"Gagawin ko ang lahat. Wag mo lamang sasaktan si Diego!" pakiusap ko.
"Sige ito ang ating kasunduan, kailangan mong lumayo kay Diego! Bawal mo siyang kausapin! At para makasigurado ako na hindi mo siya makakausap ay araw-araw akong nasa tabi mo. Sana'y masanay ka na kasi malapit na ang araw nang pag-iisang dibdib natin. At sa oras na ika'y sumuway alam mo na ang kahihinatnan ni Diego" sabi niya.
"Sige papayag ako basta wag mo siyang sasaktan!" sabi ko.
"Maasahan mo binibini!" sabi ni Jose sabay kindat.
Tapos sumakay na kami sa kalesa at bumalik na kami sa bahay.
Diego, patawad para lang ito sa kapakanan mo dahil ayaw kitang masaktan. Ayos lang na maipit ako kay Jose basta wag ka lang niya sasaktan.
Papasok na sana ako sa loob kaso nakasalubong ko si Marieta.
"Saan ka pupunta, Marieta?" tanong ko.
"Ahh ako'y pupunta sa pamilihan binibini, ipinag-utos nang iyong ina na ako'y mamili na ng mga rekados na gagamitin bukas sa inyong kasal." paliwanag ni Marieta.
Ito na ang oras na makakatakas ako kay Jose. Kasi balak niya talagang sumunod sa akin kahit saan ako pumunta para lang makisiguro na sumusunod ako sa aming kasunduan.
"Maari ba akong sumama?" tanong ko. Tapos siniko ko si Marieta dahil nagtataka siya ngayon sa akin kasi alam niya na ayaw kong mamili dahil nakakapagod maglibot sa pamilihan pero ngayon gustong-gusto ko na.
Magsasalita na sana siya kaso siniko ko ulit at ngayo'y alam na niya ang gusto kong ipahiwatig.
"Sige binibining Rosalinda." sabi niya.
"Ngunit paano si Ginoong Jose?" dagdag niya.
"Siguro ay hindi siya sanay pumunta sa pamilihan. Kaya Jose maaari ka nang umalis kaya na namin ito." sabi ko.
Ngunit napailing siya at tumingin sa akin.
"Ako'y sasama." sabi niya.
Ngunit paano na? Akala ko makakatakas na ako. Hays naman -,-
"P-Pero~" hindi na ako nakapagtapos magsalita dahil hinila na niya ako papunta sa kalesa at sumunod naman si Marieta.
Nakarating na kami sa pamilihan, madaming tao sa paligid halos maipit na nga kami sa dami. Sa bawat paglakad namin ay binabati kami ng mga tao at nginingitian ko na lamang sila.
"Binibini tara na sa may bilihan ng luya." sabi ni Marieta.
Sumunod naman ako kay Marieta at ganun rin si Jose na parang aso na bumubuntot-buntot sa akin -,-
Pagdating namin doon nakita ko si....Diego na may pasan na isang sakong bigas. Bakit siya andito? Ano gagawin ko? Hindi ko kayang hindi siya kausapin. Ngunit kapag kinausap ko siya, baka masaktan siya.
"Subukan mong kausapin ang lalaking iyan, alam mo na ang kahihinatnan niya!" bulong sa akin ni Jose dahil napansin niya rin kung sino ang nakita ko.
Pumunta na kami sa tindahan ng mga luya. Hindi ako tumitingin sa may likod ko dahil andun siya, hindi pa rin niya ako napapansinat sana huwag na kasi hindi ko kaya kasi abala siya sa pagbabagsak ng mga sako ng mga bigas na nagmula sa aming palayan.
"Binibining Rosalinda mga ilang kilo kaya ang luya na kakailanganin?" tanong ni Marieta. Napalakas ang boses niya at nanlaki ang mga mata ko. Pag lingon ko nakatingin na sa akin si Diego na nakatingin na pala sa akin.
Rosalinda pigilin mo. Nakatingin naman sa akin si Jose upang malaman kung ano ang gagawin ko.
"R-Rosalinda? Anong ginaga~" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Diego at hinila ko na si Marieta at sumunod na ulit si Jose.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Fiksi Sejarah[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...