Mag-isa lamang ako sa labas at ngayo'y nakasilong ako sa puno na kinakatakutan ko dati.
Ako'y nagbabasa ng mga nobela at iba't ibang kwento na tungkol sa pag-ibig at sa lahat ng nabasa ko lahat may problema at tama nga si Lourdes.
"Maaayos rin ang problema niyo. Alam ko na sa isang taong nagmamahalan kahit gaano kabigat ang problema mas mananaig pa rin ang pag-ibig niyo sa isa't-isa at yun ay isang sandata niyo para sa mga problemang sumusubok sa inyong relasyon. Rosalinda tanging tunay na pag-ibig lamang ang wawakas sa problema niyo." sabi ni Lourdes ngayon na seryoso.
At sa lahat ng nabasa kong kwento nalalagpasan nila ang problemang dumarating sa kanila kasi nagiging matatag sila at hindi hinahayaan na may sisira sa kanila.
Habang ako'y nagbabasa napatingin ako sa may baba at nakakakita ako ng isang babae sa tingin ko at siya'y nakasapatos ng puti at tumaas ang balahibo ko nung tumingin ako sa taas para malaman kung sino iyon.
Si Nay Amanda 0_0
Nanlaki ang mga mata ko nung makita siya. Ngayon ay mas lalo siyang gumanda. Nakalugay ang kanyang mga mata at abot-langit ang kanyang mga ngiti. Nakasuot rin siya ngayon nang bistidang puti na kumikintab. Nakanganga naman ako dahil humanga ako sa kanyang itsura ngayon.
Pero m-multo na siya. P-Patay na si N-Nay A-Amanda diba?!
Nagtakip ako ng mata para hindi ko makita si Nay Amanda na ngayo'y isang kaluluwa na lamang.
"Hija Rosalinda wag ka nang matakot. Oo, kaluluwa na lamang ako ngunit pinayagan ako na makababa dito upang balaan kayo ng aking anak sa darating na panganib." sabi niya.
Inalis ko na yung mga kamay ko na nanginginig ngayon sa aking mga mata at tumingin na kay Nay Amanda.
"A-Ano pong p-panganib?" tanong ko.
"Hindi ko maaring sabihin ngunit sana'y wag mong hahayaan na mapahamak ang aking anak. At gaya nga ng sinabi ko sayo bago ako mamatay, alagaan mo siya at mahalin. Maraming Salamat Rosalinda kasi ginagawa mo ang lahat upang hindi mapahamak ang aking anak. Pero binabalaan rin kita ika'y mag-ingat din." sabi ni Nay Amanda.
"B-Bakit din po ako magi-in~" hindi ko na natapos ang aking itatanong dahil bigla na lamang naglaho si Nay Amanda.
Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Nay Amanda.
".......Balaan kayo ng aking anak sa darating na panganib."
".....Pero binabalaan rin kita na ika'y mag-ingat."
May kung anong nangyayari sa aking puso dahil sa narinig ko kay Nay Amanda.
Baka mangyari yung panaginip ko baka isa na yun sa senyales! Hindi maaring mamatay si Diego kailangan kong umisip ng paraan para hindi matuloy iyon.
Kung gayon kailangan ko ng umuwi ngayon, para mapigilan ang mangyayari. Kailangan kong ayusin ang lahat bago pa mahuli ang lahat.
Kumaripas ako ng takbo at pumunta sa opisina ni Donya Margarita. Tamang-tama naman andun rin si Madre Amelia na kausap niya ngayon.
"Donya Margarita! Madre Amelia! Magandang umaga po." bati ko.
"Hija bakit hingal na hingal ka?" tanong ni Donya Margarita tapos pinaupo niya ako.
"Gusto ko na pong umuwi." sabi ko.
"N-Ngunit hija dapat tatlong araw ka dito bago naman ibigay ang basbas na ika'y makapagtapos ng iyong pag-aaral at yun ang kasunduan namin ng iyong ama at ni Gobernador Vicente." paliwanag ni Donya Margarita.
Nalungkot naman ako sa sinabi ni Donya Margarita at ngayo'y nakayuko na ako.
"Ngunit maari na siyang makapagtapos ngayon. Alam ko namang magaling si Rosalinda at nakita ko iyon simula nang siya'y aking turuan kaya alam kong alam na niya ang lahat kaya't sana ay pagbigyan na natin siya." paliwanag ni Madre Amelia kay Donya Margarita.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...