Kabanata 2

1.1K 23 2
                                    

Maaga akong nagising ngayon kasi naalala ko yung sulat kahapon ni Diego.

Nais ko sanang makita ka sana'y pumunta ka ulit dito bukas kasi may ibibigay sana ako sayo at alam kong matutuwa ka sa ibibigay ko...

Naghahanda na ako dahil ewan ko ba pero pinipilit ako ng katawan ko na pumunta sakanya!

Pero paano?? Baka di ako payagan nina ama pero di naman masamang subukan diba.

Oo nga pala, parang hindi ko napapansin si Marieta! Asan na kaya yun?

Pababa na ako at nakita ko sina ama, ina at si kuya na may pinaguusapan.

Ano kaya iyon? Bakit di nila ako sinasama sa usapan.

"Magandang umaga sainyong lahat!" sabi ko ng malakas.

At dahil dun nagulat silang lahat *napatawa na lang ako*

"Rosalindaaaaa! Ano ba magkakasakit kami sa puso!" sabi ni Inang HAHA

Hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa kanilang reaksyon.

"Ama, pupunta po ba kayo sa Palayan?" tanong ko.

Sana OO, sanaaaaaaaa!

"Hindi anak ei, pero si kuya Carlos mo dadalaw daw siya dun!" sabi ni ama.

"Maaari ba akong sumama kuya?" tanong ko.

"At bakit? Kikitain mo si Diego?" sabi niya.

-,- Hindi noh! Gusto ko lang malaman yung ibibigay niya sa akin!

"Hindi ah!" sagot ko.

"Tama anak! Dahil hindi ka nararapat sakanya!" sabi ni ama..

At dahil dun parang nabunutan ako ng tinik!

Dahil hindi ka nararapat sa kanya...

Hindi naman talaga dahil hindi ko siya gusto!

"Lumakad na kayo at ako'y maghahanda na para mamaya sa pagpupulong!" sabi ni ama.

"Anong pagpupulong iyon?" tanong ni ina.

"Maghahalal na ng gobernadorcillo at kaming mga teniente del Barrio ang may karapatang pumili kung sino ang nararapat sa katungkulan, at mas magiging maayos ang ating buhay dahil magiging principalia tayo (maipluwensiyang pamilya) at hindi na tayo kailangan pang magbayad ng buwis!" paliwanag ni ama.

"Maganda naman kung ganoon! O bakit andito pa kayong dalawa, lumakad na kayo at dito ba kayo manananghalian?" tanong ni ina.

"Ahhh ina siguro doon na lang kami manananghalian!" sagot ni kuya Carlos.

Nakakahiya man na makikain dun pero aaminin ko mas masaya kumain dun at masaya ako na naranasan ko na at ngayo'y mararanasan ko ulit!

Sumakay na kami ni kuya sa kalesa habang kami naglalakbay papuntang palayan napatitig ako kay kuya Carlos. Mahigit limang buwan siya nawala.

Masaya ako kasi natupad na niya ang pangarap niya na maging sundalo at di lang diyan HENERAL na siya! Kabiyak na lamang ang kulang HAHA

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon