Habang abala ako sa pakikinig ng speech ni Sir, nakita kong lumapit sa akin si Jasmin.
"Uhmm Thank You Rose. Kung hindi dahil sayo, patay na ako. Salamat kasi iniligtas mo ako at muntikan pang malagay sa peligro ang buhay mo." sabi ni Jasmin, napansin kong may namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Ano ka ba Jasmin, okay lang yun. Masaya rin ako na walang nangyaring masama sa ating dalawa. Nga pala sinong nagligtas sa akin?" tanong ko.
"Si Sir Daniel." sagot ni Jasmin.
SI SIR DANIEL?!
"Akala ko ba takot si Sir sa beach o pool? Paano niya ako nailagtas?" tanong ko.
"Yun na nga ang ipinagtataka namin. Alam namin na ayaw na ayaw ni Sir sa beach at pool kasi nga may Aquaphobia siya. And actually, ngayon lang siya sumama sa company outing namin, palagi kasing si Sir Danilo ang kasama namin pag may outing. Kaya nga akala namin, wala kami ngayong company outing kasi wala si Sir Danilo." explain niya.
"Naalala mo yung sabi ko sayong abutin mo ang kamay ko, nakita ko si Sir na naglagay ng life vest at pinigilan siya ng mga staff pero sabi niya kahit anong mangyari kailangan ka niyang iligtas. So lumangoy na siya papalapit sa atin. Tapos agad niyang tinanggal yung mga seaweeds na nakapulupot sa paa mo at iniangat ka niya. Tapos isinakay ka na niya sa bangka kung saan andun rin ako. Hinarap ni Sir ang takot niya sa tubig for you." dagdag pa ni Jasmin.
Bigla akong napatingin kay Sir Daniel na ngayo'y nagsasalita sa unahan. Biglang tumigil ang paligid kasabay ng puso kong tumitibok at tanging ang pangalan lang ni Sir Daniel ang tumatakbo sa isipan ko.
Hinarap ni Sir ang takot niya sa tubig for you.
Bakit niya ginawa yun? Bakit niya pilit ginugulo ang puso't isipan ko?
"Are you okay?" bigla na lang ako natauhan sa pagkakatulala nang magsalita si Sir Daniel. Andito na pala siya.
"Ayy O-Opo." sabi ko. Hindi naman ako makatingin sa kanyang mga mata.
Biglang tumugtog ang Can I Have This Dance. At lahat nagtayuan at kanya-kanyang hila ng kapartner.
"Can I Have This Dance, Ms. Garcia?" tanong ni Sir sabay ngiti tapos bigla niyang inilahad ang kamay niya sa tapat ko.
"Sir nakakahiya." sabi ko.
"No ako bahala sayo. Wag kang mahiya andito naman ako lagi para sayo." sabi niya. Bakit parang pamilyar ang mga katagang sinabi niya? Bakit tagos na tagos sa puso ko.
~Take my hand, take a breath
Pull me close and take one step
Keep your eyes locked on mine
And let the music be your guide~Would you promise me that you'll never forget
To keep dancing wherever we'll go next~It's like catching lighting
The chances of finding
Someone like you~It's one in a million the chances of feeling
The way we do
And with every step together
We just keep on getting better
So can I have this dance, can I have this dance.Kasabay ng paghawak ko sa mga kamay niya ay ang pagbigay ko rin ng aking pag-ibig na tapat sakanya.
Mahal ko na nga siya, at hindi ko na mapipigilan pa. Oo, nahulog na ako kay Daniel. Hindi ko na matatanggi pa! Alam ko sa sarili ko na bawal ngunit kailanman hindi matuturuan ang puso.
Sa ilalim ng mga bituin at sa tapat ng nag-aalab na apoy ay nasa gitna kami nagsasayaw. Parang tumigil ang paligid sa bawat oras na kasayaw ko siya. Ang kanyang mga kamay ay nasa bewang ko at ang mga kamay ko naman ay nasa may braso niya. Kitang-kita ko ang mga mata niyang kayganda at nakakaakit.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...