging abala sa akin, dahil simula noong minahal kita, inalay ko na rin sayo ang buong oras ko. At saka huwag kang mag-alala, malalampasan rin natin yang sakit mo. Ipinapangako ko na aalagaan kita habambuhay at hindi ko hahayaan na ika'y masaktan dahil mahal kita." sabi niya. Teka, pamilyar.
"Pamilyar yung line mo, well hindi ko na kailangan magtaka pa. Alam ko naman na sinabi yun ni Diego my loves." nagulantang siya sa sinabi ko.
"D-Diego my loves?!" tanong niya ulit.
~Can you be my fairytale, can you make this ship set sail
My mind is left in wonder as I fix you in my gaze
Can you make my heartbeat fast, everytime I think it dies
My mind is left in wonder as I fix you in my eyes~And I...I need a savior now
And I...I need to love you now.
Be my fairytale make this ship set sail
Your the real love I've been hoping for
Be my fairytale I know this love won't fail
I need a knight and shining armor to say
"Hey Hey.....Be my fairytale!""Oo Diego my loves. Hoy di ikaw yun wag kang assuming!" sabi ko sabay halakhak.
"Excuse me, ako yun. Remember reincarnated tayong dalawa!" sabi niya. Natawa naman ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Narrativa Storica[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...