Kabanata 18

453 12 2
                                    

"Binibini pag ika'y mapaparito dumiretso ka lamang diyan sa Promesa Arbol at asahang mo darating ako diyan, pangako!" sabi niya.

"Siguraduhin mo lamang! Baka isang araw maging isang puno ako sa kahihintay sa iyo!" sabi ko.

"Hinding-hindi ko paghihintayin ang isang napakagandang binibini na katulad mo!" sabi niya.

"Bes, huy Bes gising!" sigaw ni Lorna habang inuuga-uga ako.

Napa-buntong hininga na lang ako at namalayan ko na hawak-hawak ko ngayon ang dibdib ko. Napanaginipan ko na naman sila. Bakit hindi nila ako pinapatahimik sino ba sila? Anong kailangan nila sa akin? Bakit kamukha ko yung babae? Pero bakit yung lalaki sa panaginip ko ay kamukha ni Sir Daniel? Hays naguguluhan na ako? Pero imposible na kami yun at imposibleng mangyari yun kasi iba ang pangalan nung dalawang laging nasa panaginip ko. Simula bata ako napapanaginipan ko na sila, sino nga ba sina Rosalinda at Diego?

"Okay ka lang beshiee? Binabangungot ka na naman." tanong ni Lorna na kanina pa pala ako pinapakalma.

"Ayos lang ako." tipid kong sagot. Kahit nababalot na ako ngayon ng hiwaga kung sino ba yung dalawang tao na napapanaginipan ko.

"Nga pala, wala ngayon ang mga parents mo pati si Mikael. Pagdating ko dito ipinapasabi na lang nila sayo na magsisimba sila. Di ka na nila ginising dahil napakahimbing daw ng tulog mo." paliwanag ni Lorna.

"Bakit ka naririto Lorning?" tanong ko.

Natawa naman ako sa mukha niya ngayon, ayaw niya kasing tinatawag siyang Lorning HAHA actually wala kasi siyang nickname dahil ang short lang ng name niya so ginawan ko siya ng nickname nung highschool kami.

"ROSING gusto ko rin na magtrabaho dun sa ASC nakakwentuhan kasi ni mader ang iyong Nanay at pinilit ako ni mama na mag-apply rin dun. So I need your help." hays kailangan talagang i-emphasize yung Rosing? Bumawi ang loka.

"Sure wait maliligo muna ako. Diyan ka muna." sabi ko.

"Andito na tayo!" sabi ko. Feel ko talaga parang magiging tourist guide ako ngayon.

"Bes anlaki talaga ng company nila." natatawa ako sa mukha ngayon ni Lorna, nakanganga siya  dahil sa pagkamangha sa laki ng ASC.

Pumasok na kami at dumiretso na ako sa office ni Sir Daniel.

"S-Sir?" tawag ko. Nasa table na siya ngayon at nagkakape. Omyy dapat ako ang gumawa nun hays bakit kasi ang aga niya pumasok?!

"Hays you're la--" di na niya tinapos ang sasabihin niya dahil tinarayan ko siya.

"Sir naman bakit kasi ang aga niyong pumasok? Akala ko lahat ng mga boss late pumasok." paliwanag ko.

"Iba ako. So next time, please agahan mo. Akala ko pa naman maging ma-alwal na ang buhay ko." sabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla niyang napansin si Lorna ngayon.

"Who's this?" tanong niya sabay baling ng tingin ulit sa akin.

"Si Lo--" hindi na ako pinatapos magsalita ni Lorna.

"Sir I'm Lorna Cepeda, and I would like to apply to your company."  proud niyang sagot yung mala-sagot sa Q&A sa Miss Universe.

"And nga pala, here is my Resume." sabi niya habang kinukuha sa shoulder bag niya yung resume. Di naman yata siya masyadong handa.

Ini-scan naman kaagad ni Sir Daniel yung  resume.

"So tanggap ka na at ikaw ang magrereport sa akin nang mga statistics ng ating company sa pag-export at import ng ating mga products." sabi ni Sir Daniel.

Reunited Worlds (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon