ika-14 ng Agosto
Pista ngayon sa San Agustin. Maaga akong nagising ngayon gaya ng sabi ni ina dahil abala kami ngayon sa araw na ito pero bago ang lahat kailangan naming dumalo sa misa.
Kasama ko ngayon ang aking buong pamilya dahil madami kaming ipapasalamat sa Panginoon.
Lumabas na kami at ramdam na ramdam ko na pista ngayon dahil andaming bandiritas sa paligid at rinig na rinig ang mga musiko.
Kalat rin ang mga mamamayan sa paligid.
"Rosalinda tara na't baka tayo'y mahuli sa misa." sabi ni ama.
Nakasakay na pala sila, masyado akong nalibang sa pagmamasid sa makulay na paligid ngayon ng San Agustin.
Madaming tao rito ngayon dahil ang Barrio ng Camiling ang sentro ng San Agustin. Kaya't aasahan rin namin na madaming bisita ang pupunta sa bahay namin at wala pa kaming naluluto sapagkat inuna muna namin ang pagsisimba.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa simbahan ng Camiling, ito rin ang pinakamalaking simbahan sa bayan ng San Agustin.
Pagkababa namin, binati kami ng mga tao. Andaming tao at ang gaganda ng mga kasuotan nila.
Pumasok na kami sa simbahan at umupo. Nakita ko naman sa di kalayuan ang pamilya Venteres. Nang makita ako ni Jose ay kumaway siya sa akin at nginitian ko siya.
"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo. Amen. Humayo kayo at ipalaganap ang salita ng Diyos."
Ilang oras lang natapos na ang misa, palabas na kami ng simbahan.
"Binibining Rosalinda!" may tumawag sa akin mula sa likod.
Paglingon ko si Jose pala.
"Bakit Ginoong Jose?" tanong ko.
"Don Antonio at Donya Rosario maari ko bang makasama si Binibining Rosalinda? Ibabalik ko siya ngayong tanghali, pangako ko!" paalam niya kay na ina't ama.
Mabuting tao si Jose kaya walang dahilan na hindi ako sumama sakanya.
"O sige ijo. Ingatan mo siya at alagaan!" utos ni ama.
Tapos nauna na sina ama, ina at si Kuya Carlos dahil kailangan nila maghanda dahil madaming bisita ang inaasahan na pupunta sa aming tahanan mamaya.
"Binibini saan mo gusto pumunta?" tanong ni Jose.
"Gusto ko sanang kumain muna, kung iyong mararapatin!" nakakahiya man pero nagugutom na kasi ako.
"Ganun ba sige!" sabi niya.
Buti napapayag ko siya. Tapos pumunta kami doon sa nagtitinda ng Turon.
"Binibini oh, tara dun umupo para makakain ka ng maayos!" sabi niya.
Andito na kami nakaupo habang kinakain namin yung turon.
"Binibini salamat sa pagpapaunlak na makasama kita, isang karangalan sa akin na makasama ang magandang binibini na tulad mo!" sabi niya.
Napangiti naman ako tapos habang kumakain ako napatingin ako sa may pintuan ng simbahan at nakita ko si....Diego at si Nay Amanda.
Sana hindi sila dumaan dito. Hindi ko pa kaya na harapin siya at isa pa kasama ko ngayon si Jose baka kung ano ang sabihin nun.
Tapos kinabahan ako bigla nang naglakad sila dito sa may gawi namin. At ito na nga ba ang kinakatakot ko, nakita na ako ni Diego.
"Binibing Rosalinda!" tawag ni Nay Amanda na parang tuwang-tuwa na makita ako. Tapos pumunta sila sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...