Andito ako sa loob ng aking silid at andito ang buong pamilya ko dahil kinakamusta ang aking kalagayan. Tapos may biglang kumatok sa pintuan at pagbukas.
si Diego.
Tapos may bitbit siyang isang basket na manggang hinog.
Anong ginagawa niya rito? Paano na, nais ko sanang itago ang sakit ko dahil ayaw kong malaman niya.
"Siguro iiwanan namin kayo para makapag-usap kayo." sabi ni ina.
Tapos lumabas na sila at si ama ay nakatayo pa rin malapit sa akin.
"Antonio!" sigaw ni ina. Tapos tiningnan ni ina si ama ng masama.
Napatawa naman kami sa ginawa ni Ama.
"Sige na nga, ikaw Diego alagaan mo ang anak ko kundi makakatikim ka ulit." pagbabanta ni ama.
Nanlaki naman ang mata ni Diego at natatawa ako sa expresyon ng mukha niya ngayon.
"Antonio..." tawag ulit ni ina.
Kaya napilitan ng umalis ni Ama tapos pagsara ng pintuan lumapit sa akin si Diego.
Kinakabahan ako na may kasamang tuwa kasi nakita ko na naman siya na maayos ang kanyang lagay pero ako nakita niya na maputla.
"R-Rosalinda kumusta ka na? Ito nga pala mangga" tanong ni Diego.
"Naku ayos lang ako wag kang mag-alala at salamat sa mangga." sagot ko.
"Binibini bakit hindi mo sakin sinabi alam mo ba nung nalaman ko yun, nalungkot ako kasi ayaw kong makita kang may sakit kasi pag nahihirapan ka at nasasaktan, nahihirapan rin ako kasi mahal kita at ayaw kong makita kang mahina." sabi niya.
"Diego kaya ayaw kong malaman mo kasi nga ayaw kong nag-aalala ka kaya sinekreto ko na lang at saka para hindi ka na mag-abala pa na alagaan ako." sabi ko.
"Binibini, ito ang lagi mong tandaan. Kailanman hindi ka naging abala sa akin, dahil simula noong minahal kita, inalay ko na rin sayo ang buong oras ko. At saka huwag kang mag-alala, malalampasan rin natin yang sakit mo. Ipinapangako ko na aalagaan kita habambuhay at hindi ko hahayaan na ika'y masaktan dahil mahal kita." sabi niya.
Ipinapangako ko na aalagaan kita habambuhay at hindi ko hahayaan na ika'y masaktan dahil mahal kita.
~Kay tagal-tagal na ring ako'y nag-hahanap nag-hihintay umaasa pag-ibig ay pinangarap
Kung saan-saan na rin ako nakarating di-parin natutupad ang aking hinihiling~Ikaw na nga yata aking hinihintay sa'yo na nga yata dapat kong ibigay ang aking pag- ibig at pagmamahal
Ikaw na nga yata aking pag-nagtagal sa'yo na nga yata dapat kong ibigay ang aking pag-ibig at pag-mamahal*dug-dug* ito na naman ang puso ko patuloy ang lakas ng pagtibok. Nababaliw na ang puso ko kay Diego kaya siguro ako nagkakasakit sa puso dahil hindi na kaya ng puso ko ang nararamdaman kong pagmamahal kay Diego.
Dahil sa sinabi niya nabuhayan ako ng loob at napangiti ng todo. Ang swerte ko kasi may pamilya akong nagmamahal sa akin at syempre may Diego ako na handang alagaan ako at mahalin habambuhay.
"Maraming Salamat, Diego. Napakaswerte ko talaga sayo." sabi ko.
"Walang anuman, mon amour (my love)" sabi niya na may ngiti sa kanyang labi.
Mon Amour? Ano ibig sabihin nun.
"Ah binibini siguro nagtataka ka kung ano ang ibig sabihin nun. Yun ay isang salitang pranses na ang ibig sabihin ay 'aking mahal'. Ikaw lang ang aking Mon Amour at nais ko yun ang tawagan natin." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Fiksi Sejarah[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...