Bigla na lang ako nagising nang may narinig akong ingay sa labas.
"Rosalinda!" sigaw ng isang lalaki.
Sino yun? Marahil ay si Diego, kaya? Ngunit baka saktan ulit siya ng mga guardia civil.
Agad akong bumaba at inalalayan ako ni Marieta sa pagbaba.
Paglabas ko hindi pala si Diego kundi si....Jose? Anong ginagawa niya rito at bakit siya nagwawala.
Nakita ko namang pinipigilan siya ni kuya at ni ama. Napalingon naman sa akin si ina at pinuntahan ako.
"Anak gising ka na pala, pumasok ka muna sa loob." mahinahon na utos ni ina.
"Ngunit ina bakit po nagwawala si Jose. Ano pong meron?" tanong ko.
"Nagalit siya anak dahil inurong na ng ama mo ang pagpapakasal niyo. Hindi na tuloy ang kasunduan ng ating pamilya sa kanila." paliwanag ni ina.
Ngunit paano yun baka pabagsakin nila ang aming pamilyan
"Ina, paano yun? Paano na ang ating pamilya?" tanong ko.
"Anak, mas importante ngayon ang kalusugan mo. Kapag ipinakasal ka namin kay Jose hindi ka magiging masaya diba? At ang ikinakatakot namin b-baka l-lumala ang iyong s-sakit." sabi ni ina.
Bakit pa kasi ako nagkasakit? Nagdudusa tuloy ngayon ang aking pamilya.
Mas tumindi ang sigawan sa labas kaya napalabas kami bigla.
Sinuntok pala ni Jose si kuya at aakmang susuntukin rin sana niya si ama kaso sumigaw ako.
"Jose!" tawag ko sakanya. Napalingon naman siya kaagad sa akin.
Nakita kong puno ng galit ang mga mukha niya at nanlilisik ang kanyang mga mata. Parang hindi siya ang Jose na nakilala ko sa mga oras na ito.
"R-Rosalinda?" sabi niya.
Lumapit ako sakanya at pinipigilan ako ng aking pamilya. Ngunit kailangan kong ipaliwanag kay Jose ng maayos ang aking nararamdaman.
"Marieta, Ina. Dalhin niyo muna si Ama at si Kuya Carlos sa loob at iwan niyo muna kami ni Jose dito." sabi ko.
Sinunod naman nila ako dahil nagtitiwala naman sila sa akin kung ano ang nararapat na gawin.
"Binibining Rosalinda, wag mong iurong ang kasal natin, kailangan kita! At alam kong may sakit ka sa puso pero ipinapangako ko na aalagaan kita at mamahalin ng sobra." pagmamakaawa niya.
Sinabi niya iyon habang hawak-hawak ang aking kamay.
"J-Jose patawad ngunit hindi ko talaga kayang turuan ang puso ko na mahalin ka. Patawad talaga, pero pwede naman diba tayo maging mag-kaibigan?" sabi ko ng mahinahon.
Alam kong pinipigilan lamang niya ang kanyang galit pero kitang-kita ko sa mga mata niya.
"Bakit? Dahil ba sa Diego na yun? Kaya di mo ako kayang mahalin?" tanong niya.
"A-ano kasi Jose hin~" hindi ko natapos na ang aking sinabi dahil bigla niyang binitawan ang aking mga kamay at nanlilisik na ang mga mata niya ngayon.
"Pagsisihan mo ang araw na ito! Rosalinda tandaan mo hindi ako susuko hanggang hindi ka napapasakin! Tandaan mo yan!" pagbabanta niya.
Tapos umalis na siya nang padabog.
".....Hindi ako susuko hanggang hindi ka napapasakin!"
Bigla akong kinabahan nung sinabi niya yun. Hindi talaga siya titigil at alam kong gagawin niya ang lahat.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...