Kabanata 10

434 12 0
                                    

"Anak tumakas na kayo ni Binibining Rosalinda!" utos ni Nay Amanda kay Diego.

Habang siya'y hawak-hawak ng dalawang guardia civil at yung isang guardia civil bumunot ng baril at itinutok kay Diego. Kinabahan naman kaming dalawa dahil hindi namin alam kung ano ang dapat gawin. Napapikit na lang ako pati na rin si Diego nang marinig ang sigawan ng mga tao sa paligid at narinig ang malakas na putok ng baril.

Pagkamulat ng aking mata biglang bumagal ang paligid at nakita kong tumakbo na ang tatlong guardia civil at nakita naming nakahandusay na si Nay Amanda sa lupa.

"Inaaaaaaaa!" sigaw ni Diego habang hagkan-hagkan si Nay Amanda na ngayo'y naghihingalo na.

Napaluhod ako at napahagulgol, kahit papaano naging mabuti sa akin si Nay Amanda kahit sandali lamang kami nagkasama. Biglang naalala ko nung kaarawan niya, siya pa mismo ang nag-imbeta sa akin.

"A-Anak alagaan mo ang iyong sarili, w-wag kang mag-alala b-bantayan pa rin k-kita k-kahit hindi mo ako n-nakikita, k-kapiling mo pa rin ako dahil mananatili ako sa iyong puso." huling bilin ni Nay Amanda kay Diego habang hinahawakan ang pisngi nito.

Tapos naramdaman kong hinawakan ni Nay Amanda ang aking kamay.

"B-Binibining R-Rosalinda alagaan mo at mahalin mo ang aking anak. Ipangako mo na samahan mo siya lagi at wag mong hahayaan na mapahamak siya n-ngayon palang nagpapasalamat na ako sayo." sabi sa akin ni Nay Amanda at ngumiti siya ng bahagya.

"Opo Nay Amanda pangako ko po iyon." sagot ko.

Tapos biglang nabitawan na niya ang aking kamay at pumikit na ang kanyang mga mata.

Wala na si Nay Amanda.

"Inaaaaa!" sigaw ni Diego habang umiiyak.

Hindi ko kayang makita si Diego na nasasaktan. Ngayon ko lang siya nakita na umiiyak. Hindi ko akalain na wala na si Nay Amanda.

~Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa

Napakamasayahing tao ni Nay Amanda, maalagain din at mapagmahal. Sana masaya na siya sa langit at ngayo'y binabantayan na niya kami.

Kumuha na ang mga kalalakihan dito ng kahoy kung saan dun ilalagay si Nay Amanda. Iniwan muna ako dito ni Diego at ako'y nakaupo sa may bangko.

"Binibini!" tawag ni Marieta.

"W-Wala na si Nay Amanda." sabi ko.

At nakita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Narinig ko nga kaya ako'y pumunta dito agad, nalulungkot ako na wala na si Nay Amanda naging pangalawang ina ko na siya kaya masakit para sa akin na wala na siya." ngayon ay natuloy na ang luha niya dahil naalala niya si Nay Amanda.

"Ayos ka lang ba? Nag-aalala ang iyong pamilya sayo hindi ko pa naman sinabi na may nangyaring kaguluhan dito pero sigurado mapapagalitan ka kapag nalaman nila na andito ka nung nangyari yung kaguluhan." dagdag ni Marieta.

"Alam ko pero sa ngayon kailangan kong damayan si Diego kasi mahirap mawalan ng magulang lalo na mag-isa na lamang siya ngayon." paliwanag ko.

Tapos napatingin kami na pumipitas ng mga bulaklak ang mga kababaihan kaya isinama ako ni Marieta at tumulong din kami sa pamimitas ng bulaklak.

Ang ibang lalaki naman kasama si Diego ay inaayos na ang paglalagyan ni Nay Amanda nakita ko naman ang mukha ni Diego na labis na nalulungkot at may mga luha pa ring pumapatak sa kanyang mga mata.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon