"Mahal!" tawag ko kay Sir Daniel.
"Bakit mahal?" tanong ni Sir Daniel.
"Aray." bakit ako nasa kwarto ko? Panaginip lang pala yun. Anong nangyari kahapon? Bakit ang sakit ng ulo ko?
"O anak, gising ka na." bakit may dala siyang container na maliit na may laman na maligamgam na tubig at pinunas niya sakin yun.
Mainit ako ah. May lagnat ba ako?
"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ni Mama.
"Okay lang naman po, medyo masakit po ang ulo ko. Nay ano pong nang~" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang sumabat si Mikael.
"Ma eto na yung pinapabili mong gamot." sabi ni Mikael.
"Akin na at ikaw muna ang magbantay ng flower shop at baka dumating na yung mga nagsi-order kahapon ngayon daw nila ipipick-up." utos ni Nanay.
"Sige po." napakamot naman ng ulo si Mikael bago umalis.
"Anak inumin mo muna ito para mawala ang lagnat mo." sabi ni Nanay. Ininom ko muna yung mapait na gamot na binili ni Mikael. Ugh I hate medicines talaga kaya nga iniingatan ko na sarili ko kasi ayaw ko talaga uminom ng mga gamot nakakasuka.
"Nay anong nangyari bakit andito ako?" kasi ang naalala ko nakatulog ako sa office ni Sir.
"Hinatid ka ni Sir Andrada." sagot ni Nanay habang patuloy na pinupunasan ang katakawan ko ng tubig na maligamgam na maasim. Oh noes wag niyang sabihin na may kalamansi ito. Gosh ang baho ko na, ang asim ko na.
Wait paanong hinatid wala akong maalala. Biglang natigil ang usapan namin ng dumating si Tatay na may dalang sopas.
"Mahal." bungad ni Nanay kay Tatay.
Mahal? May parang naalala ako sa Mahal.
"Rose, 12 na time to go." sabi ni Sir.
"Sir dito na lang po ako, ansakit ng ulo ko." sagot ko.
"I can't leave you here." sabi ni Sir. Tapos naramdaman kong hinawakan ni Sir ang noo ko.
"May lagnat ka. Halika na nga bubuhatin na kita. Iuuwi ko na ikaw sainyo." sabi ni Sir.
Ugh. Bakit yun lang ang naalala ko.
"Anak kumusta ka na?" tanong ni Tatay.
"Medyo okay na po." sagot ko.
"Sige ihahanda ko muna itong sopas ah." sabi ni Tatay.
"S-Salamat po." answerte ko talaga sakanila, alagang-alaga ako palagi. Naalala ko nung inatake ako ng sakit ko sa puso , alalang-alala sila at sobrang inalagaan nila ako. I'm so lucky na may pamilya ako na ganito.
Pagkalabas ni Tatay, lumapit sa akin si Nanay at kinuha lang niya yung planggana na may laman na tubig na may kalamansi hays.
"Ma ano pong nangyari sa akin? Paano po ako nakarating dito? Bukod pong si Sir ang naghatid sa akin? Ano pa pong nangyari?" sunod na sunod na tanong ko.
Napatawa naman si Nanay. "Alam mo mas mabuting tanungin mo ang kapatid mo kasi siya yung nagbukas ng pinto kay Sir Andrada nung gabing iyon at nung naipasok ka na dito sa labas saka lang ako ginising ni Mikael." explain ni Nanay.
So hihintayin ko pa si Mikael aish ano ba kasing nangyari.
"Nay!" tawag ni Mikael. Yes buti andito na siya.
"Mikael!" pagkapasok pa lang niya sa kwarto namin agad ko siya tinawag.
"O? Para kang aso diyan na gustong humingi ng pagkain." sabi niya sabay tawa. Aish kailangan ko talagang malaman yunnnn
BINABASA MO ANG
Reunited Worlds (Completed)
Historical Fiction[Highest Rank- #20 in Historical Fiction] This is a story of two people who fell inlove with each other during the Spanish Era. Rosalinda Rivera is a rich girl and she belongs to the Principalía (noble class) while Diego Afable is a farmer and part...