Rose's POV
Nakabalik na ako sa bahay. Kanina hinatid ako ni Daniel tapos mamaya na lang daw ako pumasok para makapagpahinga.
Ngayon kumakain kami ng tanghalian. Grabe gutom na gutom na ako. Nag-almusal lang kasi kami ni Daniel tapos dumiretso na kaagad kami sa terminal.
"Anak ang ibig mong sabihin nabuhay ka na dati? Paano nangyari yun?" gulat na gulat na tanong ni Nanay. Ngayon ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian at nai-kwento ko sakanila yung nangyari sa amin nung pumunta kaming San Agustin.
"Naalala niyo po ba yung dati kong kinukwento sainyo dati yung simula bata ako na nagpapakita sa panaginip ko palagi."
"Yung si Rosalinda ba yun, Anak?" tanong ni Tatay.
"Opo yun nga po. Kaya pala kamukha ko siya at napapanaginipan ko palagi dahil magkadugtong buhay namin. Ako siya dati. Reincarnated ako. Nung una hindi rin ako naniwala tapos pinipilit ako ni Daniel na maniwala na baka kami si Rosalinda at Diego." paliwanag ko.
"So Ate ang ibig sabihin kayo si Rosalinda at Diego so meaning kayo ang nakatadhana? Kayo ang magkakatuluyan!" masayang tugon ni Mikael.
"Kael alam mo naman diba na may John na ang ate mo." sabi ni Nanay kay Mikael na nagbago ngayon ang expression ng mukha.
"Sayang talaga. Pero ang galing talaga Ate. Totoo pala ang reincarnation. Woah! Astig!" sabi ni Mikael. Kahit kailan talaga puro kalokohan ang nasa isip niya.
"My Baby Cheesecake!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa akin si cheesecake. Kakatapos lang niya kumain ngayon.
Agad naman siya tumalon papalapit sa akin at dinilaan ako. Cute niya talaga!
"Miss me huh?" napa-arf arf naman siya.
Pagkatapos kumain, nagbihis na ako para makapasok na ako ng 2:00, almost 1:00 na ngayon eh.
Kinuha ko muna yung cellphone ko at tinawagan ulit si John. Pero di na naman niya sinasagot. Nakakainis yung lalaking yun, kahapon pa ako tumatawag pero wala. Walang paramdam! Alam ko naman na galit siya sakin pero kaya niya talagang tiisin ako ng ganito katagal?
Yaan na makikita ko rin naman siya mamaya, pag dating ko mamaya sa ASC didiretso kaagad ako sa office niya.
Nagpaalam na ako at umalis. 1:30 na pala ngayon. Pumasok kaya si John? Aish sana magkaayos na kami. Grabe magtampo yung lalaking yun.
Nag-antay na ako ng jeep at buti naman madali akong nakasakay.
...
Andito na ako sa tapat ng ASC. Wooh excited na ako makita yung lalaking yun. Antagal niyang hindi nagparamdam sa akin. Malilintikan talaga yun sa akin.
Bumili muna ako ng small cake dito sa may malapit na bakery dito samin tapos pinalagyan ko ng Sorry John! Love You.
...
Nasa tapat na ako ng office ni John, mamaya na lang ako pupunta kay Daniel kailangan ko munang kausapin itong lalaking ito.
Napa-buntong hininga ako bago buksan ang pintuan.
"Surprise My Prince!" sabi ko pero ako yata ang na-surprise. Biglang nalaglag yung cake na binili ko para sakanya. Kasabay ng paglaglag ng mga luha ko.
"J-John sino siya?" kalmado kong tanong. Rose, stay calm malay mo naman may explanation siya kung bakit naka-kandong yung babae sakanya.
Napatayo naman siya bigla at lumapit sa akin.
"R-Rose it's not what you think!" sabi niya sakin. Hinihintay ko yung explanation niya.
"Sabi ko s-sino siya?!" iritado kong tugon. Tapos biglang lumapit sa amin yung babae at hinawakan si John sa braso. Napatitig naman ako doon at napabuhos pa ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...