Bigla akong nagising nang may liwanag na mula sa araw ang dumampi sa aking mukha. Dahil dun napamulat ako at pagtingin ko sa orasan.
Omgg 7:30 na. Hala 7:00 dapat ang pasok ko hays baka tanggalin na ako ni Sir Daniel sa trabaho.
Hindi na ako maliligo, magbabanlaw na lang ako. Kainis si Mikael hindi man lang ako ginising.
"Nay alis na po ako." sabi ko kay Nay na abala sa pagpapalit ng mga kurtina.
"Nak may itinara diyan ang iyong Tatay at kapatid na itlog at hotdog. Mag-almusal ka na muna." sabi ni Nanay.
"Hindi na po Nay, late na late na po kasi ako ei. Bye Nay." sabi ko.
"Sige An~." dali-dali akong lumabas at nag-abang ng jeep.
Myghad 7:38 na....
"Ineng puno na." sabi nung driver ng jeep.
"Sige po, sasabit na lang ako." sabi ko. Tiningnan ako ni Manong mula taas hanggang baba, oo nga pala naka-fitted na palda ako ngayon. Pero kahit na, ayokong mawalan ng trabaho.
Nakakapit ako ng mahigpit sa jeep, nangangatog ang mga tuhod ko. Lord, marami pa po akong pangarap wag niyo po sanang hayaan na mahulog ako.
Ilang oras lang nakaupo na ako sa loob dahil may bumaba na. Pero parang balewala rin, malapit na ako sa ASC.
"Para!" sabi ko sabay abot ng bayad.
Pagkababa ko agad-agad akong pumasok sa loob binati ako ni Manong Guard pero di ko na napansin dahil dali-dali akong pumasok sa loob.
Bakit walang katao-tao asan sila? Bumalik ako sa labas at tanging si Manong Guard lang ang andun.
"Kyah nasaan po sila?" tanong ko.
"Nasa factory po silang lahat, may ina-announce po kasi si Sir." sagot ni Manong Guard.
"Sige po, salamat." tapos pumunta na ako sa Factory sa ground floor lang naman iyon pero nasa pinakadulo kaya yun tinakbo ko na kahit naka-heels ako. Ansakit nga ng paa ko, hays.
Pagpunta ko dun andun lahat ng trabahador sa factory na lahat naka-blue dahil yun yung kulay ng uniform nila at yung mga nasa office na nagtatrabaho andun rin, tapos nakita ko si Sir na nasa unahan na may hawak na mic.
Bigla naman akong nagulat at nanginginig mga tuhod ko ng tumingin siya sa akin ng seryoso.
"Oh there you are, late ka na naman tsk." sabi niya habang naka-mic.
Dahil dun napatingin sa akin lahat ng tao as in lahat, mahigit 500 ang andun so nakakahiya.
Bakit niya kailangang gawin yun? Balak ba niya akong pahiyain? Pwede naman niya ako pagsabihan pero bakit sa harapan pa ng maraming tao? Tapos yung mga tingin pa ng tao parang lalamunin ako.
Wala akong nagawa kundi tumakbo at pumunta sa CR. Siguro naman masaya na siya, masaya na siyang napahiya ako.
Wala akong ginawa kundi umiyak. Hindi ko pa nga nakalimutan yung sakit na nadama ko nung nakita kong may kahalikan siyang ibang babae.
Tapos ngayon eto naman. Ano bang ginawa ko sakaniya para saktan niya ko ng ganito? Siguro nga kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko sakanya, ayaw ko magkagusto sa isang tao na IMMATURE!
"Bes?" si Lorna?! Agad ko namang binuksan yung gripo para hindi niya ako marinig ba humihikbi.
"O?" tanong ko. Tapos nagkukunwari akong may sipon.
"Wag mo ng itago, umiiyak ka ano?" tanong ni Lorna.
"Wag kang mag-alala ni-lock ko na yung pinto ng cr para wala ng ibang makapasok, tayong dalawa lang ang naririto." sabi ni Lorna.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...