Kabanata 19

361 10 0
                                    

"Kawaan kayo ng Diyos. At sana'y mahanap niyo na ang dulo ng paghihirap niyong dalawa upang maipagpatuloy niyo na ang naudlot na pagmamahalan." sabi ni Sister Ems.

Naudlot na pagmamahalan?

Bakit parang may halong kirot sa aking puso ang sinabi ni Sister Ems. Anong ibig sabihin niya na naudlot na pagmamahalan? Kami ba?

"Sir ayos na po." sabi ni Mang Tonyo.

"Maraming Salamat din Sister Ems, aalis na po kami." sabi ni Sir Daniel.

Napangiti na lang ako ng bahagya kay Sister Ems, di ko talaga alam pero parang gustong gusto ko na alamin kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Sister Ems.

Andito na kami ngayon sa kotse, maga-ala sais na at ngayo'y umuulan sa labas at nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga tao na nagsisiktakbuhan dahil sa biglaang pagbagsak ng ulan.

"Rose." natauhan naman ako ng tawagin ako ni Sir Daniel.

"Dinner tayo. Sagot ko." sabi ni Sir.

"Naku Sir wag na po, nakakahiya." sabi ko. Pero gusto ko naman talaga joke ayaw ko, parang nawala ako sa mood ko.

"No I insist. Mang Tonyo dun po tayo sa favorite kong resto." utos ni Sir. Napa-smile naman si Mang Tonyo sabay smirk.

Anong ipinaparamdam niya? HAHA

Andito na kami sa Spanish Style Restaurant ang name ay Filipiniana. Sobrang pang-spanish style talaga yung resto. Omg parang feeling ko talaga nasa Spain ako ngayon.

Hanggang second floor yung resto tapos ang nakaagaw sa akin ng pansin ay ang chandelier na napakalaki. Woah talaga, ganito pala sa mga mamahalin na resto halos lahat ng tao dito ay mayayaman.

"A table for two please." utos ni Sir Daniel sa waiter na sumalubong sa amin.

"This way, Señor Daniel Andrada." sagot nung waiter. Woah naks yung accent nung waiter mala-Espanyol HAHA. Kilala pala dito si Sir siguro madalas talaga siya dito.

Sumunod naman kaming dalawa ni Sir Daniel dun sa waiter.

Nasa may bintana kami nakaupo dito sa second floor at ang halos na nakapalibot sa amin ay magkasintahan HAHA lahat sila nagde-date.

Meaning? Ay Erase! Erase! Di kayo nagde-date ROSE! Kakain lang kayo and that's it.

"Good Evening Señor and Señorita. Here is the menu." sabi nung waiter.

"Pick anything you want." sabi ni Sir.

Kinuha ko kaagad yung menu at kinuha rin ni Sir yung isa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung mga prices.

"S-Sir ang mamahal, nakakahiya po." sabi ko ng pabulong.

"No, libre ko ito. Sige lang bilang pasasalamat ko sayo sa pagsama sa akin." sabi ni Sir Daniel.

"Syempre naman Sir, trabaho ko yun ei." sabi ko. Napangiti na lang si Sir at pinilit na pumili na ako ng kahit anong gusto ko.

Di ako masyadong familiar sa mga foods buti na lang may mga sample pictures. Kahit gusto ko yung mga mahal since may kaunting kahihiyan pa rin naman ako, yung mura lang ang bibilhin ko.

"S-Sir yung churro na lang po." sabi ko.

Bigla namang napatingin sa akin si Sir na kanina pa pumipili ng kakainin niya.

"Are you sure? Mabubusog ka ba dun?" tanong ni Sir.

"Yes naman Sir. Di naman ako ganun kadami kumain." sabi ko. Pero yung totoo nauubos ko talaga minsan yung buong kaldero ng kanin.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon