Kabanata 27

301 9 2
                                    

 Papunta kami ngayon sa simbahan.

"Tita sa akin na po kayo sumabay." sabi ni John. Pero as usual di nagpatalo yung isa. "Sa akin na lang po, Tita." sabi naman ni Daniel.

Aish magta-tricycle na lang kami. Pumara na ako ng tricycle at dun kami sumakay nina Nanay. Naiwan tuloy yung dalawa dun bwahahaha

Di naman masyadong malayo yung simbahan kaya nakarating na kami agad. Pumasok na kami at hindi pa nagsisimula ang misa, tumingin ako sa likod at tama ako dumating na naman yung dalawa. Hinahanap nila ako ngayon, bahala kayo diyan.

"Uy Rose!"
"Andyan ka lang pala!"

Ngumiti na lang ako sakanila tapos di pa natapos ang kakulitan ng dalawang ito, nag-aagawan pa rin sila kung sino ang makakatabi ko kaya ang ginawa ko pumagitna na lang ako para sila parehas katabi ko. Parang walang gulo.

"Rose balang araw dito kita papakasalan." sabi ni Daniel sabay kindat. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Kasal agad?!

"Alam mo Rose, di yun matutupad kasi sa akin ka magpapakasal at magbe-beach wedding tayo para romantic." isa pa itong si John. Bakit kasal agad iniisip ninyo?!

Sasakit ang ulo ko sa dalawang ito.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito Santo. Humayo kayo't ipalaganap ang salita ng Diyos."

Tapos na ang misa at buti ay di magulo ang dalawang mokong.

"Rose mauna na kami ni Mikael mukhang kailangan niyong tatlo nang privacy. Rose behave ka okay?!" sabi ni Nanay.

"Nay iiwan niyo po ako sa dalawa~~" di na natapos ang sasabihin ko kasi biglang sumabat yung dalawa.

"Kami na po bahala kay Rose."
"Uuwi po siya ng safe, Tita."

"Sige mauna na kami." what? Sarili kong Nanay iniwan ako sa dalawang ito? +_+

"So Rose tara sa malapit na resto dito, balita ko masarap daw mga foods dun." aya ni John. Well dahil gutom na ako Game!

"Rose wag, tara na lang mag-EK! Maaga pa naman pero baka pag umuwi na tayo madilim na pero I will make sure na safe ka!" aya naman ni Daniel. Woah EK? Omg gustong-gusto ko dun pumunta.

Gusto ko kumain. Gusto ko rin mag-EK. So kanino ako sasama? Kay John o kay Daniel?

"So gabi na kayo uuwi? Paano kung mag-alala sina Tita? At baka may mangyari kay Rose dun. Rose dito na lang tayo sa malapit na Resto." sabi ni John.

"Ako ang bahala mag-explain kay na Tita at saka bakit ko naman hahayaan na masaktan ang taong mahal ko." seryosong sagot ni Daniel. Waah kinikilig ako dun sa pagtawag niya sakin na mahal ^•^

"Pero mas~" di na natuloy ang sasabihin ni John dahil biglang tumunog yung phone niya.

Pag balik niya para siyang sinakluban ng langit at lupa. Ano kayang problema?

"O bakit ganyan mukha mo John?" tanong ko. Napatingin muna siya kay Daniel bago ako sagutin.

"Tinawagan ako ni Dad and may inutos siya. Kailangan ko na daw gawin yun ASAP." matamlay niyang sagot. Napa-smirk naman si Daniel.

"Yes!" asar ni Daniel kay John. Aish loko-loko talaga.

"Swerte ka lang ngayon Daniel, pero promise Rose babawi ako sayo. Sorry." sabi niya. Hinawakan ko naman siya sa kamay.

"Okay lang. Next time na lang tayo kumain. Sige punta ka na sa Dad mo, kailangan ka na niya." sabi ko.

"Tara na Rose, Let's Go!" excited na tugon ni Daniel.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon