Simula
"Anachica, bakit ba kailangan mong sundan ang yapak ng ating mga magulang? Mga babae tayo, gusto mo rin bang mamatay ng maaga?" Last week ko pa siya kinukumbinsi na mag shift ng kurso.
"Wala nga akong ibang gusto, Mona. I'm not like you na sobrang pabebe. I want action!" She sound so annoyed of me.
Nag aarange na siya ng kanyang mga bagong gamit para sa pasukan sa isang araw.
"Action? Ano to pilikula?" Naiirita narin ako sa tugon niya." Tayo nalang dalawa Ana,ipapahamak mo pa yung sarili mo?"
Binitawan niya ang kanyang notebook at hinarap ako.
"Hindi ako mapapano,okay. Pangako, I really want this course." Mahinahon niyang sabi at mukhang nagmamakaawa sa akin.
Bumuntong hininga ako na para bang natalo sa Kung anong Laban.
She's the only sibling I have. Kambal kami at puro nasa pulisya nagsisilbi ang mga magulang dati. Dati paman ay aliw na aliw na si Ana sa propisyon ng aming mga magulang, taliwas sa akin. Matatakutin at sabi nga niya ay duwag.
Halos mga barkada ni Ana ay mga lalaki at astig samantalang ako ay nerd Kaya madali kaming nakikilala kahit pa sobrang identical namin. I don't wear glasses ngunit conservative,si Ana ay napakarisgado. Lahat ng pwede niyang subukan ay sinusubukan niya Kaya minsan ay napapahamak ito.
Grade seven kami noon nang namatay si mama dahil nabaril sa operasyon nila. At dahil sa paghahanap ng hustisya ay sumunod si papa. Naipaghigante nga niya si mama at nakuha ang hustisya ngunit nadali din siya. At ngayon ay lubos na kaming ulila na tanging nakababatang kapatid ni mama ang tumitingin.
Hindi ko siya napigilan sa gusto niyang kurso Kaya kami nagkahiwalay. Pumasok siya sa PMA samantalang ako ay sumama sa aking tiyahin sa France para isakatuparan din ang aking pangarap na maging designer. I never lost contact to her, syempre nagkakasakit ako kapag isang araw ay hindi siya nagpaparamdam sa akin. Madali ko din siyang na mimiss ngunit naiinis lang siya sa pangungulit ko kapag nag video call ako sa kanya. Maari naman daw'ng text lang dahil busy siya.
Nasasaktan ako minsan kapag binabaliwala niya ako, kami na nga lang dalawa may sarili pa siyang Mundo.
Every holidays ay umuuwi ako para lang makasama siya at makakadalaw kami sa puntod ng aking mga magulang. Thank God habang lumalaki kami ay binibigyan na niya ng value ang aming pagkakapatid. We spent my vacation here worth a while. On her graduation ay umuwi ako kahit my fashion show kami sa New York, hindi ako nagpapigil kahit malaking kawalan ito sa aking pagtatapos but still family first. Proud ako sa kanya dahil sa batch nilang iyun ay apat lang silang babe at mataas pa ang kanyang nakuha sa pagtatapos. Ang sabi niya ay promotedna daw agad siya pagkatrabaho niya. That day sobrang saya ng niya Kaya masaya na rin ako kahit ayaw na ayaw ko.
"Kapag magtatapos ka rin ay pupunta din ako sa France para samahan. Thank you so much for being here Mona kahit pa may malaking event ka." Buong puso niyang sabi.
"Tayo nalang dalawa Kaya hindi pweding ma miss ko ang masasayang pangyayari ng buhay mo." Sagot ko at niyakap siya.
We celebrated it with Tita Ging and her family here in the Philippines, umuwi din kasi siya kasama ko dahil graduation ng kanyang panganay na si Gin sa senior highschool.
Isang designer si Tita Ging doon sa France kung kaya at nagkasundo kami sa gusto ko. She help me with everything that I need to know regarding to designs and techniques kung paano ka magkakaroon ng sarili mong style. Her husband is an architect at mas piniling e guide ang mga anak kaysa tanggapin ang offer abroad. Dalawa lang naman anak nila, si Gindle at Loraine.
"You take care always, Mona." She said. Hinatid niya kami ni Tita sa airport dahil babalik na kaming France.
"Ikaw ang mag ingat, kakagraduate mo lang sasabak kana sa trabaho... Ana, magbakasyon ka Kaya sa amin sa France." Hinawakan ko ang kamay niya.
Natawa ito. "Ok, sa graduation mo ibibigay ko ang isang buwan sayo para ilibot mo ako dyan sa kinaaaliwan mong bansa." Natatawa parin niyang sabi.
Naeexcite ako.
"Really? Promise yan ha, walang bawian!" Gigil kong sabi dito at natawa narin si Tita.
"Naku, Ana, tuparin mo talaga yan upang hindi na naman yan nagkakasakit. naku, yang kambal mo masyadong emosyonal." Singit ni Tita.
Ewan ko ba, masyado akong attached sa kambal ko. Whatever happens to her, hindi man niya pinapaalam ay nararamdaman kong may problema siya o pinagdadaanan kaya nagkakasakit ako sa pag aalala.
She kept her promise, noong nagtapos ako sa kurso ko ay nandoon siya at pumalakpak. Habang tumatanda kami ay mas lalo lang nag iisa ang aming itsura kahit pa magkaiba ang pananamit namin. Mahilig ako dresses at siya naman ay sa pants at shirts. Pero hindi iyun naging rason para hindi kami maging kambal sa mata ng mga tao.
Gaya ng plano ay nilibot ko siya sa France. We make memories on our own. Ang saya ko, namin. Na miss namin masyado ang isa't isa kaya halos ayaw ko na siyang bitawan sa airport noong pauwi na siyang Pilipinas.
"Mona, umuwi kana kasing Pilipinas para naman magkasama na tayo."
Nalungkot ako, I still have things to do. Yung credentials ko ay matatagalan pa at nakapirma na rin ako ng isang kobtrata para sa isang kilalang designer dito na may kompanya.
"I'm sorry Ana, seguro pagkatapos pa ng dalawang taon." I sadly said.
Ngumiti ito at niyakap ako.
"Madali lang yan, two years? Parang bukas lang yan. Ilang tulog lang yan, don't worry I'll keep in touch."
We bid goodbye. That's life, Hindi natin kontrolado.
I use my talent to spent my years in France. Naging abala ako at sumaya sa ginagawa ko. Gumawa ako ng sarili Kong style at pangalan sa industriyang pinili ko. And to Ana as well ay na promote na naman ito. We're both successful in the filled we choose.
Isang gabing umuwi ako sa tinutuluyan ni Tita Ging ay nahuli ko siya umiiyak.
''Tita what happened?" Lalong dumagundong ang dibdib Kong kanina pa kinakabahan kahit wala namang abirya sa trabaho. Iba talaga ang pakiramdam ko e.
My Tita immediately hugged me while sobbing. Nag alala na ako, I've never seen her cry for a long time, huli noong namatay si mama.
O God!
Halos hindi ako makahinga sa nag pop up na idea sa aking utak.
"Your..."
She can't manage to speak right.
"Tita!" Gusto ko na siyang pagsalitain dahil para akong mamatay sa trill.
"Your sister is dead."
Everything froze, namanhid ang utak ko pati ang puso ko. I can't process it properly, Wala akong maisip na matino.
Totoo ba ito? No! It can't be.
It can't be!!!!
I passed out, I'm out of air so I passed out. Everything went black.
❤LibRanz01
Hi JuliaBagatua and AssiralAincep....
Thanks for the reads, votes and comments. Nakakagana po kayo❤❤
Ingat👍 God bless 😇😇