Nagising ako ng maaga, pupunta ako sa Flower Shop, tiningnan ko si Nanay sa kwarto nila at wala na siya dun. Nauna na pala siya. Dali-dali akong nag-ayos ng sarili at naglakad papuntang flower shop.
Di naman masyadong malayo yung flower shop kaya nilakad ko na lang mga dalawang kanto ang dadaanan bago yung flower shop namin.
Rose's Flower Shop
Matagal-tagal na ring business ito ni Nanay, simula bata ako business na niya ito kaya madami kaming mga parokyano. Ipinangalan rin sa akin ang flower shop na ito.
"Goodmorning Nanay." bati ko.
"Oh anak, goodmorning pasensya na't hindi na kita nahintay. Kailangan ko talagang tapusin ang mga orders na ito." paliwanag ni Nanay.
"Hindi okay lang po. Tutulong na po ako para madami tayong matapos." sabi ko.
"Salamat Anak sige ikaw na yung gumawa nung boquet na gagamitin mamaya sa kasal nina Mrs. Galman." sabi ni Nanay.
White and Red Rose ang gusto ng client. Ang ganda nga naman para sa kasal. Tinitigan ko yung ginawa kong boquet. Sana magustuhan nila.
"Anak pag kinasal ka ako ang gagawa ng boquet mo ha!" sabi ni Nanay. Bigla naman nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nanay.
"Nay namannn."
"Bakit? Alam ko naman na darating ang panahon na ikakasal ka." sabi ni Nanay. Daming alam ni Nanay hays
"Basta ako ang gagawa." sabi niya. Natawa na lang ako sa sinabi ni Nanay.
"Goodmorning po."
"Oh John. Hijo anong ginagawa mo dito." Bigla kong tinigil yung ginagawa ko at napaharap ako, si John nga.
"Andito lang po ako para kumustahin si Rose." sabi niya.
"Ahh ganun ba sige aalis muna ako satingin ko kailangan niyong mag-usap. Sandali lang anak, babalik lang ako sa bahay, ipagluluto ko lang ng almusal yung dalawa dun." sabi ni Nanay. Nanay bakit mo ako iiwan dito huhu di ko kaya.
"Salamat po Tita." sabi ni John at tuluyan na ngang umalis si Nanay.
Umupo na ako at itinuloy yung ginawa ko, kailangan kong umiwas kay John. Bakit? Kasi natatakot ako na masaktan siya.
"Rose sorry kahapon ah. By the way, kumusta yung pag-EK niyo ni Daniel?" tanong niya. May halong lungkot ang boses niya. Ito na nga ang kinatatakutan ko siguro hindi pa ito ang tamang panahon na sagutin ko si Daniel kasi masasaktan ko si John, hindi niya deserve ang masaktan.
"Ayun ayos lang masaya naman." sabi ko. Hindi ako tumitingin sakanya kasi ayaw kong makita ang reaksyon niya.
"Mabuti naman kung ganun. Rose makita lang kitang masaya ayos na sakin yun. Rose ito ang lagi mong tatandaan kahit sino pa ang piliin mo samin tatanggapin ko yun. Rose mahal na mahal kita kaya ayaw kong mahirapan ka." this time napaharap na ako sakanya. Umiiyak siya. Ito na nga ang kinatatakutan ko.
"Kung gusto mo siya kaysa sa akin ayos lang. Magiging masaya na lang ako." sabi niya.
"John, sorry." sabi ko. Pati ako napapaiyak na rin, ang ayoko sa lahat yung may nasasaktan ako.
"Wag kang mag-sorry, kasalanan ko ito. Alam ko naman na si Daniel talaga yung mahal mo. Nakigulo lang ako. Kitang-kita sa mga mata mo tuwing kasama mo siya na mas masaya ka sakanya ano ba naman ang laban ko diba? Pero don't you worry hindi na ako tututol pero hayaan mo lang ako na mahalin kita kasi ang hirap mong kalimutan." sabi ni John.
"John, maraming salamat sa lahat." tapos hinug ko siya. Pinunasan naman niya yung luha ko. Napaiyak na rin pala ako.
"Papasok ka ba mamaya?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...