Kabanata 11

433 12 0
                                    

"Paalam Diego!" sabi ni Jose.

Bubunot na sana si Kuya Carlos ng baril ngunit sumigaw ako para maunahan niya si Jose.

"Waaagggg! J-Jose sandali lamang!" sigaw ko.

Nakinig muna siya at buti hindi pa niya ipinuputok.

"Papayag na ako. Papayag na akong magpakasal sa'yo!" sabi ko.

  ~Nakikiusap ako sayo, nagmamakaawa
Kunin mo nang lahat sa akin
Wag lang sya

~Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Alam kong kaya mong paibigin sya
Sakin maagaw mo sya
Pakiusap ko sayo magmahal ka na lang ng iba
Kunin mo na ang lahat sa akin
Wag lang ang aking mahal
Ikamamatay ng puso ko
Pag sa aki'y inagaw mo sya  

Napatingin naman sa akin ang aking pamilya. Gulat na gulat sila sa sinabi ko.

Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Yun kasi ang natatanging paraan upang mailigtas ko ang buhay ni Diego at wala ng iba pang madamay.

"R-Rosalinda hindi mo kailangan gawin ito. Hayaan mo na lang ako mamatay!" panlulumong sabi ni Diego.

"Patawad Diego ngunit ito ang nararapat kong gawin." sabi ko.

"Bueno ngayon ay pumunta kayo sa aming bahay para mapag-usapan ang kasal namin ni Rosalinda." utos niya kay ama.

Tapos inalalayan ko si Diego at pinigilan ako ni Jose.

"Simula ngayon hindi ka na pwedeng lumapit sa lalaking iyan." sabi ni Jose.

Tiningnan naman ni Diego si Jose ng masama kaya inalalayan na lang ni Kuya Carlos si Diego.

Binulungan ko naman si Diego na gagawa ako ng paraan upang makapag-usap kami. Tapos isinakay na ni Kuya Carlos si Diego pabalik ng Palayan.

Habang lumalayo siya nakatingin siya sa may bintana at tinitingnan ako, ngumiti naman ako para sabihin na ayos lamang ako.

Inalalayan ako ni Jose at nauuna kami nasa likudan naman namin sina Ama at Ina. Ngayon lang ako nakapasok sa bahay ng pamilya Venteres at totoo nga ang sabi ni Ama delikado ang pamilya Venteres dahil kitang-kita sa kanilang bahay ang mga malalaking baril na nakasabit sa mga pader.

Sinalubong naman kami nina Gobernador Vicente at ni Donya Theodora.

"O bakit andito ang pamilya Rivera? Akala ko ba pinutol na natin ang samahan ng aming pamilya at ng pamilya niyo?" tanong ni Gobernador Vicente na parang nang-aasar pa.

"Ama pumayag na si Binibining Rosalinda na magpakasal kami." masayang tugon ni Jose. At kami nina ama ay walang reaksyon ang mukha.

"Aba kaybilis naman ng panahon, tila pinutol niyo na kamakailan lang ang ating ugnayan pero ngayon parang mga basang sisiw kayo na nagmamakaawa sa amin na kayo'y kupkupin naman."  pang-aasar ni Donya Theodora.

Gusto sanang lumaban ni Ina hindi ko naman siya masisisi kasi sumusobra na si Donya Theodora.

"Ina....Kalimutan na natin ang lahat at tayo'y magplano na ng aming kasal." sabi ni Jose.

Dumiretso naman kami sa salas nila at nagsimula mag-usap.

"Nais ko sanang ikasal si Jose at Rosalinda sa lalong madaling panahon. At ang kasalan ay magaganap sa ika-29 ng Agosto." sabi ni Gobernador Vicente.

"At ako na ang bahala sa disenyo ng vestido de boda (wedding gown) na susuotin ni Rosalinda." dagdag ni Donya Theodora.

Masyado akong nabibilisan. Sandali lamang ika-29 ng Agosto? Parang may naalala ako.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon