Kabanata 6

497 16 0
                                    

Pagkamulat ng aking mga mata andito ako sa isang maliit na silid at namalayan ko na kausap ngayon ni ama si Doktor Fernandez, ang kilalang doktor sa San Agustin.

"Antonio, gising na ang anak mo!" tawag ni inay kay ama.

Napatakbo naman kaagad si ama papalapit sa akin.

"Anak, kumusta ang kalagayan mo? Nag-alala kami sayo!" sabi ni ama.

Paano ako nakapunta dito? Bakit wala akong maalala?

"A-ano pong nangyari? Bakit andito po ako?" tanong ko.

"Anak hindi mo ba naalala, muntikan ka ng mahalay." tugon ni ina.

Ano muntikan na akong m-mahalay?

Biglang sumakit ang ulo ko. At may naalala ako bigla.

"Totoo ba? Diego totoo ba?"  tanong ko kay Diego.

"Oo binibini ngunit....." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Diego at tumakbo ako bigla habang humahagulgol pa rin ako.

Patungo na ako sa kalesa nang may humablot sa aking lalaki na di ko makilala kung sino at dinala ako sa damuhan at humihingi ako ng tulong, sumisigaw at iyak-iyak na ako nang may lalaki na may dalang pamukpok ang pumalo sa lalaking muntikan nang pagtangkaan ang aking buhay at ang lalaking iyon ay si.....Diego!

Si Diego ang nagligtas ng aking buhay?

"Nakita ka ni Diego at iniligtas ka tapos ipinagbigay-alam sa akin ni Marieta na muntikan ka ng mahalay at sa nawalan ka daw ng malay kaya't nagpasama ako sa mga guardia civil na magtungo sa palayan at agad ko namang ipinahanap ang lalaking muntikan nang magtangka sa buhay mo! Tapos inutusan ko na dalhin ka ni Diego sa pagamutan dahil tutulong ako sa paghahanap sa lalaking muntikan nang manghalay sayo at di naman kami nabigo dahil nakita namin siya at ngayo'y nasa dapitan na at maya-maya lamang ay hahatulan na siya ng kamatayan!" sabi ni ama.

Si Diego rin ang nagdala sa akin sa pagamutan.

"Masaya ako kasi ligtas ka anak! Hindi namin mapapatawad ang aming sarili kapag may nangyaring masama sayo!" sabi ni ina.

Nakita ko namang may namumuong luha sa kanilang mga mata.

Labis akong nagpapasalamat sa Panginoon dahil ako'y nailigtas niya sa kapahamakan.

"Huwag na po kayong mag-alala at kalimutan na po natin ang mga nangyari!" sabi ko.

Dahil dun napangiti sila.

"Oo nga pala, sabi ni Doktor Fernandez maari na tayong umuwi dahil nasa maayos na kalagayan ka na." sabi ni ama sa akin.

At napatayo naman ako sa aking hinihigaan at niyaya na sila.

Napatawa naman sila sa inasal ko.

Nasa labas na kami at sumakay na sa kalesa, at may nakita kong hindi ko inaasahan na makita. Kahit nakatago siya sa puno.....alam kong si Diego yun.

Pero kahit siya pa ang nagligtas at nagdala sa akin sa pagamutan, hindi ko pa rin siya napapatawad dahil sa ginawa niya sa akin.

Sinaktan niya ako, hindi ko akalain na magagawa niya sa akin yun.

Ginamit lang niya ako, hindi totoo ang pagmamahal niya na ipinaramdam sa akin.

Nakatingin siya sa akin at bumalik ang alaala ko na nangyari noong gabi kung saan nalaman ko na niloko niya ako kaya't iniwas ko ang tingin ko sakanya at umandar na ang kalesa, paglingon ko muli dun sa puno kung saan nagtatago si Diego ay wala na siya.

Wala na nga talaga siyang pakialam sa akin. Bakit ka pa ba umaasa Rosalinda?

Pagkadating namin ng bahay nakita ko si Ginoong Jose na nakaupo sa may pintuan.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon