Kabanata 4

564 16 1
                                    

Di ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi sa kakaisip kay Diego.

Oo nga pala sabi niya may sasabihin siya sakin ngayon at kailangan kong pumunta sa Promesa Arbol.

Dali-dali akong bumaba at nakita ko sina ina at ama na nagkakape.

"Rosalinda!" tawag ni ama.

"Magandang umaga po ina at ama!" bati ko.

"Saan ako tutungo?" tanong ni ama.

"Uhmmm sa Palayan po sana!" sabi ko.

"Tila napapadalas ka yata sa palayan!" sabi ni ama.

"Hayaan mo na Antonio! Alam mo ba madami yang natututunan sa mga tao dun! Lahat ng hindi niya naranasan noong bata siya naranasan niya!" paliwanag ni ina.

Salamat ina buti nakikita ni ina yung magandang hangarin ko kaya ako'y pumupunta sa Palayan.

"Sige ngunit hindi muna ngayong araw!" sabi ni ama.

Ngunit bakit?

"May bisita tayo ngayon, dito manananghalian ang pamilya Venteres!" paliwanag ni ama.

Bakit ngayon pa? Yung totoo parang napapadalas na sila dito mananghalian wala ba silang tagasilbi upang malutuan sila -,-

"At ikaw Rosalinda, maghanda ka na!" utos ni ama.

"Itutuloy mo pa rin?" tanong ni ina.

"Anong itutuloy?" pagtataka ko.

"Malalaman mo rin mamaya Rosalinda kung bakit. Pero sa ngayon maghanda ka na! Dahil mamayang alas-dose ay darating na sila at handa na ang mga iluluto mo! Gusto kasi ni Jose na ikaw ang magluto kaya't pagbigyan mo na!" sabi ni ama.

Si Jose talaga pinapahirapan pa ako! Hmp. kung hindi lang kakain sina ama at ina pati na rin sina gobernador at ang kanyang ina lalagyan ko ng maraming pampaalat ang pagkain! -,-

"Ah ina nasaan po pala si Kuya Carlos?" tanong ko.

"Maaga siyang umalis dahil may inaayos siya sa Pinamalayan dahil may kaguluhan daw dun na nangyayari dahil may nakita silang mga rebelde at may nahuli ngang isa at tinatanong kung sino ang pinuno nila at kung ano ang pangalan ng himagsikan nila!" sabi ni ina.

Pero sa tingin ko ang mga rebelde di naman sila masasama dahil may hangarin lang sila na makakabuti para sa lahat.

Umakyat na ako at nakita kong inaayos ni Marieta ang aking hinigaan.

"Binibini nariyan ka po pala!" sabi niya.

"Uhmmm Marieta!" tawag ko.

"Binibini handa na po ang isusuot niyo!" sabi niya. 

"Marieta! Galit ka ba sa akin?" tanong ka ngunit hindi niya ako kinikibo.

"Marieta kausapin mo ako!" sabi ko.

"Binibini may namamagitan ba sa inyo ni Diego?" seryosong tanong niya. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya at may galit na nararamdaman.

"Wala paano mo naman nasabi?" tanong ko.

"Kasi pinadalhan ka ng sulat niya tapos ipinaabot sa akin habang nakikita ko na may ngiti sa kanyang mga labi! At noong minsan akong pumunta sa Palayan ala Rivera nakita ko siyang kumukuha ng mga mangga at nilalagay sa sako at nung tinanong ko kung para kanino yun para daw sayo! Simula noon nakaramdam na ako ng paninibugho! Mas lalo pang tumindi noong nakita ko kayong nagsasayaw! Sobrang sakit binibini! Alam mo ba matagal na akong may gusto sakanya! Simula bata pa ako, gusto ko na siya at ngayon sa tingin ko may gusto na siya sayo kasi kahit kailan hindi ganun ang turing sa akin ni Diego!" paliwanag ni Marieta.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon