"Kasi ipapakilala na kita kay na Mommy at Daddy" sabi niya.
Yan lang ang tanging naiisip ko habang naglalakbay kami papuntang NAIA.
Di ako prepared, biglaan kasi. Bakit di sinabi ni Daniel dapat nagpaayos ako diba eh mukhang hindi ako presentable ngayon tapos ihaharap niya ako sa parents niya.
Isa pang kinatatakutan ko, paano kung hindi nila ako gusto para sa anak nila. Diba ganun yung sa mga palabas yung ipapakilala ka sa magulang tapos ayaw ng magulang kaya pilit kayong paghihiwalayin. Gosh ayokong mangyari yun sakin.
Nag-drive thru muna kami sa isang fast food chain kasi malayo-layo pa yung airport. Umorder lang si Daniel ng dalawang large fries at hamburger. Tinanong niya ako kung gusto ko daw mag-rice eh ayaw ko kaya yun na lang inorder niya.
"Are you nervous?" napansin siguro niya na nawawala ako sa sarili ko.
"I-I think so?" sagot ko. Tapos hinawakan niya yung kamay ko at tiningnan ako ng seryoso.
"Wag kang kabahan I'm sure they will like you." sabi niya.
"Pero paano kung hindi?" tanong ko ulit. Napakunot naman ang noo niya.
"Edi ipapa-realize ko sakanila kung ano ang nakita ko sayo. Kung bakit kita nagustuhan. Ganun kita kamahal. Kaya wag mong isipin yun." kahit papaano lumakas ang loob ko sa sinabi ni Daniel.
Umidlip muna ako ng sandali at nang gisingin ako ni Daniel nasa airport na kami. Bumaba na siya at inalalayan niya ako bumaba. Bago kami pumasok ay inayos ko muna yung gulo kong buhok tapos naglagay rin ako ng liptint para presentable ako kahit papaano.
Habang naglalagay ako ng liptint natawa si Daniel.
"Maganda ka na naman eh. You don't need na that." sabi niya. Sandali akong napatigil at ayun namula na naman ang pisngi ko.
~Bakit ganito ang nadarama?
Makita lang kita ng isang saglit.
Ang araw ko ay buong-buo
Sa gabi ikaw ang panaginip...~Dahil sa iyo puso ko'y sumasaya
Isip di mapakali
Ngiti ay laging nasa labi...~Nakakakaba, nakakaaliw, nakakakilig, nakakabaliw
Napapakanta, napapaisip, napapangiti, nakakabaliw
Oh Oh Pag-ibig...Pero syempre ginawa ko pa rin, light lang naman ang liptint kaya parang natural lang siya.
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng airport.
"Mommy, Daddy! Here!" tawag ni Daniel sabay kaway sa parents niya. Kamukhang-kamukha niya Mommy niya parang girl version niya tapos yung Daddy niya gwapo rin talagang may napagmanahan itong si Daniel.
Agad lumapit sa amin parents niya. Nakita kong tumingin ang Mommy niya sakin, maputla siya. Oo nga pala, may sakit ang Mommy niya kaya pinapagamot ito sa US kasama Daddy niya.
"Anak I miss you." sabi nung Mommy niya sabay yakap sakanya.
"Oh how's the company?" agad tanong nung Daddy niya.
"Fine Dad. Maganda naman ang ratings ng company ngayon." proud na sabi ni Daniel.
"Who's the girl beside you anak?" malambing na tanong ng Mommy niya. Tapos inalalayan ako ni Daniel papunta sa unahan at ngayon nga ay nasa unahan na ako nila, di ko maiwasang mangatal. Ito na yun, ito na yung kinakatakutan ko.
"Mommy, Dad. She's Rose. My girlfriend." pakilala ni Daniel. Di ko alam magiging reaction nila pero kinakabahan ako. Bigla naman akong niyapos nung Mommy ni Daniel. Nagulat ako bigla sa ginawa niya. Nakahinga na rin ako ng maluwag kasi, gusto ako ng Mommy niya.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...