Kabanata 3

762 14 0
                                    

"Binibini maghanda na kayo sabi ni Donya Rosario!" gising sa akin ni Marieta.

Di ko siya nakita kagabi ah at saka parang hindi niya ako pinapansin aalis na sana siya kaso pinigilan ko.

"May problema ba binibini?" tanong niya.

"Galit ka ba sa akin, Marieta? Kasi pansin ko di mo ako pinapansin nitong mga nakaraang araw. May nagawa ba akong masama?" sabi ko.

Nilakasan ko na lang talaga ang loob ko kasi di ako sanay na di ako kinakausap ni Marieta.

"Wala naman, binibini!" sabi niya tapos sabay ngiti ng pilit.

Nararamdaman ko talaga na may problema pero di na ako nakapagsalita pa dahil dali-dali siyang lumabas ng silid ko.

Bakit kaya ako iniiwasan ni Marieta?

Ayy oo nga pala bago ang lahat kailangan kong abisuhan si Diego na pumunta siya mamaya sa selebrasyon!

Dali-dali akong lumabas at tumakas kay ina na abala na sa pagluluto. Mamaya na lamang ako tutulong.

Sumakay na ako sa kalesa at nagtungo sa palayan.
.
.
.
Nakarating na kami sa Palayan ala Rivera. Umaga palang abala na ang lahat ng tao dito. Hindi ko nakikita si Diego.

Buti na lang nakita ko si Aling Amanda.

"Aling Amanda! Magandang umaga po!" bati ko.

"O, magandang umaga din Binibining Rosalinda! Bakit ka naririto? Ikaw lamang mag-isa?" tanong niya.

"Opo. Nay Amanda este Aling Amanda!" sabi ko.

"Hindi mas maayos ang Nay Amanda. Kapag aling kasi nakakatanda!" sabi niya. Tapos napatawa naman ako.

"Uhmmm. Hinahanap ko po kasi si~~~~" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sabi niya nasa Promesa Arbol daw si Diego.

Alam na alam ni Nay Amanda ah. Nadulas lang talaga ako sa pagsabi ng Nay huhu pero mas bagay nga naman.

Naglalakad ako ngayon papuntang Promesa Arbol at nakita kong nagsisibak ng kahoy si Diego doon.

"Diego!" sabi ko. Nakita ko naman ang mukha niya na nagulat.

"Binibini? Anong ginagawa mo rito? Napakaaga pa ah? Sinong kasama mo?" tanong niya.

Andaming tanong ah!

"Ako lang mag-isa! At gusto lang sana kitang imbitahin mamaya sa selebrasyon sa aming tahanan!" sabi ko.

Natawa naman siya.

"Binibini, ang selebrasyon na iyon ay para sa mga principalia lamang! Hindi ako nababagay roon at baka paalisin lang ako ng mga guardia civil sa inyong tahanan!" sabi niya.

Ganoon ba tingin niya!?

"Ngunit kaibigan kita di ka nila paalisin! At saka ako ang nag-imbeta sayo kaya may karapatan kang pumunta!" paliwanag ko.

"Sige na nga! Para sayo! Anong oras ba?" tanong niya.

"Salamat naman at napapayag kita! Mamayang alas-siyete ng gabi!" sabi ko.

Oo nga pala kung mamayang alas-siyete pa yun ng gabi. Pwede pa akong makipag-kwentuhan kay Diego! Bakit kasi ang aga ng preparasyon nina ina -,-

"Ahh sigeee!" sabi niya.

Nakatingin siya sa akin ngayon. Siguro nagtataka siya kung bakit andito pa rin ako ngayon.

"Gusto ko lang makipag-usap, ginoo!" sabi ko.

"Bakit tila sabik na sabik kang makipag-usap ka sa akin? May gusto ka sa akin ano!" sabi niya.

Ano? May gusto? Nahahalata na ba niya? Nakakahiya! Lupa lamunin mo na ako ngayon!

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon